CHAPTER 14

1.3K 53 3
                                    

Weeks past since I and Aster became closer from what I expected. Madalas kaming mag-kasama sa lahat ng break times, at minsan ay parehas kaming nag-babasa sa library na minsan ay nagiging hiding place namin kapag ay ayaw naming pumasok.

Hindi na nasundan ang pag-lalaro namin ng laun tennis, Tinanong ko siya minsan kung bakita ngunit mas gusto niya daw na manatali sa loob ng library. Sabay kaming kumakain ng lunch, kasama sina Tyron at ang dalawa kong kaibigan. Minsan ay kaming dalawa lang, dahil nag-sasarili ang tatlo. Lahat kami ay naging close, ngunit iba pa rin si Aster kapag nasa harap namin siya at kapag kaming dalawa lang.

He became a soft person whenever he's with me. At kapag kasama namin ang iba ay nawawala ang side niya na ganito. We never talked about Dale Gonzaga again, at hindi ko na rin nabubuksan ang topic na iyon. We're really close, some mistaken us as a couple pero hindi naman. As in, hindi. Some are asking me, some are mad at me. Pero hindi ko sila pinapansin. Wala ata siyang balak pumasok sa isang relasyon, kung siya ay wala, ako meron.

Napatingin ako sa salamin ng girls comfort room at agad na pinusan ang basang mukha gamit ang tissue na nasa gilid. Nanlalabo kasi ang aking paningin kanina, at hindi naman ako pwedeng biglang umuwi ngayon dahil mayroon kaming exam. Malapit nang matapos ang first sem, at makaka-survive na ako. Lumabas ako sa banyo, at napayakap sa aking sarili. Tumaas ang aking balahibo dahil sa lamig nararamdaman, kahit na mayroong akong suot na hoodie ay tumatagos pa rin ang lamig.

Lumakad ako pabalik sa aming room, at bagsak balikat kong ipinahinga ang likod sa sandalan ng upuan. Napansin ni Camille ang aking inakto, kaya agad itong lumapit sa akin.

"You okay? Ang putla mo." Komento niya, Agad naman akong tumango.

"Nakalimutan ko lang mag-lagay ng liptint, Huwag kang mag-alala." Pilit ngiting wika ko, Nag-aalangan siyang tumango at muling tumalikod. Sadyang maputla ako ngayong araw, Hinipo ko ang aking leeg at medyo mainit iyon. Mukhang may sinat pa ako, Bakit ngayon pa? Masyado namang abala ang sakit na ito. Inilabas ko ang aking notes at agad na nag-review, Ayoko nang mag-snack dahil napapagod ang aking paa na lumakad papunta sa canteen.

Ilang minuto lang ay dumating ang aming Prof at agad kaming umayos. Itinago ko ang aking notes, at agad na humarap sa harapan. Siya na mismo ang nag-distribute isa isa sa amin, at nang matanggap ko ang akin ay agad akong nag-sagot. Hindi nawala ang focus ko sa aking sinasagutan kahit na may nararamdaman. Kailangan kong kayanin hanggang mamayang uwian, Dalawang subject na lang naman at ayos na. Kayanin mo, Carina.

Madiin ang aking pagkakahawak ko sa aking ballpen habang nag-sasagot, Tahimik ang room kaya naman walang distraction. Huminga ako nang malalim, at inilipat ang sa susunod na pahina. Nag-simula muli akong mag-sagot, at ganoon ang nangyari hanggang makarating ako sa pinaka-huling pahina at napakagat sa aking labi. Sandali kong ipinikit ang aking mata, at nag-mulat muli nang sabihin ng Prof na mayroon na lang kaming bente minutos para mag-sagot.

Pilit kong ibinabalik sa wisyo ang aking sarili, at nag-tagumpay naman dahil natapos ko ang test. Tumayo ako, para ipasa iyon. Nakita ko ang pagkagulat nina Camille dahil ako pa lang ang nag-susubmit. May isang oras na break kaya naisapan kong kunin ang aking bag at tuluyang lumabas sa room. Tahimik akong nag-lakad papunta sa library, Gusto kong matulog doon. At nag-babakasakali akong makita si Aster doon, o kaya naman ay baka pumunta siya doon.

Nang makarating ako doon ay agad akong pumasok, Tumuloy ako sa lagi naming inuupuan at kumuha ng ilang libro para makita ng iba na kunyari ay nag-aaral ako. Ginawa kong pang-harang ang mga iyon para hindi mahalata ang aking gagawin. In-alarm ko ang aking cellphone, ngunit hindi sinakto ng isang oras. 50 minutos lang para hindi ako ma-late. Dumukdok ako at ipinikit ang mata, Kailangan ko talaga ng tulog.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now