CHAPTER 11

1.4K 35 3
                                    

"Class dismissed. Thank you for your cooperstion, Well appreciated."

Nang sabihin iyon ng aming guro ay agad akong tumayo, Hindi ko pinansin ang oag-tawag sa akin ni Liam at kahit na si Camille. Agad agad akong nag-lakad papunta sa comfort room ng girls, umiikot ang aking paningin ngunit agad akong dumungaw sa lababo para isuka ang lahat ng aking kinain.

Tumagal iyon ng ilang segundo, at nanvg tuluyang makaramdam ng kaunting ginhawa ay agad akong nag-mumog at inayos ang sarili. Tinignan ko ang aking repleksyon, at tila ba tuyot na tuyot. Hindi ako nakakain kagabi, pati na rin kaninang umaga. Nabigla ata ang aking tiyan dahil sa biglaan kong pagkain ng mamantikang karne, at sinabayan ko ng sobrang lamig na milktea. Masakit ang aking sikmura dahil dito, at ang pag-duwal lang ang kagihawaan ko.

Huminga ako nang malalim, at napapikit. Buti na lang at walang pumapasok kaya malaya akong nag-sandal ng likod sa pader at huminga ng malalim. I'm only wearing jogging pants today, hindi namin PE pero iyon ang napili kong suotin dahil sobrang lamig na lamig ako kaninang umaga. Nag-mulat ako, at binuksan ang bag psra kuhanin ang damit na ibinigay ni Aster, Pumasok ako sa isang cubicle at agad na nag-palit. Hindi ko na tinignan kung anong itsura ko, dahil wala ako sa wisyong mag-inarte ngayon para kay Aster.

Naalala ko, Nasabi niya nga pa lang susunduin niya daw ako sa room. Ngunit wala na ako doon ngayon, baka akalain niya ay hinopia ko siya. Kinuha ko ang aking bag at walang tingin tingin sa daan na inilagay ko ang pinag-bihisan doon.

"Aw," Napatingala ako, at nakita ang mukha ni Tyron. Anong ginagawa niya sa tapat ng Girl's comfort room? "Buti na lang at nahintay kita, sobrang tagal mo pa lang mag-bihis." Sabi nito, Agad naman akong napakunot. Kanina pa siya andito?

"What are you doing here?" I asked.

"Actually, Si Aster ang andito kanina. Kaso ako ang pinag-hintay niya kanina 'nong bigla siyang tawagin ng isang Professor." Aniya habang nakangisi. Aster? Oh god, Kanina pa ba siya andyan? Baka rinig na rinig niya ako? Or worst, baka nasilip niya ako?

Wala akong nasabi, at tumingin lang sa daan.

"Ang tahimik mo. Ineexpect ko na mag-tatalon ka sa tuwa. Pero dapat ay hindi na ako mag-taka, friends na nga pala kayo." Bulong niya pa, Tumango tango naman ako. Yes, Para sa akin ay isa na siyang kaibigan, Ngunit hindi nga lang ako sigurado para sa kanya. He's my friend, Pero backup ko ang feelings.

"Well, I'm just tired." Bulalas ko.

"Hmm? Sayang. Mag-lalaro pa---" Hindi niya na naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang may isang matangkad na lalaki na biglang sumulpot sa kung saan.

"Hey, Carina." Nag-angat ako ng tingin at nakita si Aster. He's wearing shorts, and a simple white t-shirt. Ang kanyang medyas ay hanggang tuhod, at may bibit na isang bag.

"H-hey," Iwas matang bati ko pabalik. Matagal na katahimikan ang namayani sa aming tatlo, habang ako ay kunyaring may hinahanap sa aking bag. I can feel his eyes on me, at sobra akong hindi kumportable doon. At wala akong magawa dahil hindi ko naman magawang labanan.

"So ano? Unahan ko na kayo sa court ah?" Umalis ito, at naiwan kami ni Aster. And worst, Sa tapat pa ng cr.

"May problema ba?" He asked, Agad akong napatingala sandali, at umiling. Isinara ko ang aking bag at bahagyang umatras. "May gagawin ka ba ngayong araw?" He asked, again. Hindi ko masabi sa kanya na gustong gusto ko na mag-pahinga. Sa pagkakarinig ko sa naputol na sasabihin ni Tyron ay, mag-lalaro daw kami.

So kaya pala pinag-suot niya ako ng damit na ganito, at kaya rin may dala siyang mga raketa ngayon. At mukhang nakakapagod iyon, Bawal akong mapagod dahil sigurado akong may posibilidad na atakihin ako. And worst, hindi pa maganda ang pakiramdam ko ngayon. Tinignan ko nang ilang segundo ang kanyang mata, at umiling iling.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon