Chapter Fifty

4.1K 94 1
                                    

- DANIELA -

Alam ko naman na ayaw ni meghan na nandito ako sa kanila pero nahiya rin naman ako at si tita pa talaga ang nag invite sa akin so sino naman ako para tumanggi diba.

Nag stay nga lang sa kwarto niya si meghan ayaw talaga niya akong makita. Mabuti na rin yun kasi kinakabahan talaga ako kapag malapit siya sa akin at hindi rin ako makahinga.

Habang naghuhugas si tita ng ibang sangkap hiniwa ko na yung iba pa. Sabi nga ni tita huwag na daw ako gumawa at manuod na lang pero ayaw ko naman yun gawin kaya nag pilit pa rin ako.

Nang mapansin ni tita na wala pa lang paminta ay lumabas muna ito so mag isa na lang ako sa kusina. Maya maya ay pumasok si meghan at uminom ng tubig.

Ang ganda ganda niya talaga gusto ko na nga siyang yakapin. hay.

Hindi ko siya pinansin kahit ang hirap hirap gawin kasi madalas naman ay kinukulit ko talaga ito. Hindi rin naman niya ako pinansin, at sa katangahan ko naman nahiwa ko bigla ang daliri ko kakatitig sa likod niya.

Ang sakit!

Tumingin siya sa akin at lumabas, she doesn't care about me at all at mas masakit yung feeling kesa sa sugat... hindi ko alam gagawin ko kaya hinugasan ko na lang sa faucet.

'' akin na '' nagsalita si meghan, nasa likod ko pala siya.

'' huh? ''

'' yung daliri mo akin na ''

Ayaw ko sana ibigay pero kinuha niya ito. The time we touched nakuryente ako na naging dahilan para maging stiff ang katawan ko.

Pumunta kami sa table at ipinatong niya kamay ko sa ibabaw. Napaka clumsy ko raw talaga sabi niya habang nililinisan sugat ko.

When she's done, binalik niya lang yung first aid kit at siya na ang nagpatuloy ng ginagawa ko. Nahihiya akong tumitig kaya pasulyap sulyap lang ako sa kanya.

Nag ring ang phone ko at sinagot ko ito.

'' hello stacy? ''

blah blah blah blah

After ko i - end ang call ay bigla namang inilapag ng pabagsak ni meghan sa mesa ang knife.

'' ikaw na maghiwa nito!! '' galit niyang saad at umakyat na sa kwarto.

And me was like huh? ano kaya yun? may period ata.

- MEGHAN -

Bwisit talagang danielang to, hindi niya ako nagawang tawagan man lang the time na miserable ako because of her tapos may kontak siya sa impaktang marimar na yun???

Nang marinig ko kasi ang pangalan ng bwisit na yun ay nawala ako sa mood maghiwa, so meaning nagkikita pa sila? Malamang oo kasi sabi ni marcus ay bumalik na rin si marimar sa states.

Gosh! pero bakit ba ako nag react ng ganun? hindi naman ako nagseselos diba? hindi hindi!!!!

Daniela bwisit ka talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Bumaba ako mga 8pm at time na for dinner. Nasa hagdanan pa lang ako ay naririnig ko na silang nagtatawanan. Nang makita nila ako ay tumitig sila sa akin lalo na ang kapatid ko.

'' ano? '' sabi ko at umupo na ako.

'' wala naman ang tagal mo kasing bumaba, nagkakasiyahan kami rito ''

'' well ako lang naman ata ang hindi masaya sa pagbabalik ni daniela '' I blurted out at natahimik silang lahat.

Napatingin ako kay daniela at nakita ko na nakatingin na lang ito sa kamay niya at mukhang nalungkot sa sinabi ko. Naguilty ako at may kumirot sa puso ko. Pero deserve niya naman yun, kulang pa nga yan sa ginawa niya sa akin.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now