Chapter Thirty

4.9K 91 0
                                    

- MEGHAN -

'' Frweeeeend!!!! '' maarteng tawag na naman ng baklitang si mark, kumakaway naman sa akin ang iba pa habang  naglalakad papunta sa direksyon ko.

Nakaupo ako ngayon sa bench, kakatapos lang kasi ng klase namin.

'' balita ko nameet na ni tito si danie ah '' saad ni marcus na umupo sa katabi ko at inakbayan ako.

'' oo '' maikli kong sagot.

'' kumusta naman, nagustuhan ba nila si danie? '' ngiting ngiting tanong ni serena na naka clasped pa ang kamay infront.

'' yes actually gustong gusto siya ni papa ''

'' talaga!! oh bakit parang malungkot ka naman friend kung okay naman pala ang lahat? '' Tiningnan ako ng mga kaibigan ko at inilapit nila mga mukha nila sa akin. Sa grabeng lapit naalibadbaran na ako.

'' ano ba kunting layo nga ang babaho niyo kaya '' bulalas ko sabay tulak ng mga mukha nila palayo. Inamoy naman nila mga sarili nila, mga sira talaga nagbibiro lang naman ako.

'' hindi naman ah, grabe ka talaga naglakad lang naman kami '' pagtatanggol naman ni anabel at angela sa kanila, ngumiti ako.

'' kayo naman hindi na mabiro '' napabuntong hininga ako, nag iisip kasi ako.

'' ano bang problema? '' seryoso nilang tanong. Si marcus lang talaga ang umupo kasama ko yung apat mas piniling nakatayo lang.

'' ahm kasi diba malapit na ang monthsary namin ni dandan, kaya iniisip ko kung anong magandang gawin. Kasi parati na lang bonggang ginagawa nun para sa akin. Nung una dinala niya ako sa rest house nila, tas itong mamahaling singsing at may pa violet violet pang rose, next naman nagbakasyon kami sa boracay ng 2 days, then the third dahil gusto ko mag E.K pinasara niya naman ito tapos nung fourth month gusto niya akong regaluhan ng kotse babayaran na nga niya ng cash ha ako lang ang tumanggi at kung hindi ko pa tinakot na iiyak ako dun kapag binili niya yun hindi talaga siya titigil '' saad kong dire diretso na walang hingahan then tumigil ako at pagtingin ko sa mga kaibigan ko nakatunganga ang mga ito sa akin.

Napataas ang dalawa kong kilay.

'' ano ba isara niyo nga mga bibig niyo mapasukan yan ng langgaw tingnan niyo '' asar kong sabi, pano ba naman hindi sila nakakatulong mas lalo pa nilang pinapasakit ulo ko.

'' ahm sorry nakakapatunganga naman kasi si danie, ang yaman yaman talaga nila biruin mo ha hindi mo pa sinama sa mga sinabi mo ang Iphone X na binili niya sayo. '' ani ni serena

'' shiiiiittt at kotse? at pagpapasara ng E.K wooow!!!! iba ka talaga meghan, akalain mo yun sa sungit at taray mong yan napaibig mo ang isang maganda at mayamang Daniela Maxine?? wowww ikaw na talaga girl, makahanap nga rin ng danie sa buhay ko '' sabay irap sa akin ng baklang si markikay. Inggit much?

I rolled my eyes '' sige goodluck kung makakahanap ka nag iisa lang ang dandan ko sa mundong ibabaw, baka sa ilalim try mo, saka alam niyo mga bwisit talaga kayo, tutulungan niyo ba ako or hindi? '' nag crossed arms ako.

'' oo na tutulungan ka namin malamang sa malamang noh '' sambit ni marcus na nakangiti sa akin. Buti pa si marcus.

Bigla naman napabaling mga mata ko kay anabel na nagpatunog ng daliri niya at parang may naisip ito.

'' alam ko na bigyan mo na lang siya ng mind blowing birthday sex!!!! '' sigaw nito.

Sa layo ko sakanya naabot siya ng kamay ko at nasabunutan.

'' aaaarayy aarraay! ''

'' alam mo ang ingay mo talaga pag may nakarinig sayo baka akalain ng iba adik ako sa bagay na yun '' sabay bitaw ko sa buhok niya.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz