CHAPTER 20

1.3K 35 7
                                    

Iminulat ko ang aking mata, kasabay nang pag-babalik ng reyalidad na ito ang unang araw para sa panibagong semester. Si Mommy ang umasikaso ang aking enrollment noong nakaraang araw dahil wala akong ganang lumabas ng bahay. Aster always send me mail, everyday. And guess what? Tanging sa text lang ako nag-rereply at hindi sa kanyang mga tawag. He haven't spoke to me in person, either and never explain why he is with Dale the last time we talked. At hindi niya alam na selos na selos ako, while him, living his life with someoe when I'm not around.

Iiling iling akong tumayo at tumungo sa banyo para maligo. Ayaw kong ma-late, since tinawagan ako ni Camille matapos kong ipakita sa kanya ang aking schedule. Sabi niya, we're the same. Buti na lang, Because I don't want to talk with other people except them. Nang matapos akong maligo ay agad akong nag-bihis at lumabas ng aking kwarto. Hindi ako nag-mamadaling bumaba sa hagdan dahil ayaw kong maabala si Mommy na nasa kung saan. Hindi na rin ako nag-abalang kumain dahil tila ba hindi nangangailangan ng pagkain ang aking tiyan, Agad akong lumabas sa gate at nasa labas na kaagad si manong na mag-hahatid sa aking ngayon.

"Magandang umaga po," Bati niya, sabay ang pag-bubukas ng pinto para sa akin. Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya at tuluyan nang pumasok. I rest my back, as I look out to the window. Wala akong espesyal na nakita, bukod sa mga estudyante rin na papasok katulad ko. Nag-simulang nang umandar ang sasakyan, kinuha ko ang aking cellphone na nasa aking bulsa at bumungad kaagad sa akin ang mga mensahe galing kay aster, mayroon din siyang ilang missed calls na ngayon ko lang nakita.

Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone, a nabasa ko kaagad sa screen ang pangalan ni Aster. Nag-butong hininga ako, namimiss ko na rin mapakinggan ang kanyang boses pero naiinis pa rin ako sa nangyari. Hindi ko iyon pinansin, hanggang sa ntumigil na iyon sa kaka-ring. Ilang sandali lang ay sumungad na kami sa bukana ng school, at napakunot ako nang matanaw ang isang pamilyar na mukha na ngayon ay nakatayo sa harap ng gate. Aster Hechnova, in his formal attire. He never really failed to amaze me.

"Manong, Huwag niyo na pong ipasok sa loob." Utos ko sa aming Driver, tumango naman ito kasabay nang dahan dahang pag-hinto ng sasakyan. He went out, and opened the door for me, Lumabas ako at agad na nagpasalamat sa kanya. I can feel Aster's stares right now, Lumakad ako palabas sa sasakyan at hinayaan ang mga paang lumakad papalapit sa kanya.

Walang ngiti sa aking mata, at walang emosyon ko siyang tinignan. He has this little smile in his lips, and a little bit of happiness in his eyes. Nang tuluyan kaming mag-kaharap ay bigla niyang hinila ang aking kamay kaya naman halos mag-dikit na ang aming katawan. Tumingala ako para makita siya, at pilit na ngumiti.

"I missed you," He whispered, napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin.

"I-I missed you more." Bulong ko, naramdaman ko ang pag-ikotng kanyang isang kamay sa aking baywang at ang dahan dahang pag-lapat ng kanyang labi sa aking noo. "Aster, I think we should go inside." Pinilit kong maging stable ang aking pag-sasalita, agad naman siyang tumango at bumitaw na. He held my hand together with his, at sabay kaming pumasok sa unibersidad. I was in silence, and he just gaze at me everytime, Nararamdaman ko iyon.

"Are you alright?" He asked, napatingin ako sa kanya at tumango tango. "You aren't. You look pale, and you can't even smile. What happened?" Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya, he didn't know what happened. Should I tell him? Or should I not and let this thing slip away?

"I'm fine, Aster." Ani ko at nagpakawala ng buntong hininga. Iniikot ko ang paningin sa paligid, there are some freshies everwhere and some old faces that seems familiar for me.

"I guess we have the same class now?" He said, agad naman akong napakunot. "I let Mom fix my scheds so that I can be with you. She's a little bit powerful." Tumango tango ako nang sabihin niya iyon. Paano ko bang malalaman, I don't even met his parents.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum