Chapter 30

1.2K 32 61
                                    

Weeks had passed now, at hindi ko na siya nakita. He haven't attended school, or either pay a visit. Minsan ko nang natanong si Dale kung asaan siya, kung anong ginagawa niya, o kaya naman ay minsan ba siyang nag-tanong tungkol sa akin. Pero iisang sagot lang ang nasasabi sa akin ng kanyang kapatid, He never went out to his room in the first few days. He never talked to anyone, even his father or even Meteo who came back from abroad.

I keep on doing this everyday, hanggang sa tuluyan na akong mapagod kakahintay sa kanya. If I estimated it, mahigit isang buwan ko na siyang hindi nakikita at wala na akong balita pa sa kanya. Nakakasawa din pala, kahit na ilang beses ko siyang tawagan o itext, I even Dm him but never replied.

My days without him become more unbearable and dark, kung may isang bagay man akong gustong mangyari ngayon, ay iyong atakihin ako dito sa library kung saan una kaming nagkamabutihan. And I will die in peace, without thinking about him anymore.

Malamig ang panahon, malapit na ang sembreak at hindi ko man lang maramdaman ang excitement. Ito na ang huling linggo ng pasok, maraming kailangang gawin kaya naman sa mga ganitong bagay na lang ako nag-tutuon ng pansin.

Napapikit ako nang umihip ang nakakataas balahibo na hangin, nakabukas ang bintana sa tapat ko at ang lamig ay tila bumalot din sa aking puso. Mahirap huminga nitong nakaraang linggo, hinihintay ko na nga lang na atakihin ako.

Ang aking buhok na inayos niya pa bago kami tuluyang mag-hiwalay ay hinayaang kong magulo. Baka bigla siyang lumitaw sa aking harapan at ayusin ito para sa akin. Iminulat ko ang aking mata, at tumingin sa librong aking binabasa.

The fault in our stars by John Green will always be my favorite book, kahit ata pagbali-baliktarin ang mga pangyayari ay sa kanya pa rin ako babalik. Pero ano ngang gagawin ko? kung siya mismo ang bumitaw sa aming dalawa. Kung siya mismo ang unang umalis, at kung siya mismo ang ayaw mag-pakita sa akin.

Hinanap ko siya, naghintay ako, ginawa ko ang lahat ng paraang alam ko para lang bumalik siya, pero hindi niya ginawa. Noong mga unang araw, naiintindihan ko pa. Inisip ko lahat ng magandang dahilan para lang mapaniwala ang sarili na ayos lang, but it took weeks and until now, gusto ko pa ring lokohin ang sarili na babalik siya.

Masakit na, at para akong laging kinukulang sa hangin. Simula noong iniwan niya ako ay hindi pa ako inaatake, hindi ko pa nailalabas ang lahat ng mabibigat na dinadala ko.

Nang matapos akong mag-basa ng isang kabanata ay hindi na ako nag-tuloy pa. Inilagay ko ang libro sa aking bag, at kinuha ang ibang libro. Tumayo na ako at inayos ang sarili. Humugot ako ng buntong hininga, at lumakad na. Ang tunog ng aking timberland boots lang ang naririnig sa buong library, napapatingin pa nga sa akin ang ibang tumatambay dito hanggang sa makalabas na ako.

Uwian na, it's already five and I badly want to go home. Gusto ko nang mag-kulong at ibalot ang sarili sa makapal na kumot. Diretso ang aking tingin sa daan, at hindi pinapansin ang kanilag titig. Sino ba naman kasing hindi titingin sa taong iniwan ng isang Aster Hechanova?

Ilang araw rin akong balita sa department namin, at wala nang bago sa mga naririnig kong ako daw ang may kasalanan, ako daw ang ginawan siya ng mali at iba pa. That's nothing to me now, it made me cry once, pero nag-sisisi akong inayakan ko ang mga masasakit na salita nila.

Nakita ko ang aking sundo, si Kuya iyon. Malapad ang ngiting isinalubong niya sa akin na sinuklian ko naman ng isang tipid na ngiti. "Woah, you look stunning today." He said habang ginugulo ang aking buhok. I'm just wearing a simle top at above the knee na palda.

"If this look pretty to you, ang pangit ng taste mo." I said. Napakunotito at agad ring inayos ang nagulong buhok. Nagpakawala ako ng buntong hininga, I hate it when someone fix my hair.Si Aster lang ang gusto kong gumagawa sa akin 'non. "Stop it." Iritadong wika ko. Agad naman siyang tumigil ng walang reklamo.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now