Bonus Chapter

8.6K 202 16
                                    

- DANIELA -

'' Love? love?? asan ka? '' sigaw ko pababa ng hagdanan. Kanina ko pa kasi hindi nakikita ang kagandahan nito matapos namin mag breakfast.

Napansin ko na lang na nakatayo na siya sa may sala at nakatitig sa akin. Ang lungkot na naman ng mga mata nito.

Pagkababa ko ay agad ko itong niyakap.

'' why?? '' tanong ko habang medyo nakabaon ang mukha ko sa mabango niyang leeg.

Hindi ito umimik at hindi niya rin ako niyayakap pabalik. Itinapat ko ang mukha ko sa kanya.

'' bakit ka nakasimangot? ''

'' tinatanong pa ba yan? kakadating mo pa lang galing amerika kahapon tapos aalis ka na naman? aminin mo nga nagsasawa ka na ba sa akin purke hindi kita mabigyan ng anak at napag iiwanan ka na ng mga pinsan mo? '' anggil nito sa akin.

'' huh? ofcourse not megmeg naman alam ko naman na nakailang subok na tayo pero ganun talaga may mga hindi pa pinapalad na magka anak at isa na tayo dun and it's not your fault kung mahina ang hawak ng baby sa matris mo '' sweet kong pagsuyo sa asawa ko, isiningit ko pa ang kumawala niyang buhok sa likod ng kanyang tenga.

Naka apat na kasi kaming subok. Yung una hanggang pangatlo ay hindi nakakabuo at yung panghuli naman ay nawala sa ika apat na buwan na pagbubuntis ni meghan. Sabi ng doktor mahina daw ang kapit ng bata at hindi rin daw ganun kaganda ang kondisyon ng matris ng asawa ko para pagpunlan ng binhi o ng sanggol.

She feel so sorry and depressed kaya naawa talaga ako sa kanya that time. That's why I see to it na palagi akong nasa tabi nito at pinaparamdam ko na mahal na mahal ko siya.

'' hmmmm dandan naman eh huwag ka na kasing umalis alam mong miss na miss na kita atsaka mamaya niyan may magkagusto na naman sayo dun,wala ako para masabunutan ko kapag babae at suntok kapag lalaki '' ungot niya sabay ikot ng kanyang braso sa leeg ko.

'' wala kaya and if so itataas ko lang ang ring finger ko para malaman nila kaagad na I am happily married with my one and only loving wife ''

Binigyan ko siya ng madiin ngunit masuyong halik sa kanyang labi.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

'' I love you dandan '' sambit niya sa akin.

'' Mas mahal kita megmeg ''

Kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig sa akin.

'' promise? ''

'' promise kahit buksan mo pa ang dibdib ko, ikaw lang ang nag iisang laman nito '' I smiled at her and kissed her before I left for another out of town.

- MEGHAN -

Kakauwi pa lang ni dandan galing amerika tapos umalis kaagad siya. Isang araw pa nga lang kami nagkakasama tapos we don't even make love.

Kainis naman. Hindi ko tuloy mapigilang mag isip na baka.....na baka....

'' waaah wag naman! ''

'' huh anong wag naman? '' tanong ni maja isa sa magagaling na chef dito sa restaurant namin ng asawa ko.

'' tingnan mo pati madam meghan ang hinihiwa mo pinong pino na '' pinadalayday niya ang mga tingin niya sa braso ko hanggang sa makarating na sa mga hinihiwa kong gulay.

Inilapag ko ng pabalya ang kutsilyo.

'' ano bang problema mo meghan at pati mga kawawang gulay ay pinagdediskitahan mo? ''

'' wala! ''

'' anong wala? halatang halata naman na meron ''

'' tsk si dan dan kasi ''

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon