BAD #43

62.3K 1.8K 181
                                    

THIRD PERSON’S POV

“ Lea ”

Nakangiting tinignan ni Lea ang tumawag sa kanya, hele hele niya ang  anak habang siya ay nasa garden ng kanyang tahanan, mula sa gate ay nakita niya roon si Craig.

Pasok ka Craig, napasyal ka ata ? " Ani niya at ibinaba ang anak sa stroller nito. Sinenyasan ni Lea ang kasama niya sa bahay para pagbuksan ng gate ang kaibigan.

Pumasok naman si Craig at naupo malapit sa bench na kinauupuan ni Lea at ng kanyang anak.

“ I just pay a visit " Mahinang sabi ni Craig at nakangiting sinulyapan ang buwang gulang na anak ni Lea.

Weh mukha yatang Masaya ka ngayon ? " Panunukso niya kay Craig.

Napangiti si Craig kaya gulat na tinignan niya ito.

“ Hala di nga ? bakit yata Masaya ang katulad ni Craig ngayon ahemm ?” Panunukso muli niya habang dinudutdot ang tagiliran nito.

Umiwas naman si Craig at bahagyang tumawa sa reaksyon niya.

“ Omo ? ayie ano yan ah ? pinagpalit mo na ba ang bff ko ? " Nakangusong sabi niya at muling kinuha ang kanyang anak saka kinarga.

“ Tsk, it’s her " Mabilis na sagot ni Craig.

Nanlalaking matang tinignan niya ito dahil sa gulat. Napangiwi si Craig ng makatanggap siya ng mag-asawang hampas mula kay Lea.

“ Ano ? nandito na siya ? asan siya ? bat di siya nagpapakita ? " Sunod sunod na tanong niya.

“ Yeah, Nagkita kami pinuntahan niya ako sa condo pero agad din siyang naglaho ng parang bula. Sinabi niya lang na babalik na siya " Bakas sa boses ni Craig ang saya habang sinasabi ang mga iyon.

“ Ang daya naman ! bat sayo lang siya nagpakita ? " Tila nagtatampong sabi ni Lea sa kanya.

“ Ganun talaga " Mayabang na sagot ni Craig kaya nakatanggap siya ng hampas sa braso mula kay Lea na hindi niya pinansin.

“ Yabang, hmm lagot yang si Allisea sa akin pagbalik niya. Pahirapan mo yun ! "

“ Where’s your husband ? " Pagiiba sa usapan ni Craig.

“ Nasa trabaho si Luke, gusto mo kargahin si baby Lia ko ? " Nakangiting turan ni Lea at inabot ang baby kay Craig.

Nanlaki naman ang mata niya at mabilis na umiling.

“ Ayoko, baka mapisat " Kinakabahang sagot niya.

" Anong akala mo sa sarili mo gulong ? engot talaga neto haha. " Sagot ni Lea.

“ Tange, ganto mo hawakan magpractice ka na " Dagdag pa niya At inabot ang bata kay Craig, inalalayan niya ito pagkarga sa bata.

“ Lea ! baka mabitawan ko " Nagpapanic na sagot ni Craig.

“ Di yan, baby Lia kay ninong in-waiting ka muna ah ? haha " Sabay halakhak ni Lea. Sinamaan ng tingin ni Craig si Lea ngunit agad din niyang binaling ang paningin sa bata.

Tinitigan ni Craig ang bata at hinaplos ang maliit nitong mukha.

“ Gusto mo ng magkaroon ng baby ? ” Tanong ni Lea habang inaalog ang bote ng gatas sa kanyang kamay.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now