CHAPTER 1

4.7K 93 29
                                    

"All done?" Napatingin ako sa harap nang tanungin iyon ng aming Professor. Bigla kasi siyang nagpa-quiz, Eh hindi naman siya nag-didiscuss. Hindi naman pre-assessment ito, Buti na lang pala ay nag-advance reading ako. "Last five minutes." She added.

Ilang bayolenteng reaksyon ang narinig ko sa klase nang sabihin niya iyon. Napapikit ako at huminga nang malalim, Nag-patuloy ako sa pag-susulat at hindi na lang pinansin ang mga sinasabi ng iba. Nang matapos ay agad akong tumayo at ipinasa ang papel sa kanya, kasabay 'non ang sunod sunod na pag-papasa rin ng iba.

Snack time, at kasabay kong lumabas ang aking dalawang kaibigan. Dahil pare-parehas kami ng course, At mag-kakaklase sa lahat ng subject.

"Mauna na kaya kayong dalawa sa cafeteria? Susunod na lang ako, May kukunin pa kasi ako sa library." Palusot ko. Ayaw kong samahan pa nila ako papunta sa silid aralan na iyon, Gusto ko siyang makita na ako lang.

"Samahan ka na namin," Suhestiyon ni Camille habang inaayos ang kanyang hawak na libro. Napaiwas ako ng tingin at agad na umiling iling. Kapag nalaman nila kung sino ang pupuntahan ko, baka sermonan na naman nila ako.

"Huwag na, Baka mawalan tayo ng table kapag sumama pa kayo." Wika ko at paatras na lumakad. Nagkatinginan naman ang dalawa at kibit balikat na sumang-ayon.

"Sige, Bumalik ka kaagd hah!" Bulalas ni Liam, Tumango tango naman ako at tuluyang tumalikod. Pasimple akong ngumiti at mahigpit na humawak sa aking bag. Dahil malapit lang naman ang room nila, Minabuti ko nang huwag mag-madali at tumakbo. Baka kung ano pang mangyari sa akin, Or worst, baka umatake na naman ang bad monsters na nasa paligid.

Dahan dahan akong nag-lakad habang pasulyap sulyap. Dali dali akong nag-tago sa mga halamanan at sumilip sa bintana. Inikot ko ang paningin at hinanap ang aking sadya. Magulo ang buong klase, may mga nag-kalat na papel sa lapag, at ang mga mag-aaral ay nakaupo sa mga mesa imbes na sa silya. Huminga ako nang malalim ngunit napaubo ako nang malanghap ang amoy na iyon, Bakit ang baho?

Tumingin ako sa inaapakan at sa kasamaang palad ay nakatapak ako ng isang sama ng loob. Napairap ako at hindi na lang pinansin.

"Pssst!" Pinaswitan ko ang isa sa mga kaklase niya, Nakita ko ang paglinga-linga nito hanggang makita ang aking mukha na palihim na nakasilip. Gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi at lumabas ng pinto, Sinalubong ko siya sa gilid para hindi kami mahalata ng kanyang nga kaklase, o kaya naman, Ng sadya kong tunay.

Iniabot ko sa kanya ang isang paperbag na naglalaman ng mga chocolates na binili ko kahapon sa mall, naisipan kong bigyan siya dahil napapansin kong madalang siyang lumabas tuwing snack.

Lagi kasi siyang nasa sulok ng room nila, at may hawak na libro.

"Dating gawi ba?" Tanong ni Tyron, Tumango naman ako sa kanya kaya nag-ok sign na lang ito. Sumenyas ako na humayo na siya at ibigay na iyon, habang ako ay bumalik sa aking hiding place. Agad siyang lumakad papunta kay Aster, Sinilip ko kung paano niya ibigay sa pinaka-mamahal kong lalaki ang paperbag na mula sa akin.Gad akonh napaangiti nang makita ang pag-simangot ni Aster na halos ika-ihi ko pa sa aking palda.

Tinignan niya ang laman at agad na binulungan si Tyron, Ang kaibigan ko rito sa room nila, kasabwat ko sa pangliligaw kay Aster. Kagat labi akong umalis sa aking pwesto at bumalik nag-tungo sa CR para hugasan ang aking sapatos. Nang matapos, at nasigurong wala ng amoy, Lumakad ako papunta sa cafeteria at hindi pa rin lubos maisip kung gaano kaganda ang pag-simangot ni Aster. 

Naalala ko pala, may ibinulong siya kay Tyron! Kakausapin ko na lang mamaya ang aking kaibigan tungkol sa kung ano ang sinabi sa kanya ni Aster. Malay ko ba kung, Sinagot niya na ako. Or hindi? Dahil hindi niya naman alam na nang-liligaw ako. I've been anonymous! Hindi ako nag-papakilala, and maybe, He find me so creepy dahil sa aking ginagawa.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now