Chapter Sixteen

6.5K 183 1
                                    

- DANIELA -

Nandito na kami sa sasakyan kasama ang mga kaibigan namin. Si meghan wala pa ring imik hindi ko na nga alam kung papano siya kakausapin mukha kasing hindi maipinta ang mukha nito sa lungkot.

Oo tama nabasa niyo hindi naman siya galit, malungkot ang mukha niya pati tuloy yung iba naming kasama hindi na rin mapakali sa pagkakaupo nila hanggang sa kailangan na nilang bumaba .

'' salamat danie and ang galing mo kanina sa court pero pagaling ka okay '' saad ni Anabel at tumingin naman ito kay meghan.

'' meg. see you tomorrow '' pero hindi ito sumagot kaya ayun malungkot din nilang sinara ang pintuan ng sasakyan.

Ano kayang iniisip nito? Gusto ko man siyang yakapin hindi ko magawa kasi magdadrive pa ako, ang sakit pa naman ng braso ko.

At bigla itong kumirot at napahawak ako rito, napatingin naman si meghan.

'' masakit? '' tanong nito sabay kuha at tanggal ng bandage.

'' mas lalo na itong namaga, ikaw naman kasi nagpilit ka pang maglaro. Halika at pumunta tayo ng hospital ipapa xray natin yan '' ang lamlam ng mata nito ngayon parang may iniisip siya pero nararamdaman ko yung concern niya saakin.

'' huwag na okay naman ako '' hahawakan ko sana kamay niya pero bigla niya itong nilayo

'' No I'm going to drive this car at pupunta tayo sa hospital, tapos ang usapan '' at bumaba na ito. Binuksan niya ang pintuan ko at pinababa ako.

'' dun ka na umupo '' utos nito. Kanina ang tahimik at ang lungkot niya ngayon naman mukhang galit na talaga siya.

Hinayaan ko na siyang magmaneho hindi na ako nagpilit pa at baka lalo itong magalit. Pagkadating sa hospital ay agad kaming nagtungo sa emergency room.

OPD lang naman ang case ko so after xray umuwi na rin kami. At tama naman yung school nurse wala naman ngang bali. Nabugbog lang daw at kailangan ng pahinga. Binigyan lang ako ni doc ng pain reliever and anti inflammatory medications.

Hinatid na rin niya ako sa bahay. Hindi ito pumayag na ihatid ko pa siya.Huwag daw akong makulit pa.

Pinatay na rin niya ang makina ng kotse ko at umupo muna kami sa loob pansamantala.

'' love '' tawag ko sakanya. Hindi ito sumagot at tumingin lang ito sa ibaba.

Inabot ko ang kamay niya at hinila papunta saakin. Hindi ako sanay na ganito si meghan, hindi ko rin kasi mabasa ang iniisip niya.

'' love are you mad at me? '' tanong ko sakanya at salamat naman lumingon na ito pero diretso ang tingin niya sa braso ko.

'' ano ka ba dan dan huwag mo galawin yang braso mo mamaya niyan mas lalo kang masaktan '' her voice was cracked.

wait umiiyak ba siya?

I cupped her cheeks and leveled it to mine '' hey bakit ka umiiyak huh? '' tanong ko rito na patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata.

'' Ang kulit mo naman kasi baby eh sabi ko na sayong huwag ka ng maglaro tingnan mo tuloy ngayon, pinahihirapan ka ng pamamagang yan ''

huh? so hindi siya umiimik dahil namamaga ang braso ko?

'' wait so nagkakaganyan ka dahil dito sa nangyari sakin at hindi kay stacy? ''

'' oo at bakit naman napasok dito ang pangalan ng impaktang yun, may araw rin yun saakin but for now ikaw ang inaalala ko, sure ka ba na kaya mo? may kasama ka ba sa bahay? '' tumingin ito sa akin.

Lalo na ata akong naiinlove sakanya, ang sweet sweet at napakaalalahanin pala talaga ni meghan.

'' wala akong kasama bukod kay yaya, si denton umalis bukas pa balik, si mom naman bumisita sa negosyo namin somewhere in cebu ''

'' wait bakit naman iniwan ka ni denton? nakita na niyang injured ka may gana pa siyang maglayas! '' nagalit na naman ito.

'' relax babe '' hinaplos ko ang pisngi niya '' hindi naman alam ni denton na naaksidente ako  ''

'' kahit pa dapat hindi ka niya iniiwan ''

Ay naku naman po talaga ang kulit din naman. At may naisip ako.

'' hmmm bakit hindi mo na lang kaya ako samahan? '' ngumiti ako at halata naman sakanya ang pagkagulat.

'' wait isipin ko muna...okay sige na nga '' at ngumiti ito ng sobrang tamis

'' wow ang bilis mo naman mag isip mga 3 seconds lang ''

'' anong 3? 2 seconds lang yun dahil kapag dating sayo hindi na ako kailangan mag isip pa ''

Ayyy ang sweet naman talaga ako naman ata ngayon ang naiiyak. Nagpaalam muna siya kay alexa at sa mama niya. Open na pala kami sakanila, tanggap naman ng mama niya ang relasyon namin and about her dad? hindi niya pa rin nasasabi nasa abroad pa kasi for business trip.

Pumasok na kami sa bahay, pinagluto niya ako at sinubuan pa pati nga pagsipilyo siya pa ang gumawa para sa akin at pati pag bihis.

'' ipasok mo na rito dan dan isa! '' galit na naman ito. Nahihirapan nga ako ang sakit kaya ng braso ko tapos ang liit pa ng nakuha niyang damit.

'' maliit nga mahal, palitan mo kasi muna ''

'' eh ang cute nga nito for you oh '' nag pouty lips pa ito. Hay naku ang sarap halikan.

'' injured nga ako diba tapos pinagpipilitan mo yan ipasuot saakin ''

'' sige na nga papalitan ko na, kakainis ka naman '' at pumadyak padyak pa ito.

Pano ba naman pinagpipilitan ang damit ko na small in size na may flower sa gitna, ang baduy kaya. Kakaloka talaga rin ito si meghan.

Nang may makuha na ito bumalik na siya sa akin, ang nakalimutan ko lang naka bra na nga lang pala ako kaya pagkaharap nya nagulat at lumaki mga mata nito.

'' bakit naman naka bra ka lang??? '' sigaw nito sabay talikod.

'' diba nga magbibihis ako alangan man naka tshirt pa ako, akin na nga yan ako na magsusuot, kunwari ka pa naman gusto mo rin naman nakikita mo eh '' biro ko sakanya sabay agaw ng damit ko sa kamay nito.

- MEGHAN -

naku naman talaga ang babaeng ito may balak talaga atang patayin ako, ang puso ko na naman grabe ang tibok. Hindi rin ako makahinga, lord help me to get over - napapakanta pa tuloy ako.

'' Ano tapos ka na mag bihis? '' tanong ko rito

'' yes you can turn around now ''

Pagkaikot ko nakita ko na ito na nakahiga sa kama.

'' halika na megmeg ''

'' megmeg?? ang baduy mo ha ''

'' ang cute kaya ikaw nga dandan ang tawag mo saakin eh, so ako meg meg ''

Napangiti na lang ako, ang corny rin naman talaga nitong baby ko.

'' halika na megmeg '' ulit nito at pinapahiga na niya ako sa kama.

Lumapit na rin ako para tumabi sa kanya. Hindi pa nga nakakalapat ang isa kong paa sa higaan ay hinila na ako nito.

'' ang bagal mo. I'm craving for you na '' sabi nito sabay halik sa lips ko.

Oh shit!! ang hard ng kiss ngayon ni dandan mukhang miss na miss niya ako. Hindi naman ako nagpatalo at ginalingan ko rin pero aminado naman ako si dandan talaga ang first kiss ko so wala akong practice.

Maya maya pa ay pinasok niya ang dila niya sa bibig ko and our tongue battled inside. Gosh napaungol pa ako at ngumiti lang siya pero bigla rin tumigil ang eksena namin.

'' damn baby hindi mo lang alam kung gaano ko kagusto na halikan ang buong katawan mo but ang braso ko '' sabay tingin ko rito.

'' ang halay mo dandan '' at tumawa ako ng malakas, napakunot naman ito ng noo

'' sayo lang naman ako nagkaganito, addicting ka kasi so promise me that you won't kiss anybody but me ''

ang seryoso naman nito, eh sino naman ang hahalikan ko? siya lang naman ang mahal ko.

'' ofcourse '' and I kissed her passionately.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now