CHAPTER 21

1.1K 30 1
                                    

That day wasn't that awesome, It isn't that wonderful and it totally sucks. Pauwi na ako ngayon, at tahimik na nakikinig sa musika na nanggagaling sa aking headset. Some people are doing this to escape something, And I'm doing this because I want to do the same.

I wanna escape what happened. At sa tingin ko, mukhang kasalanan ko ngang nag-selos ako. Mukhang kasalanan ko nga na buligligin siya, At mukhang kasalanan ko ngang nagalit siya ng sobra dahil 'don. Mukha kasing wala ata akong karapatang mag-selos, at sa tingin niya siguro ay over-acting na ako.

"Damn," Mura ko nang may bumangga sa aking balikat. Napatingin ako kung sino man iyon at nakita ang isang babae na ngayon ay nakangising nakatingin din sa akin. Gusto ko sanang isipin na hindi niya sinasadya iyon, ngunit kung paano siya umakto ngayon, mukha ngang sinadya 'yan.

"Oh, I'm sorry. Did it hurt?" She asked, With the most annoying voice of all. Pilit akong ngumiti, at pinili na huwag na lang siyang patulan at pag-mataasan ng boses. Muntik na akong atakihin kanina, At ayokong matuluyan nang dahil lang sa kanya.

"No, It's okay." Ani ko, at tumalikod na. Tutuloy na sana akong mag-lakad nang bigla pa siyang mag-salita.

"Mag-susumbong ka siguro sa boyfriend mo, Kaya ganyan ka. User." Lumipad ang tingin ko sa kanya nang sabihin niya iyon. Ramdam ko ang bulungan sa iba't ibang sulok ng hallway.

"Pardon?" I asked, At nanatiling naging mabait sa kanyang harapan. I never been involve in a catfights, pero mukhang mapapasama ata ako ngayon.

"You obviously just want to be with him for your sake to be protected. Ganyan talaga kapag kailangan ng awa ng isang tao. Gagawin niya ang lahat. Ang cheap mo." Sambit niya. First of all, Hindi ko siya kilala at wala akong ginawang masama sa kanya. "User of the year awardee, Magna-nakaw cum laude." Narinig ko ang mga tawanan ngunit nanatili akong nakatingin sa kanya, at hindi nag-sasalita.

"You just stole Aster H. How dare you?" She said, At unti unting lumakad papunta sa akin. She's wearing tight skirt, and boots.  Mukha talaga siyang isang maarteng kontrabida sa isang pelikula.

"Mananakaw lang ang isang bagay, kung sa iyo talaga ito. As for me, Hindi naman sa iyo si Aster kaya wala akong ninakaw sa iyo. Ang nonsense mo." Mariin kong sabi, at tinignan siya mula ulo hanggang paa. I rolled my eyes at her, as I walk out.

Nakarinig ako ng mga iba't ibang reaksyon mula sa mga nakikinood kagaya ng "Booo!" "Wala ka pala eh!" "Good for nothing inggitera!", I smiled silently. Bakit ako matatakot? Sino ba siya? Napakain niya na ba ako?

Nakarating ako sa main gate at agad na natanaw ang aking sundo. Agad akong pumasok sa loob, at ipinatong ang aking likod sa sandalan.

"Let's go." I said, At kasabay 'non ang pag-andar ng sasakyan. Kinuha ko ang aking cellphone, at nakita ang ilang text mula kina Camille at Liam. Hindi kasi kami pumasok ni Aster sa isang subject, at bumalik lang kami noong Alas onse. Ngayon ko lang nakita ang kanilang mga texts.

Hindi na ako nag-abalang basahin iyon, at ibinaba ng muli. Tumingin ako ng diretso sa daan, at naisip na naman ang naging usapan namin ni Aster kanina. Hindi ako natuwa sa aming inakto, at sigurado akong hindi rin siya natuwa sa akin. Ngunit anong magagawa ko, sobrang galit ako kanina at hindi ko na napigilan ang sarili ko.  Dala dala ko ang galit na iyon noong bakasyon hanggang kanina.

Binuksan kong muli ang aking bag, at nakita ang isang paperbag. Ang mga cupcakes na kanyang ibinigay, ay andito pa. Hindi naman ako sobrang sama para itapon ang kanyang bigay. Hindi lang ako mapalagay sa mga nangyayari ngayon.

Una, Ang sa amin ni Kuya. Pangalawa, ang sa amin ni Liam, at ang huli ay ang kay Aster. I never had a chance to talk again to Liam after what happenes back there in the cafeteria. I was trying to defend Aster kahit na naiinis ako sa kanya, pero mukhang hindi ko mababago ang iniisip ni Liam tungkol sa kanya. Then si Kuya, he wouldn't come home at kung ano ano ang mga nasabi ko sa kanya. It's not that I regret it, I just want him realize what I feel right now dahil mukhang hindi niya ako naiintindihan.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now