CHAPTER 34

1.1K 31 53
                                    

Matapos kong marinig iyon ay nagpintig ang aking tainga. Hindi ko na napigilan ang sarili na tumayo, at lumakad papunta sa kanila. Hindi nga sila malayo sa akin, dahil ilang metro lang ang layo nila sa hagdan na pinanggalingan ko. Napatingin sila sa akin, at halata ang gulat sa kanilang mga mata.

"How did you do that? Paano mo siya nagawang palayuin?" Diretso kong tanong sa aking Ina. Napahakbang siya papalayo sa akin, habang si Daddy ay napahawak lang sa kamay ni Mommy. Si Kuya lang ata ang nag-lakas ng loob na lapitan ako.

"Carina, let's go. Rest, now." Aniya at kinuha ang aking braso. Ngunit padabog kong iwinaglit ito na ikinatingin niya.

"Tinatanong ko kung paano? Kung paano niyo ako napaniwala sa mga kasinungalingan niyo!" Sigaw ko pa, habang diretsong nakatingin sa ilaw ng aming tahanan. Napahawak siya sa kanyang bibig, at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Carina, halika na." Ani Kuya, ngunit hindi ko siya pinapansin.

"Alam niyong tatlo? Alam niyong tatlo?! You now I suffered! How I cried and how much I want to see him! Gustong gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan, at alam niyo! Alam niyong tatlo iyon, kasi kayo mismo ang nag-plano!" Wika ko pa. "Mag-salita ka, Mommy! Bakit niyo nagawa sa akin ito?!" I continued.

Nag-baba siya ng tingin. It was planned, after all. "Kailan pa ito nag-simula? Ilang beses akong muntik na namatay, at hindi man lang kayo nakonsensya? Dinamay niyo si Aster? Ang plastik mo, Mommy! Ang plastik niyo!" Kuya hugged me, sobrang higpit na parang pinapakalma ako. Hindi ako kumawala, dahil ang hirap hirap huminga.

"Kuya, why?" Bulong ko, kasabay nang pag-tulo ng aking mga luha.

"I gave Aster weeks to be with you, bago niya tuluyang putulin ang ugnayan niyo. Habang mag-kasama kayo, alam niyang may sakit ka. We talked about it, sinabi ko sa kanyang na siya ang dahilan kung bakit ka inaatake ng ganyan. And he believe me, he left you. I planned it, we planned it altogether. I want to protect you from the outside. I'm sorry." Bumagsak ang aking balikat nang marinig iyon. Alam na ni Aster, noong mga araw na masaya niya akong hinarana, at nag-sayaw pa kami... Alam niya na?

"When did it all started?" I asked.

"The day after you met his parents. Nag-usap na kami. And he favored me to give him weeks because he wants to be with you. Kung mahal ka niya talaga, ipinaglaban ka niya. Hindi siya papayag." Sambit pa nito, matalim akong tumingin sa kanya at agad na inihiwalay ang sarili kay Kuya.

"Paano niya nga akong ipaglalaban kung isinisi niyo sa kanya ang lahat?! Nagsama kami, at hindi ko napansin iyon! Nagkaroon lang ako ng kutob, ilang araw bago niya ako iwan! Grabe, Mommy! Huwag mong isisisi sa tao na hindi normal ang anak niyo! Isisi niyo sa sarili niyo, kasi inanak niyo pa ako!"

Tuluyan ko silang tinalikuran at hindi pinansin ang kanilang mga tawag. Wala akong pake kung hindi na ako makakain ngayong gabi, basta ang gusto ko lang ay makarating ako sa aking kwarto at hindi na sila makita pa. Nang makarating ay agad kong isinara ang pinto, tumungo ako sa aking kama at umupo. Ako na mismo ang nag-pakalma sa sarili dahil wala akong maasahan dito sa bahay.

Nang tuluyan kong matulungan ang sarili mula sa paninikip ng dibdib ay nag-hubad ako ng pang-itaas at nag-palit na ng damit. Hindi ko na nagawang mag-shower at inihiga na lang ang katawan sa kama. Nakita ko ang mga bituin na nakadikit sa kisame, at bigla na lang akong napangiti nang alalahanin ang lahat. "I missed you, my hero." I whispered. Hindi ko alam kung bakit ko pa nakuhang ngumiti.

Papikit na ako nang maalala ang isang bagay. Agad akong napatayo at kinuha ang bag. Binuksan ko ang lampshade at inilabas mula dito ang letter na ibinigay sa akin ni Rosechel.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant