CHAPTER 10

1.6K 52 4
                                    

"Long quiz tomorrow. Ang babagsak, i-drop niyo na lang ang subject ko, and see you next semester." Masungit na sabi ng Professor sa amin at nilisan ang room. So kailangan ko pa lang mag-review nang sobra sobra mamayang gabi, Nakakahiya naman kapag bumagsak ako.

Anyways, Naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon. It's Wednesday, at hindi ko pa rin nakalimutan kung paano niya ako ngitian kahapon. It's one of the most memorable day of my life, at hinding hindi ko iyon makakalimutan. Sobrang bilis nga lang ng oras because after he bid goodbye, Hindi ko na siya nakita mag-hapon. And that's okay, At least... I saw him in the morning.

"Hello, Carina! Nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Camille, Inaayos niya na ang kanyang gamit at handa nang lumisan.

"Sorry? Ano ulit iyon?" I asked, at iniligpit ang aking mga gamit. I was in deep though with Aster, Hindi ko kasalanan. Para siyang  virus na kumapit sa sistema ko na kailan man ay hindi maalis.

"Sabi ko tara sa labas, Bili tayo milktea." Aniya, Napakagat ako sa aking labi nang marinig iyon. Naalala ko na naman ang kahapon, Itinago ko pa talaga sa ilalim ng aking kama ang pinag-basutan ng milktea. Lalo na ang straw, Samantalang ang kanyang panyo naman ay nalabahan ko na. At isasauli ko na lang kapag nakita ko siya.

"O-Okay." Maikling sabi ko at kinuha ang bag, Sabay naman kaming lumakad na dalawa habang si Liam ay nasa likod namin. Halata namang may ka-chat siya, Ngingiti ngit pa nga na parang aso kanina. Wala nga siyang pake sa sinabi ng Prof, Sobrang importante siguro talaga ng ka-fling niya kaya siya ganyan.

Katulad nga nang sinabi ni Camille, Sa cafe kami tumungo. Maaga pa naman, 10AM to be exact. Wala pang masyadong tao, dahil ang karamihan na customer dito at highschool. Mamaya pa ang awasan nila, Hindi katulad namin ba medyo mahahaba ang break.

"William is cute, and he likes me too much..." Tumingin ako kay Camille nang sabihin niya iyon habang siya ay nakatitig sa isang picture. Sumilip ako, at nakita ang mukha ng sinasabi niyang William. She is right, he is cute.

"You like him?" I asked, Agad naman siyang tumango tango at ibinaba na ang cellphone. Hindi siya sumagot at ngumisi lang, Napakunot naman ako dahil sa kanyang inasta. Ano kaya ang nasa isip nito?

As soon as we enter the cafe, Agad kaming namili nang magandang espasyo para mauupuan. At ang napili namin ay nasa tabi ng bintana, Ito na ata ang pinaka-paborito naming parte ng cafe. Um-order ako ng isang vegetable salad, at isang milktea. Habang sina Camille, ay um-order ng fingerfoods. Gusto ko rin sana, kaso baka agad na mag-react ang aking katawan dahil sa mantika ng mga ito. Mas mabuti nang safe, baka ikamatay ko pa 'yan.

"You know, I sometimes wonder, Sobrang clingy ni Riri." Biglang sabi ni Liam habang pabagsak na inilapag sa table ang kanyang cellphone. Ah, So Riri pala ang pangalan ng sinasabi ni Camille na "Kalandian" niya.

"What about her?" Tanong ko naman. Nakakunot ang kanyang noo, at halata ang iritasyon sa mukha.

"Sobrang clingy niya sa text, I mean, Laging may emoji na puso at kung umakto siya ay parang highschool. Hindi lang ako naka-reply sa loob ng dalawang minuto, nag-ooverthink na siya. And you know what? Tuwing nagsasama kami, Sobrang touchy niya." Pag-kekwento niya pa, Halata namang nag-pipigil lang ng tawa ang isa naming kaibigan habang ako ay seryosong nakatingin lang sa kanya.

"What exactly do you want? Serious relationship or just a fling?" Ani ko, Kasabay naman nang pag-dating ng aming order. Natigil kami sandali sa pag-uusap dahil dito, at nang makaalis ang waitress ay tsaka siya ulit nag-buka ng bibig.

"We, boys, We want everything to be slow. Ang mga babae, kakasagot niya palang kahapon, Planado niya na ang pangalan ng magiging anak nila ngayon. And that's not good, Kaya nga pumapasok sa relasyon para i-test kung mag-wowork. And Riri? If you don't meet her expectations, Away agad." He explained again, Naiintindihan ko ang punto niya. Ngunit walang pumapasok sa isip ko na magandang advice para sa kanyang sitwasyon. Ano ba ang maitutulong ko? I'm just a hopeless romantic.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now