CHAPTER 33

1.2K 36 43
                                    

It was God's signal again. When I opened my eyes in the same bedroom I had woken up before christmas, I was greeted by the same people who greeted me way back then. "Good Morning, Darling." Mom said, as she held my hand. I don't know how I have gotten here, but I am too thankful that I survived another attacked.

And I realized, that happened yesterday. Nakita ko agad iyon sa wristwatch na suot ni Mommy. I breathe freely, as if nothing happened dangerous to me. As usual, I have this machine beside me and a tube that was put in my nose to help me breathe. I saw my Brother sigh, as our eyes met.

"I'm glad you woke up," Mahinahong sabi niya. The bags under his eyes screamed how much sleeps he lost. He helped me sit, and I look up to him.

"I need to attend my class tomorrow, okay?" I said.

"Alright, you will." Mom said. He gave me a glass of water, kaya naman agad akong uminom. I don't have an appetite to eat something kaya naman hindi na ako humiling ng kahit na ano. "Buti na lang, your friend Liam and his girlfriend rushed you here. Kung hindi ay kung ano nang nangyari sa iyo." Agad akong napatigil sa pag-inom, at ibinaba ang hawak na baso sa bedside table.

"What?" I asked. Sina Liam, at Riri? Natulala ako saglit habang iniisa-isa at hinimay-himay ang mga nangyari. Sabay kami ni Liam nag-lalakad, nag-paalam siya para sunduin si Riri. Tapos naglalaro ako ng bato, naidala ako sa court ng laun tennis at..  At... At nakita ko ang mukha ni Aster Hechanova. "What do you mean?" Pag-uulit na tanong ko. Gusto kong marinig na si Aster ang nag-dala sa akin dito.

"Nahimatay ka sa laun tennis court, nakita ka daw nila doon. Wala kang kasama." Nanlaki ang aking mata, wala akong kasama? Posible bang wala talaga doon si Aster at nag-hallucinate lang ako 'non o andoon siya at iniwan niya na talaga ako? Hindi ako makapag-salita, at naiinis ako sa aking sarili. Hindi pwedeng kathang isip lang iyon, alam kong nakita ko siya. Nahawakan ko siya! Ngumiti siya!

"I'll just sleep. Mom, I will rest." Sabi ko at agad na binawi ang kamay sa kanya. Tinalikuran ko siya at humarap sa kabilang direksyon. Hindi ako makapaniwalang naiwan akong mag-isa, at may mga tanong pa rin sa aking isipan. Naiwan ako?

"Carina, you need to let him go." I heard her said.

"Carina, let me go. I want to hear it from you, pakawalan mo na ako."

"Carina, let me go. I will be fine. I will remember you, and I will not forget everything we've come through. Please, Carina, let me go."

"Carina, let me go. I want to hear it from you, pakawalan mo na ako."

"Carina, let me go. I will be fine. I will remember you, and I will not forget everything we've come through. Please, Carina, let me go."

Paulit-ulit iyong nag-echo sa aking isipan. Pumikit ako at agad na pinakalma ang sarili. My heart is breaking until now, kung paano niya hilingin sa akin na pakawalan siya at kung paano ko siya tuluyang pinalaya. Sariwa pa rin sa isipan ko iyon. Wala na akong narinig matapos iyon, at sa wakas ay tuluyan ko nang pinatulog ang sarili.

I woke up in the afternoon, and I only saw my Brother sitting beside me. Wala si Mommy at kahit na si Daddy. Sa sobrang laki ng silid na ito, kaming dalawa lang ni Kuya ang tao. Hindi pa uwian ng mga kaibigan ko, kaya naman naiintindihan kong wala pa sila dito.

"Hey," He greeted me. Tinulungan niya akong makaupo hanggang sa tuluyan na akong nakaayos. "Are you hungry" He continued. Agad akong umiling, wala akong gustong kainin. Tumango naman siya, at hindi na nag-salita. Ilang minuto lang ay biglang may pumasok na doctor, it was Doctor Watson together with Dr. Angela. She wasn't wearing a uniform, hindi naman niya ito clinic that's why.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now