CHAPTER 4

1.7K 55 78
                                    

"Carina," Napatingin ako kay Kuya nang tawagin niya ang pangalan ko. Siya ang sundo ko ngayong araw at, Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggal sa aking isipan ang nangyari kanina. Kaya naman abot na lang ang pag-kunot ng noo nito dahil sa hindi ko mabilis na pag-sagot.

"Ano na nga ulit iyon?" I asked, Bahagya siyang tumingin sa akin at nag-isip sandali. Ako naman ay nakatingin sa kanya ngunit nasa iba pa rin ang utak.

"Want a milktea?" He asked, Napakunot ako. Pakiramdam ko ay hindi talaga iyon ang tanong niya, Parang pakiramdam ko ay may tinanong siya na hindi ko narinig at nainitindihan.

"Ahm, Yes please. I'll wait you at the car." Sagot ko, Tumango naman siya sa akin and we parted ways. Ako ay tumuloy sa kanyang sasakyan, Habang ito naman ay sa cafe na malapit. Tinitignan ko ang mga tao sa labas at nagbabakasali na makita si Aster. Napakagat ako sa labi at ipinatong ang likod sa bintana. Itinapat ko ang aking palad sa dibdib at pinakiramdaman ang sarili.

"Huy, Bakit ang bilis mo na naman hah?" Wika ko at huminga nang malalim. Iniisip ko pa lang si Aster sa lagay na ito, Sobra na mag-react ang puso ko. Buti na lang at hindi ganoon kakomplikado kanina, Kundi ay mapipilitan akong umuwi para pakalmahin ang sarili. Because I might die, because of that boy and this feeling, And this cranky heart.

Nakita kong paparating si Kuya kaya naman agad akong umayos ng upo, Na kunyari ay may hinahanap sa aking bag. Alam kong magtatanong siya kung anong nangyari sa akin, And For sure, Hindi siya titigil hanggang hindi niya nalalaman. And that sucks, Really.

"Here's for our princess," He said, at inabot ang isang milktea habang ang isa ay hawak niya at nakalagay na ang straw sa kanyang bibig. Tininggap ko iyon at ngumiti sa kanya, Ininom ko rin ang aking at ilang segundo lang ay umandar na ang sasakyan.

"Can I open the windows?" Panghihingi ko ng pahintulot, Kahit na ayaw niya ang hangin mula sa labas, at ayaw niya ring naririnig ang mga ingay ng sasakyan. Tuminging siya sa akin at umiling, Napasimangot ako sa kanyang ginawa at huminga nang malalim. "Why not? I need air." I added, Biglang nawala ang maaliwalas na aura sa kanyang mukha, Nang sabihin ko iyon.

"No. You'll get air, at home. Kung iyon ang kailangan mo." Madiin niyang sabi, Napaiwas ako ng tingin. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Gusto ko lang ang hangin sa labas.

"I mean, Hindi naman ako nakukulangan sa hangin ngayon. I just want to feel the air outside." Nag-aalangang sabi ko at humawak sa bintana.

"Don't be so ridiculous, Carina. Hindi maganda sa kalusugan mo iyan, I assumed, You don't wanna take treatments in the hospital, Right?" Diretso niyang sabi, Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kabilang banda at umiling iling. Wala akong nagawa kundi tumahimik at umirap nang palihim.

He is so over-reacting, Sobra na akong nasasakal! I mean, He's close to being insane. Hindi na siya muling nag-salita, At ganoon rin ako. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa hanggang makarating kami sa bahay. Sinalubong kami ni Mommy, na may hawak pang isang bag sa kanyang isang kamay. Saan na naman kaya siya nag-punta?

"Hey," Bati ko, at humalik sa kanyang pisngi. Ganoon din ang ginawa ni Kuya, Habang kinukuha niya mula sa akin ang aking bag. Ibinigay ko naman sa kanya iyon, At sabay kami ni Mommy na pumasok sa loob habang siya ay nasa likod.

"How's school, Dear?" She asked, Nag-alay ako ng simpleng tingin sa kanya at agad na nag-iwas. It's fine! Sobrang ganda ng mga nangyari sa akin today. I saw Aster, And that's it's the most precious day of my life!

"Fine, Just normal." Kibit balikat kong sagot at pilit na tinatago ang pamumula. Kinuha ko mula kay Kuya ang aking bag, At humalik muli kay Mommy. Bahagya akong tumingin kay Kuya, At tinanguan lang siya. My brother's insane, Oh God. Umakyat na ako sa itaas at nang makapasok sa kwarto ay agad na ibinalibag ang gamit sa aking kama.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن