CHAPTER 38

1.2K 42 128
                                    

Natigil ako nang marinig iyon. Agad kong humiwalay sa kanya at agad na lumayo sa kanya. Lalakad sana siya papunta sa akin nang itumba ko ang bawat maletang nakita ko. Ang tunog ng pagkalabog ng mga ito ang pumuno sa katahimikan."I am not coming with you! I will not go there!" Sigaw ko. Hingal na hingal ako sa aking ginawa at matalim na tumingin sa kanya.

"Kahit tanggalin niyo pa ako sa pamilya na ito. Hindi ako sasama sa inyo!" Sigaw ko. He looked up to me, with a pity in his eyes. "Tell me, Leon! Gusto mo ba ang ginagawa ni Mommy?! O napipilitan ka na lang din?!" Singhal ko, nakita ko ang pag-baba niya ng tingin. I knew it, I knew it.

"I am so sorry, Carina." He said. Kinuha ko ang aking passport at inihagis ito sa kabilang ibayo ng silid. Pinunit ko ang plane ticket at wala siyang nagawa. "Sumunod ka na lang para hindi ka mahirapan!" He said. But I just shrugged it.

"Tigilan niya na ako." Kinuha ko ang aking cellphone at agad na idinial si Aster. Alam kong hindi pa siya nakakarating sa kanilang bahay, kaya nais ko siyang pabalikin para ilayo na ako dito.

[Hello, love?] Aniya. Diretso kong tinignan ang mga mata ni Kuya at nag-wika.

"Fetch me now. Take me away from them. Now." Nang matapos iyon ay agad ko nang pinatay at hinagis ang cellphone sa kama. Lumakad ito papunta sa akin at hinawakan ang aking balikat. Inalog alog niya pa ako na parang pinapabalik sa aking wisyo.

"Carina, You'll ruin this family kung patuloy mo siyang pinipili!" Sigaw nito. Iwinaglit ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at lumayo nang kaunti sa kanya. "Hindi mo ba naiintindihan?! Baliw na baliw ka na sa kanya! Wala ka ng pake sa iba, basta ang priority mo ay siya lang!" Singhal nito. Ngunit hindi ako nagpatinag.

"Ayos na! Ayos na ang lahat! Pero kayo ang sumira! You fucked all these things up because of your eagerness to hide me forever!" This argument is making me breathless but luckily enough, kaya ko pa ang sarili ko.

"Hide you forever? We are just protecting you!

"Does making me stay away from everyone, protecting? Does making me not attend a party just like you, protecting? Does taking him away from me, protecting? Ang sabihin mo, You are selfish!" Wika ko na ikinatigil niya. Kinuha ko ang aking bag, at ang isang maleta na naglalaman ng aking mga damit.

"Stay away from me." Bulong ko bago tuluyang hilain iyon pababa. Nang tuluyan akong makalabas ay nakita ko si Mommy na nakasandal ang likod sa pader na katabi ng pinto. Sandali niya akong tinignan, nakakaawa ang kanyang mata. Akmang kukuhanin ang aking kamay ngunit bigla kong inilayo iyon sa kanya.

"I will leave this house, now." Ani ko. At agad na tumuloy sa hagdan. Ramdam ko ang pag-sunod nila habang buhat buhay ko ang maleta. Medyo mabigat ito, pero kinaya ko. Hanggang sa makarating ako sa ibaba, hingal na hingal kong itinali ang aking buhok dahil ramdam ko ang pawis na tumutulo sa aking noo.

"Carina!" Tawag ni Mommy ngunit hindi ko siya pinansin, at lumakad na habang hila hila ang dala. Binuksan ko ang maindoor at saktong nakita ko si Daddy na kagagaling lang sa trabaho. Nanlaki ang mata niya nang makita ako, at pati na rin ang aking hawak.

"Saan ka pupunta?" He asked.

"You'll do it again? Okay. Pumunta kayong lahat sa New York. Iwanan niyo ako, dahil hindi ako sasama." Matigas kong sabi at nilagpasan siya.

"Carina, wait!" Sigaw niya. Nag-patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng gate. Wala pa si Aster kaya naman nag-patuloy ako sa paglalakas. Rinig ko ang kanilang pag-sunod sa akin, ang kanilang nag-mamadaling mga yapak.

"Please, anak. Please, stay." Hinawakan ni Daddy ang aking braso kaya naman napatigil ako. Tinignan ko ang kanyang mata, at halos magmakaawa lang ito sa akin. Napatingin ako kay Mommy na lumuluha, habang inaalalayan siya ni Kuya.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum