CHAPTER 13

1.4K 49 9
                                    

Hindi ko matanggal ang ngiti sa aking mga labi hanggang makarating ako sa bahay. Agad akong tumuloy sa aking kwarto at agad na tinanggal ang sapatos, Nahiga ako sa kama at agad na nagpaikot-ikot. Aster Hechanova hold my hand! I can't even, Oh My Gosh! He held my hand in front of everyone!

Sa lahat ng klaseng pinasukan ko ay iyon ang aking iniisip, Ni hindi ko nga maintindihan ang ibang sinasabi sa akin nina Liam dahil doon. And oh god, Hindi ko pa sinasabi sa kanila na nahawak ni Aster ang kamay ko! It's not the right time, lalo na at nanlulumo pa si Camille. Muntik ngang ipa-blutter ni Liam si William, Buti na lang at nag-usap silang dalawa ni Camille. At sinabi naman nitong isa na ayaw niya ng mahabang diskusyunan tungkol sa walang kwentang lalaki.

"Don't take it too much, Baka ikamatay mo." Bulong ko sa sarili, at dahan dahang huminto sa pag-ikot. Umupo ako at parang tangang nakangiti pa rin, Ang lambot ng kamay niya. Sobra. Tinignan ko ang aking kamay, at napakagat sa labi. Gusto kong sumigaw at tumili, ngunit baka may makarinig sa labas. At alangan namang sabihin ko na wala lang iyon, mag-dududa lang sila.

Tuluyan na akong tumayo para pumunta sa banyo para mag-shower, As I finish cleaning myself, Agad akong nag-bihis at napag-desisyunang bumaba. Tumuloy ako sa kusina para kumuha ng strawberry yogurt, Tumingin ako sa paligid at puro prutas ang nakita. Parang gusto ko ng chichirya, o kahit na anong hindi prutas. Umupo ako sandali, habang hawak ang baso ng yogurt. Tahimik akong kumakain habang hawak ang aking cellphone, Kausap ko kasi si Tyron.

From: Tyron

Nagkasabay lang kami kanina, hindi ko naman alam na mamasamain pala ng manliligaw niya.
6:28PM

To: Tyron

He's insane, Ang kapal ng mukha niyang umakto ng ganon. Eh pagkatapos nang nangyari, nakita namin siyang may kasamang iba.
6:29PM

From: Tyron

Really? Walang kwenta. Your friend is really joyful, at palakaibigan.
6:29PM

To: Tyron

Bakit? Type mo? Ligawan mo na, Walang type 'yan sa ngayon. Baka ikaw pa lang, malay mo hahaha!
6:30PM

From: Tyron

Silly, Wala pa sa isip ko ngayon. Hindi pa nga kami close eh. Atsaka, Ayokong taubin ang kaibigan mo.
6:30PM

To: Tyron

Why? Ano namang masama?
6:32PM

From: Tyron

Baka akalain mo, Nag-lalaro lang ako. Wala talaga akong balak sa ngayon, Nagkasabay lang sa hallway, Ligawan na? Hahaha.
6:32Pm

To: Tyron

Eeeeh, Malay mo! Mag-work out. Bakit ba kasi nagkasabay kayo?
6:33PM

From: Tyron

Hinahanap nga kita, kakamustahin sana dahil sa nangyari kahapon. Kaso siya ang nakit ko tapos nagkausap kami sandali, then her suitor came. Blah blah
6:33PM

Medyo natawa ako nang mabasa iyon, mag-ttype sana ako nang biglang may dumaang katulong. Agad ko siyang tinawag at lumapit naman ito.

"May tindahan bang malapit dito? Pinakamalapit?" I asked, Nag-isip ito sandali at agad namang tumango. "Pwede bang bilhan mo ako ng chichirya? Yung malalaki, tapos pwede pakisunod na lang sa kwarto?" I continued.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now