CHAPTER 7

1.6K 50 6
                                    

Idinilat ko ang aking mata, Dahil nararamdman ko ang presenya ng isang tao. Iniikot ko ang tingin sa paligid, At agad na napatakip sa aking mata nang tumama ang sinag sa araw dito.

"Good Morning, Sunshine." Nakangiting bati ni Kuya, Agad akong napakunot nang marinig iyon sa kanya. Bigla ba siyang bumait dahil sa napag-usapan nila ni Daddy kagabi? Hindi ko na tinapos, At parang wala ata silang tapusin ang talks na iyon kagabi. Hindi ko alam kung ilang oras na ba silang nag-uusap, Samantalang ako ay nanatili sa aking pwesto.

Ngunit hindi ko natiis ang antok kaya wala akong nagawa kundi bumalik na lang ulit sa kwarto. Masyadong mabibigat ang mga narinig ko kagabi, Pero hindi na lang ako nag-salita para tapatin sila.

"Good Morning..." Bati ko, Nasa dulo siya ng aking kama habang nakatingin sa kanyang wristwatch. Walang gana akong tumayo at pupungas pungas na lumakad papunta sa banyo. Ginawa ko ang aking morning routines at nang matapos ay agad na lumabas. Andoon pa rin si Kuya, Ngunit ngayon ay nakaupo na.

"I'm gonna take a bath," Nakasimangot kong sabi, Iiling iling naman siyang tumayo at lumakas palabas. Bago isara ang pinto ay itinuro niya pa ang aking wall clock na parang nag-sasabi na madaliin ko na ang pagkilos dahil ma-lalate ako. "I know, I know." Wika ko pa. Tuluyan siyang umalis habang ako ay bumalik sa banyo, Nag-simula akong maligo at inisip ang mga nangyari kagabi.

My brother almost cried in front of me, Or maybe he did, Pero tumalikod kaagad. And I caught them talking about me, About my health and medications. I'm 19 years old, I don't wanna be locked in a hospital para sa mga kung anong tests. It might help my heart to wokr better, but it will cause insanity to my brain. Mababaliw ako sa sobrang kabagutan doon.

And Mom, She tolerates me. At walang magawa si Kuya doon, But he still try his best na kahit minsan sana ay mapigilan ako sa kung anong gusto kong gawin na makakasama. But I refused, Always. At ngayon, Parang bumait siya nang kaunti. Hindi kaya payag na siya sa gusto ni Mommy? Na hayaan ako? Anong gagawin ko?

Nang matapos ay agad akong lumabas at nag-bihis ng sibilyan. 9AM Ang class ko pero ginising ako ni Kuya ng 7:30, Ayos lang naman iyon sa akin para makapag-ayos ako. Nag-lagay ako ng kolorete sa mukha, at simpleng liptint. Kinuha ko ang aking bag mula sa bedside table at lumabas na ng kwarto.

Nakatingin ako sa aking cellphone habang naglalakad, Nang bigla kong mabunggo ang likod ng isang tao. Nag-baba ako ng tingin at napag-tanto na si Kuya pala iyon.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko, Tumayo naman ito at pinagpag ang bandang pwitan bago mag-salita.

"I'm waiting for you, Of course. Let's go downstairs, Para makakain na tayo." Hinawakan niya ang aking balikat at sabay kaming bumaba. Kung wala lang akong narinig kagabi, Baka matanong ko pa siya kung anong nakain niya.

"Where's Mom?" I asked nang tuluyan na kaming makarating sa kusina. Inayos niya ang kanyang sleeves, At naupo. Ganoon din naman ako.

"Kasama niya si Daddy, May meeting sila with the new investors." He said.

"Bakit hindi ikaw ang kasama?" Takang tanong ko pa. Nilagyan niya ako ng plato sa harapan at sinalinan ng kanin, Nilagyan niya na rin ng bacon na sa tingin ko ay siya ang nag-luto.

"Dahil nasa ibang bansa sila? At andito ako para alagaan ka for the next three days." Nakangiting wika niya. Oh God, Three hell days of my life. For sure, Andito lang ako sa bahay at hinding hindi niya ako papalabasin. I remember his rule, "You go out with me, Or you'll never go out at all."

"Ikaw naman ang kasama ni Daddy dati sa mga overseas meeting. Bakit si Mom na ngayon?" Walang ganang bulong ko na ikinatigil niya sa pagkain. I don't wanna start a fight with him dahil tatlong araw ko siyang makakasama. But this mouth, Hindi ito mapipigilan.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now