CHAPTER 19

1.2K 31 6
                                    

"Pinapatawag po kayo sa ibaba." Napakunot ako at agad na isinara ang laptop na nakaharap sa akin. Tumingin ako sa labas ng aking bintana, it's evening at suot ko pa rin ang sleeves ni Aster. At ano nga pala ang sinasabi ng Maid na nasa pinto ko ngayon? Pinapatawag ako sa ibaba? Well, Hindi ko na kailangang mag-taka kung ipapatawag ako ngayon, I'm expecting this. I'm sure it's all about Aster, and I. And probably, Everything about us.

"Susunod ako." I said, At tumayo. Sandali kong hinubad ang aking suot na sleeves at dahan dahan itong ipinatong sa kama. Kagaya nga nang aking sinabi, sumunod din ako makalipas ang ilang segundo. Dahan dahan akong humakbang sa hagdan, para hindi na mapagod ang aking sarili. Hindi naman sa nagiging over-acting ako, pero ayaw ko talagang pagurin ang sarili. Para saan pa, makakarating din naman ako doon.

Ilang sandali lang a nakarating na ako sa sala, at naabutan doon si Kuya na maayos na nakaupo sa sofa habang ang dalawang butones ng kanyang sleeves ay nakabukas, at ang kurbata ay medyo lawlaw. Sa isang upuan, ay si Daddy na nakatingin sa akin, katabi naman niya si Mommy na nakangiti lang. It seems like, mayroong meeting ang mga royals at daig pa ang mga nasa tunay na palasyo.

"I know what this commemoration all about," Pag-uuna ko, at umupo sa sofa. Napaangat ang kilay ni Kuya, at agad na lumipad ang tingin papunta sa akin.

"What is it then?" Diretsong tanong ni Kuya, While Mom and Dad are just listening to us.

"Me? Aster?" I said, kasabay nang pag-sandal ko sa sofa. "Bakit kailangan pa nating pag-usapan na parang isang malaking problema?" Iritadong sabi ko at humalukipkip.

"Kasi isa talagang malaking problema, Carina. First, college. Then, friends, tapos ngayon, Suitor? Manliligaw?" Medyo tumaas ang kanyang boses nang sabihin iyon, Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Mommy dahil sa inakto ni Kuya.

"Leon, Stop that." Utos ni Daddy, ngunit sa akin lang diretsong nakatingin si Kuya.

"Marami akong manliligaw dati, hindi ka naman nag-salita ng ganyan." Ani ko.

"Yes, because no one dare to look at me directly in the eyes except Hechanova." Mabilis niyang sagot.

"Then what do you want? Itigil ko? Oh my, Kuya. College? Bakit? Hindi ko ba kailangan mag-aral? Kaibigan? Bakit? Hindi ko ba kailangan ng kaibigan? And now, Aster? I need Aster more than I need you!" Angil ko, Napatayo si Mommy, at agad na lumakad papunta sa akin. Hinigit niya ang aking kamay at akmang ilalayo sa sala ngunit agad kong tinanggal ang kanyang pagkakahawak.

I look upon my brother, as his dead eyes look upon me too.

"Insanity. That's insane! You stay away from him, then everything we'll be good. You keep on doing what's stupid, edi mapapadali ang buhay mo! So that's what you want?!" Sigaw ni Kuya, Daddy sit there calmly habang pinapanood kaming dalawa. Mom's hands become cold, at ramdam na ramdam ko iyon dahil sa pagkakahawak niya sa aking braso.

"I want Aster in my life and that's what I want! These emotions are nothing to me, Kaya ko ang sarili ko." Wika ko.

"Hindi ka nga pwede sa ganyan, Carina. Naiintindihan mo ba iyon? Hindi ka pwede sa masyadong expose, bawal kang mapagod at bawal kang masaktan! Lalo na ang puso mo. You are not normal! Kung normal ka lang sana, kahit sino pa ang ipakilala mo, tatanggapin ko!"

Nanatili akong tahimik habang sinasabi niya ang mga iyon. Mas nakakasakit pa nga siya kaysa kay Aster. At mas malaki pa rin ang ginagawa niyang pagpapahirap sa akin kaysa sa ginagawa ng kung sino man.

"Do you really care for me?" I asked out of nowhere

"Of course, Yes!" Mabilis niyang sagot.

"Staying away from Aster means killing myself. Losing Hechanova means, Losing myself too. Gusto mo ba iyon?"

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now