BAD #10

118K 2.6K 287
                                    

ALLISEA'S POV

----------------------------------

From: Lea

Hindi ko makukuha si Kent ngayon. Dalhin mo na lang siya bukas sa school ! Ahehe xD

- Hart hart <3 thank you mwuah !

-----------------------------------

Binaba ko ang cellphone pagkatapos basahin ang text ni Lea at tumayo mula sa pagkakahiga. Natuloy na ang tulog namin at kagigising ko lang. I look at my bed side para malaman kung anong oras na and it's already 6am in the morning.

Kaya pala walang nanggising sa amin ni Kent kase hindi pala siya susunduin. Aba si Lea ay abusado -___-

Nilingon ko si Kent na mahimbing na natutulog. Buti itinabi ko muna yung niluluto ko bago umidlip kagabi na dumiretso na sa tulog.

Naeestress ako eh . Tss Buti na lang nandyan si Kent hmm. Okay lang naman sigurong isama ko siya sa school. Kahit napakapossesive ng batang to sa akin -_________-

Pumunta ako sa kusina at sinimulang initin ang mga niluto ko kagabi. Sayang effort ko kung di ko naman to kakainin, maraming nagugutom sa bansang pilipinas -_______- Pinagsasabe ko ? gutom lang to.

Naghain na ako , pagkatapos ay bumalik sa kwarto at naghilamos. Pagkalabas ko ng banyo ay umupo ako sa gilid ng kama.

Gigisingin ko na si Kent. Dahil ang first class ko ay 8am. Aba't mabagal ako kumilos kaya.

" Hey Baby wake up " Ani ko habang marahang tinatapik si Kent.

Mamaya magala dragon pa to pag ginigising. Tss

" Hmm. Later na " Narinig kong bulong ni Kent at tinalikuran ako.

Aha ! A bright Idea come up to my mind. Mukhang gagamitin ko ang Allisea tactic Charm ah.

" Baby. Ako to si Wifey mo, ayaw mo na ba sa akin ? " Sinabi ko yan gamit ang pinakamalungkot na boses.

Pinigilan kong matawa nang makita kong bigla siyang bumangon at nagpalinga linga hanggang napatingin siya sa akin.

" Wifey ! I thought I'm at home " Nakangusong sabi ni Kent at inambahan ako nang yakap.

Sinalo ko naman siya at tumawa.

" I thought your auntie ! sorry wifey ! don't get mad please ! " Dagdag pa niya at niyakap pa ako nang mahigpit.

" I'm not mad baby. Hindi ka nasundo ng tita mo eh. Sama ka na lang sa school hah ? " Nakangiting sagot ko at binuhat siya.

He's a little heavy pero ayos lang. Tumango siya nang maraming beses at sumubsob sa balikat ko. Napakalambing talaga ni Kent kaya ayaw kong maniwala kay Lea sa mga pinagsasabi nun eh.

Inupo ko siya sa silya dito sa dining ko at nilagyan ng pagkain sa plato.

" Wow ! this is my favorite ! the black pork ! " Masayang sabi ni Kent nang nilagyan ko siya ng adobo.

Black pork daw, Loko talaga to. Umupo ako sa tabi niya at sumandok na rin ng pagkain.

" That's Adobo baby not Black pork. Eat well okay ? " Sagot ko at nagsimulang kumain.

Palingon lingon ako sa kanya para makita kung maayos ba siyang nakakain. Okay naman kaya nakampante na ako.

" I'm finish ! " Magiliw na sabi ni Kent at itinaas pa ang dalawang kamay.

Nginitian ko siya at uminom muna ng tubig tska itinabi ang pinagkainan namin. Para akong may anak, eck ano ba tong mga naiisip ko.

Pinaliguan ko na muna si Kent at binihisan. Mabuti na lang ang daming extra clothes na dala neto, ready ata. Ako naman ang sumunod pagkatapos. With my usual attire ay gumora na kami papuntang school.

She's a Badass TeacherWhere stories live. Discover now