Chapter Forty Six

3.7K 100 2
                                    

- MEGHAN -

'' meghan fweeend ano ba lumabas ka naman ng kwarto mo. Hindi ka na nga nag attend ng graduation natin at nahospital ka sa pagkakasakit mo tapos ilang araw na ay hindi ka pa rin bumabangon diyan '' saad ni mark na talagang alalang alala na sa akin. Nakahiga ako sa kama at literal na nagkukulong.

Kasama niya ang iba pa naming mga kaibigan.

Umupo si serena sa gilid ng higaan ko at inayos ang buhok ko.

'' miss na miss na namin yung masungit at mataray na meghan ''

'' oo nga meghan, tara na bumangon ka na diyan alalang alala na kami sayo lalo na ang buong pamilya mo. ''  saad naman ni anabel na nakaluhod sa may harapan ko.

Pumikit lang ako para pigilan na naman ang pagluha ng mga mata ko.

'' ugali ko nga ata ang dahilan kung bakit ako iniwan ni dandan '' mahina kong sagot.

'' meg hindi natin alam ang totoong rason kung bakit ka niya iniwan pero isa lang ang sigurado ako, minahal ka niya sa pagiging ikaw mo. Nakita namin yun '' ani ni angela.

'' pero umalis pa rin siya ''

'' Meghan look '' saad ni marcus sabay hatak nito sa akin at pinaupo niya ako sa kama.

'' ano ba marcus!!! '' galit kong saad habang tinutulak siya. Pero ang lakas niya kaya nagawa niya pa rin akong paupuin.

'' Ano bang gusto mo ha ang magmukmok dito??? Tingnan mo nga sarili mo meghan.... mukha kang ewan, naliligo ka pa ba??? kung iniwan ka ni daniela may rason siya o kung dahil gusto niya lang well she doesn't deserve you. Let her be pero ayusin mo naman ang sarili mo. Look at you, you look like hell!!!! '' sigaw nito sa akin.

Natulala ang iba naming mga kaibigan? first time kasing nagalit sa akin si marcus.

Naluha ako sa sinabi niya, totoo naman kasi mga sinabi niya. Pero kailangan niya  ba akong sigawan? heartbroken kaya ako.

'' Oh tapos ano iiyak ka na naman?? siguro iniwan ka niya dahil ang hina hina mo nagsawa na siya sayo meghan, yun ang totoo!!! '' dagdag niya na talagang ikinagalit ko.

Hindi ko na napigil ang sarili ko, tumayo ako at sinampal ko na siya.

pak!!!

'' HOW DARE YOU TO TELL IT TO ME MARCUS. YOU HAVE NO RIGHT TO SPAT IT ON MY FACE!!!! '' sigaw ko.

Magkatapatan na kami ni marcus at sa gulat naman ng mga kaibigan namin ay natahimik at napatulala lang sila.

'' GALIT KA DIBA GALIT KA ILABAS MO SA AKIN NGAYON MEGHAN. TANGGAPIN MO NA HINDI NA SIYA BABALIK PERO MARAMI PA NAMANG NAGMAMAHAL SAYO, NANDITO KAMI OH ''  itinuro niya ang mga kaibigan namin.

'' NANDITO PA KAMI MGA KAIBIGAN MO PATI ANG PAMILYA MO. ISA LANG SI DANIELA MEGHAN AT MARAMI KAMI.. BIGYAN MO NAMAN KAMI NG HALAGA KAHIT KAUNTI LANG '' tumulo ang luha ni marcus pero pinahid niya ito kaagad.

Umiling ako at tumingin sa ibaba. After ilang days na hindi ako umiyak at nakatulala lang, mukhang naipon ito at grabe ang iyak ko ngayon.

'' I'm s...sorry, p...patawarin niyo ako '' yun lang nasabi ko at tumingin ako kay marcus.

Inangat ko ang mga braso ko and spread it. Alam naman ni marcus nais kong iparating, naglakad ito papunta sa direksyon ko at yumakap sa akin.

'' Bumalik ka na meg '' he mumbled with a shaky voice. Hinimas himas ko ang buhok at likod niya.

'' I'll try okay??? '' sabi ko at tumango siya.

'' yes!!!!! let's party!!!!!!!!!! '' sigaw ni marky sabay takbo nila sa akin at yumakap ng mahigpit.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon