Chapter Thirty Eight

3.6K 89 1
                                    

- MEGHAN -

The time na malaman kong nasa hospital si dandan hindi na ako nag atubili pa at pinuntahan ko siya agad. Nahirapan pa nga ako maghanap ng masasakyan mabuti na lang at dumating si dominik and he offered me a ride, dun din naman daw kasi destinasyon niya.

Pagkababa ko ng kotse ni dominik ay tumakbo ako agad papuntang emergency room, hindi na nga ako nakapag paalam and thank you sa kabaitan nung tao. Mukha tuloy akong naging masama, anyway saka na lang kapag nagkita ulit kami mamaya sa school.

Tinawag ko si dandan, grabe talaga ang pag aalala ko, kaliwa't kanan ang paglingon ko at sa wakas nakita ko na rin ang baby ko.

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ito kaagad, mabuti naman at hindi naman pala siya ang nasaktan.

'' honey relax hindi naman ako ang naaksidente, sinamahan ko lang si stacy '' sabi nito.

'' WHO???? ''  napasigaw ako, uminit kaagad ang ulo ko pati ang tenga ko ng marinig ko ang name ng impaktang babaeng yun.

At maya maya pa ay dumating na ito na may gasa ang dalawang tuhod. hmp! mabuti nga.

'' Daniela I'm done okay naman daw ako, oh hi to you dear '' bati ng bruha, nag crossed arms ako.

'' aba mukhang ang kapal naman ata ng mukha mo para ang girlfriend ko pa ang tawagan mo sa ginawa mong katangahan '' saad ko dito na may bahid na naman ng katarayan ang boses ko.

'' eh kasi naman po siya yung nasa speed dial ko kaya siya ang tinawagan ko '' ngumisi ito at humawak sa braso ng baby ko. Naningkit ang mga mata ko. Bwisit talaga ang walang hiyang ito.

Napansin ito ni dandan kay inialis nito ang braso niya sa pagkakahawak ng bruhang si stacy.

'' a....ahm guys tara na nakakahiya eh pinagtitinginan tayo ng mga tao '' mahinang sabi ni dandan.

Tumingin ako sa paligid, tama nga ang baby ko eh hindi naman talaga ako scandalous kaya nagbuntong hininga na lang ako at pinilit na itago sa kaloob looban ko ang inis.

Tutulungan pa sana ni dandan na maglakad si marimar pero pinagbawalan ko ito. Hinatid na rin namin ito sa school niya, tumingin muna si baby sa akin bago niya tinulungang bumaba ang pilay pilay na si marimar.

Hinayaan ko na lang siya total medyo nakaramdam rin naman ako ng  kaunting awa sa babaeng yun.

Nakita ko na tumalikod na si dandan para bumalik pero hinila ito ni stacy pabalik sa kanya at hinalikan sa labi.

Pu*** * i*a  nagulat ako, naramdaman ko na may biglang sumaksak sa dib dib ko  at agad ko itong hinawakan.

Ang sakit, ang sakit sakit!! naghalikan sila? at ang hindi ko matanggap hindi man lang umiwas si dandan, bwisit!!!

Biglang tumulo ang luha ko, lintik harap harapan ba nila akong ginagago???

Tumingin sa akin si dandan nakita ko sa itsura niya na hindi niya yun ginusto pero ang sakit sobrang sakit talaga,

Pumasok na ito sa sasakyan at lumanding sa lap niya ang isang box ng tissue.

'' WIPE IT OFF!!!! '' sigaw ko, umiiyak pa rin ako at nanginginig ang boses ko sa galit maging ang buo kong katawan.

'' b..baby '' mahinang tawag nito.

'' BINGI KA BA?? SABI KO PUNASAN MO ANG MGA LABI MO O BAKA GINUSTO MO RIN NAMAN NA HALIKAN KA NIYA !!!! ''  lalong bumuhos ang mga luha ko.

Nanginginig na ang buo kong katawan. Gusto ko siyang sampalin, gustong gusto pero hindi ko kaya, sa sobrang pagmamahal ko sa babaeng ito ni ilapat ang kamay ko sa mukha niya ay hindi ko magawa.

I have the urge to do it, to slap her kaya pilit kong sinilid sa pagitan ng dalawa kong hita ang mga kamay ko at hinayaan umagos ang mga luha ko sa damit at skirt ko.

'' megmeg I'm s..sorry hindi ko naman alam na gagawin niya yun '' hahawakan niya sana ako. Pero nilayo ko katawan ko.

'' DON'T EVER TOUCH ME DANIELA, please just take me home '' iyak pa rin ako ng iyak.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, sa dami kasi ng gusto kong sabihin nalilito na ako. Gusto ko ring bumaba at sugurin ang hayop na malanding babaeng yun pero wala akong lakas nasasaktan talaga kasi ako.

'' megmeg let's talk please '' naiiyak nitong pakiusap sa akin.

'' ....d...don't n..not now '' marahan at paputol putol kong sagot sa kanya.

Lumalapit pa rin ito sa akin, kaya isiniksik ko ng masyado ang sarili ko sa gilid.

'' HUWAG KANG LALAPIT DANDAN AT BAKA HINDI KO MAPIGILAN ANG SARILI AT MASAMPAL KITA '' sigaw ko... tumigil lang ako para suminghot.

'' at ayaw kong gawin yun alam mo ba yun, dahil mahal kita, mahal kitang masyado para gawin yun...but I think you need to take me home ayaw muna kitang makita '' dagdag ko na halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses sa pagkapaos.

I clenched my hands in between my thighs. Singhot pa rin ako ng singhot at agos pa rin ng agos ang luha ko.

Tumango si dandan at inihatid na niya ako, pagkahinto ng sasakyan niya ay agad na akong bumaba at hindi siya nilingon pa.

Tinatawag niya ako but I continue walking fast away from her.  Masyado kitang mahal dandan at hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang makita ka na hinahalikan ng iba. I didn't imagine that it almost kill me instantly, pero siguro dahil na rin hindi ko inaasahan na mangyayari ito.

Pag kasara ko ng pinto ng kwarto ko ay agad akong dumapa sa kama at umiyak ng umiyak, mabuti na lang at wala pa si mama at alexa nasa meeting pa, at si papa naman ay bumalik na sa ibang bansa. Kaya kahit umiyak ako ng malakas ay wala sa aking makakarinig.

At yun nga ang ginawa ko.

- DANIELA -

Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan lang ang likod ng mahal ko na papalayo sa akin.

Tinatawag ko siya pero hindi ito lumingon, nasaktan ko ang girlfriend ko. Hindi ko naman yun sinasadyan kasi hindi ko alam na gagawin ni stacy ang bagay na yun.

Gusto kong yakapin si meghan pero ayaw niya ni lapitan ko siya ayaw niya rin. Lalo akong nasaktan the time she told me na gusto niya akong sampalin pero hindi niya magawa, totoo yun sa sobrang pagmamahal sa akin ni meghan ni hindi niya kayang gawin ang bagay na yun.

Ayaw niya akong masaktan, grabe ang pag aalaga niya sa akin and I am loving her more, hindi dahil sa mga ginagawa niya pero dahil siya si meghan. Siya ang baby ko.

Hindi na rin ako pumasok sa school, umuwi na rin ako and nagkulong sa kwarto. Denton texted me and call me several times hindi ko ito sinasagot. I don't want to talk to anyone but her.

Kinuha ko ulit ang phone ko and type a text saying how sorry I am and told her na hindi na yun mauulit. Sinabi ko rin how much I love her and no one could ever replace her in my heart.

Hinintay ko siya mag reply pero as expected wala akong nareceive.

So wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak, ayaw ko rin namang masaktan ang baby ko kaya hindi ko matanggap na ako pa ang gumawa nito sakanya.

Humiga na ako sa kama na patuloy pa ring ang pagbuhos ng luha ko, at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako na walang ibang nasa isip ko kung hindi ang baby ko.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now