Chapter Ten

8K 198 1
                                    

- MEGHAN -

Ngayon yung laro nila dandan kalaban ang ibang school at madami na nga raw tao sa gym. Yung mga supporters ng the wilders yun yung team namin, nakasuot sila ng pink na uniform ngayon, sa dinami dami ng uniform nila yun pa talaga napili nilang gamitin ang girly masyado pero yun kasi gusto nila so bahala naman sila and the other team was wearing green naman.

Papunta na kami ng mga friends ko, grabe na nga excitement nila at ready na sila sa cheer kapag nanalo na raw ang team namin, wow ang lakas ng vibes nila huh, eh kasi naman nga andyan na raw si dandan and speaking of her I already sent her a goodluck text but she insisted to see me before the game starts. Syempre gusto ko rin naman syang makita and suportahan including serena so after our class diretso na agad kami wala ng patumpik tumpik pa.

Pumunta kami sa player's room nakita ko agad si serena at aba nauna nang yumakap yung iba ang bagal ko naman maglakad kung ganun nahingal na nga ako eh.

'' Meghan!!! '' sigaw nito sabay yakap saakin, ngumiti ako at hinigpitan ko ang pagyakap.

'' go captain friend kaya niyo yan, syanga pala manunuod din si christon, he'll cheer for you daw  '' at nag blush naman ito agad, gosh love na ata nito ang mokong na yun.

'' hindi naman yun for me, kay danie yun '' sabay tawa nito pero nasaktan ay naku may pagka ewan din talaga to minsan, tsss...

'' nope ayaw ko nga icheer ni tonton and that's against our rules duh '' hay naku andito na ang dandan ko, ang seksi naman nito sa shorts niya, for sure madami na namang titingin na mga mata sakanya, kakainis naman!!!!!

'' danie goodluck break a leg ha.. '' sabay sabay na sabi ng mga friends namin at yumakap pa sila, at si Marcus bwisit talaga nag kiss pa sa cheek buti na lang at dumampi lang lips nito at nakailag agad si dandan., masisiko ko ang lalaking ito mamaya akala lang niya, maghintay lang sya.

At habang busy na ang ibang player na mag ayos at magkwentuhan lumapit na siya saakin.

'' hi you came, okay ka na ba?? '' nakangiti ito at napaka sincere ng boses.

'' ofcourse papanuorin kaya kita na talunin sila and yes I'm fine salamat nga pala kagabi '' ay naku kinakabahan na naman ako napakagat tuloy ako sa lower lip ko.

Hinawakan naman ni dandan ang kamay ko sabay sabing '' I have something to tell you later after the game, go out with me okay? '' huh??? ano raw may sasabihin siya sakin? ano naman kaya yun? hala baka naisip na niyang layuan ako, wag naman po.

'' hey meghan, hmmm are you really okay? '' at lumapit ito sakin as in para na naman kaming mag kikiss, ano bang tanong niya? nakalimutan ko agad ano ba yan.

'' huh? ano ba yung sinabi mo? '' ngumiti naman ito at hinaplos ang buhok ko.

'' sabi ko sama ka sakin after ng laro, okay lang ba? ''

'' saan naman tayo pupunta? '' ang puso ko na naman tumatalon na sa loob ko, hindi na ako makahinga.

'' basta just say yes ''

'' o...okay, then yes '' sino ba naman ang aayaw kung super ganda ng nagyayaya sayo diba.

'' good, so see you later, may tatalunin muna kami sa laro '' lumingon lingon muna ito, bakit kaya may hinahanap ba siya? eh wala ng tao dito sa loob dahil lumabas na sila, malapit na kasi mag start ang game, pati nga mga friends namin nauna na at iniwan na naman ako, excited na din kasi sila maghanap ng puwesto para sa magandang view.

Nang masigurado nyang walang tao at kami lang dalawa bigla niya akong hinalikan sa lips mabilis lang yun but it was enough to take my breath away.

'' just a goodluck kiss from my lucky charm '' at kumindat ito sakin. My goodness para na akong mahihimatay, hangin nga please naman.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon