Chapter Two

11.1K 291 6
                                    

Nasa loob na kami ng classroom.

'' Hoy bakit mo naman sinungitan yung transferee, hindi naman niya sinasadyang mabunggo ka kanina eh, ikaw talaga '' kinukulit na naman ako ni Anabel, kakambal siya ni Angela anyways sila yung mga bestfriends ko talaga tas si Mark na bakla then Marcus and Serena.

Magkakasama na kami simula noon pa so kilala na namin ang isa't isa at wala ng maitatago pang kahit na anong lihim. Mababait silang lahat at palakaibigan, ako nga lang ata ang may katarayan at kasungitang taglay pero sabi nga nila okay lang daw yun tanggap nila ako, pasalamat lang rin daw pala ako at matalino't maganda ako dahil kung hindi ay naku baka raw iniwan na nila ako at kinalimutan, mga loko loko lang din sila minsan.

'' kasi naman nakisabay sabay pa siya sa init ng ulo ko kay Alexa at Dominik, hindi ko naman yun sinasadya '' pagtatanggol ko, umupo na sa katabi ko si Angela at Serena na nagsusulat sulat, sa harapan naman namin ay sina Marcus at Mark na nakikinig sa pangyayari kanina.

'' infairness ha ang pretty ni ateng, bongga ang skin at body, kalerkey!!! '' baklang baklang saad ni mark.

Napatawa si Marcus at tumingin sa kaibigan namin.

'' gusto mong ligawan Markikay??? '' umandar na naman ang pang aasar nito kay Mark.

'' seriously that name again Marcus, kakainis ka talaga '' sabay irap, tatawa tawa lang naman ang iba naming kaibigan.

Maya maya pa ay pumasok na rin ang prof. namin at ang kasunod niya ay ang transferee.

Napatigil sa pag ingay ang lahat at napako ang mga mata kay Daniela, oo na natandaan ko ang name nya, bakit ba?

Pinakilala siya ng prof. namin at binigyan ng time to introduce herself. Hindi pa man lang niya nabubuksan ang mga labi niya ay bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko.

bakit ba ako kinakabahan? hmmmm...

'' Hi guys, I'm Daniela Maxine. 17 years old coming from New York USA '' hindi na siya nakasalita ulit ng biglang mag ingay ang iba kong kaklase, yung iba tahimik lang at nakatulala sakanya.

Wow gulat na gulat lang purke ba galing sya sa ibang bansa? tsss.

'' Ahm maybe you're wondering why I enrolled here, well it's because of personal reasons. I just hope we can get along guys, thank you '' at umupo na siya sa katabi ni Liza - siya yung pinkamaingay sa klase pero ngayon mukhang naka duct tape ang bibig nya at napapatingin lang sa katabi niyang mukhang dyosa!

what? am I attracted to her? no no that's impossible I' ve never felt like this over someone especially to a girl.

Sa buong klase namin hindi ko napipigilang tumingin sakanya, alam mo yun, yun parang may magnet siya tas wala akong nakikita kung hindi siya lang talaga, si Daniela lang - hay ang ganda ganda pa ng name niya parang yung may ari lang..hmmmmm

Nakatulala pa rin ako ng bigla itong lumingon sa direksyon ko at nagtama ang mga mata namin. Hindi ako nakagalaw at ramdam ko ang paglaki ng eyeballs ko pati ang kabog ng dibdib ko, ba't ba ang init init dito pati tuloy mukha ko at tenga ang init sa pakiramdam.

Ngumiti siya sakin sabay bawi ko naman ng mata ko sa kanya.

shit!!!

Natapos ang oras at sa wakas uwian na. Tumayo na kami ng mga kaibigan ko.

'' Hi Daniela '' bumanat pa ang baklang to asar.

'' hello and you are??? ''

'' Mark '' and they shook their hands.

Nagpakilala na sunod sunod ang iba ko pang kaibigan hanggang sa lahat na sila nakatingin saakin, tinaasan ko lang sila ng kilay at nag crossed arms.

'' what? '' mataray kong tanong.

'' nagtataray ka na naman, magpakilala ka kaya diyan '' sabay tulak sa likod ko ni Angela, inirapan ko lang ito.

'' pasensya ka na sakanya ganyan talaga yan nasambot na ata lahat ng katarayan at kasungitan sa mundo '' ani ni Marcus at nakuha pa nitong magpa cute at ngumiti naman si Daniela, bwisit agaw eksena talaga itong lalaking ito.

'' ahem '' tumingin na siya saakin '' I'm Meghan Alejandro '' sabay extend ko sa hand ko.

'' finally you told me your name '' wika nito sabay abot sa kamay ko.

Tama nga ako ang lambot ng kamay niya at mainit sa pakiramdam, ang sweet pa ng ngiti niya saakin nakakatulala at ang puso ko nandito na naman kumakabog, pati tuloy tiyan ko parang may something that I couldn't explain.

'' ahem!!!!!! '' lahat na sila gumawa ng ingay sabay hila ni Mark sa kamay ko.

'' girl tama na yan baka magkapalit na kayo ng kamay ni Daniela '' tumawa pa ang baklang ito, ngumiti lang si daniela sabay naman pag ring ng cellphone nito.

'' hello - okay babe I'm coming ''

babe??? ouch ha

'' I'm going first guys, it's my pleasure to meet you all and see you around '' dali dali niyang kinuha ang bag niya at umalis.

Tinungo naman namin ang bintana para makita kung sino man ang babe na ito.

'' ay ang pogi naman ng babe niya '' ani ni Serena.

'' malamang ang ganda niya eh '' sabay na sabi ni Anabel at Angela - kambal talaga

'' yummy '' komento ni markikay sabay hila sa akin para makita ang tinitingnan nila. Pagsilip ko nakita ko na nakaakbay yung lalaki sakanya, nag uusap sila. May itim ito na buhok at purmado ha, mukhang mayaman rin, nagpapaandar kay daniela isa pang bwisit, hay naku.

'' tara na nga tingin pa kayo ng tingin dyan eh '' sabay alis ko at iniwan ko mga kaibigan ko habang naririnig ko ang mga mahinang pagsambit nila ng pangalan ko.

hay ano ba yan may boyfriend na siya.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now