CHAPTER 9

1.5K 55 1
                                    

September 9, Tuesday. Our parents came home with a smile on theri faces, as if they weren't tired of the long travels and non stop meetings. Wala akong nagawa kundi bumaba, At salubungin sila kasama si Kuya. And for the first time after how many days, Ngayon ko lang siya nakita. Nothing changed in his physical appearance, Hindi naman siya tinubuan ng balbas, o kaya ay lumaki ang itim sa ibaba ng kanyang mata.

"Good Morning," Bati ni Kuya sa kanila, At ngayon ko lang rin narinig ang boses. Niyakap siya ni Mommy, at tinapik namab ni Daddy ang kanyang balikat. Ibinaling sa akin ni Mommy ang kanyang tingin, at niyakap din ako. Tumagal iyon nang ilang segundo, at bumitaw na rin.

"I miss you two, Our flight had been delayed yesterday kaya naman ngayon lang kami nakarating." Ani Daddy, Habang papasok na kami sa bahay. Tinulungan ni Kuya, na naka-pajama pa, na mag-buhat si Mama sa kanilang mga bagahe. I'm not expecting any pasalubong, Dahil alam ko naman na wala silang oras para mamili doon.

"Mom, I'm gonna go upstairs. Kailangan ko pang mag-palit." I heard Kuya said, Tumango lang si Mommy sa kanya at umakyat na ito.

"Mommy, I'm gonna go up too. Maaga ang pasok ko today, eh." Kibit balikat kong sagot, Tumango rin siya kagaya nang ginawa niya kay Kuya. Halos magkasunod lang kami dalawang paakyat sa hagdan, Ngunit mas nauna siya. Tumungo ako sa aking kwarto, At agad na hinubad ang aking mga damit. Lumakad ako papunta sa banyo, at hinayaang tumulo sa aking katawan ang tubig na nanggagaling sa shower. Nilinis ko ang sarili, At nang matapos ay agad na ring lumabas.

Nag-bihis ako, at sinuot ang uniporme. Tumingin ako sa salamin, at mukha naman akong normal. Hindi maputla, hindi sobrang lamya. Manipis lang na liptint ang inilagay ko sa akibg bibig, at natural lang ang kulay ng blush-on. Nang matapos ayusan ang sarili ay agad kong kinuha ang aking bag, at pati na rin ang ibang libro.

Lumabas na ako sa aking kwarto, at bumaba. Napansin kong nasa sala pa rin sina Mommy na ngayon ay nakaupo, at nag-papahinga. Baka ngayong umaga nga lang ang pahinga nilang dalawa, lalo na si Daddy. Andoon din si Kuya kaya namab agad akong napatigil. Iniisip ko pa kung dapat ba akong mag-paalam na aalis na, o huwag na? Ngunit sa huli, Wala akong nagawa kundi lumapit sa kanilang pwesto.

"I'll go now, See you this afternoon." Nakangiting wika ko, habang hinalikan sa pisngi sina Mommy at Daddy. Hindi akk tumingin kay Kuya, Dahil wala akong balak na halikan siya.

"Why don't you drive you sister today, Leon?" Bulalas ni Daddy, at inihagis sa kanya ang susi ng sasakyan nito. Oh god, No. We can't, No! Ayoko. Agad akong umatras at napalunok.

"I'll be fine, Baka maabala ko pa siya." Sambit ko habang nakatingin kay Daddy. Agad akong tumalikod, at hindi na sila pinansin. Tuloy tuloy ang aking paglakad hanggang makarating ako sa labas ng gate kung saan nag-hihintay ang kotse na sasakyan ko. Pinag-buksan ako ng driver at agad naman ako pumasok.

"Let's go. Hurry, Late na ako." Utos ko sa kanya, kaya agad niyang pinatakbo ang sasakyan. Hindi naman kalayuan ang unibersidad na pinapasukan ko, pero baka kasi habulin pa ako ni Daddy, saying na kay Kuya ako sumabay. I know they will insist, kaya inunahan ko na sila.

Hindi naman sobrang bilis nang patakbo ni Manong, Sabihin na lang natin na kumbaga sa pinaka-normal na takbo ng isang sasakyan, Mas mabilis lang ito ng kaunti. Kinapa ko sa aking bahg ang cellphone, at halos matampal ko ang aking noo nang maramdaman na wala akong cellphone na dala. Puros ballpen at papel lang ang nakalagay sa aking bag, Shoot. Paano na lang kapag kailangan ko?

Nakasimangot akong tumingin sa bintana, at walang makitang bago. Puro mga estudyante na nag-lalakad, ang iba ay may hawak na kung ano ano tulad ng raketa ng badminton at long tennis, Bola ng volleyball at basketball. Ang iba naman ay may mga dalang laptop, at syempre hindi mawawala ang mga may hawak na pagkain kahit kaaga aga pa lang. Ibinalik ko ang tingin sa harapan, at napansin na malapit na kami.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon