Chapter Eight

7.8K 237 1
                                    

- MEGHAN -

'' ui friend anong meron at ayaw magpatabi niyang isa nating kaibigan sa upuan? '' tanong ni Anabel na nakanguso kay Serena na busy namang kumain at hindi rin siya pinapansin, kaya umupo na lang rin ito.

Nandito na kami sa canteen for afternoon break at reserved ko talaga ang seat na to for dandan, mamaya nandito na yun eh kaya sorry friends who you muna kayo sakin.

'' hi guys '' wow manly voice, sino naman kaya ito? hmmm natulala si serena so kilala na kung sino no other than Christon Lopez, at umupo na nga ito sa tabi ni serena, kaya halos hindi na ito makahinga at hindi na rin naubos ang pagkain, kawawa naman ang friend ko awkward moment na naman.

Kasama niya pala si denton. Eh nasaan kaya si dandan? luminga linga ako at baka nasa likod lang siya, pero wala eh.

'' si danie ba hinahanap mo? naku nacorner ng fans niyang mga babae, grabe talaga yun pati sa babae malakas ang karisma. I'll tell you guys a secret ''

at uupo na sana si denton sa katabi ko pero I shoooed him away, napatingin lang ito sakin at ngumiti.

'' para ba yan kay danie? '' at ngumisi ito ng kakaiba at kumikinang pa ang mga mata. Hindi ako umimik so umupo na lang din siya katabi ni Anabel.

okay back to denton nakatanga na kasi kaming lahat sa kanya para makinig.

'' Okay here it goes, when we were in sophomore that was the time my twin joined the volleyball and tennis team, yun din yung time na napansin ko ang karisma niya to both genders. She got suitors apparently lalo na ng maging mvp siya '' tumigil muna ito para uminom ng tubig, wow uhaw agad hindi pa naman ganun kahaba ang kwento niya.

'' so anong nangyari? '' aba't andito na rin pala si mark at marcus, umupo sila sa katabi ni denton. Si anabel naman, christon and serena ay nakikinig lang rin sa bawat kuwento nito.

'' then she met Jax ''

jax? sino yun.

'' he was her ex boyfriend, before ni jax may 3 pang nauna but I think there's something missing kaya hindi tumatagal si danie sa mga karelasyon niya, si jax naman he was the type of guy na never pa nainlove and he was a transferee sa school namin. He saw my sister and instantly got mesmerized by her beauty, beauty pa lang yun ha hindi pa niya nakikita maglaro at sa academic si twin, ayon nung makita niya lalong na love at first, second and third sight ang gago, nanligaw siya for a year then finally my sister say yes, actually going two years na rin sila kung hindi lang nakipag hiwalay si danie dahil nga uuwi kami dito, ayaw niya daw kasi ng ldr mapagod daw kasi yun, so yun she broke up with him, ewan ko lang kung may mahanap siya dito, ang pihikan pa naman nun pagdating sa ganung mga bagay........ARAAAAYYY!!!!!!!!! ''  bigla itong sumigaw at humawak sa tenga, piningot na pala siya ni dandan.

'' Ano namang pinagsasasabi mo diyan ha denton, ako na naman ang chinichismis mo '' saad nito at umupo na sa katabi ko, nag dikit ang mga braso namin.

the kuryente again is here! ano ba yan nag go goosebumps tuloy ako.

Tumingin si dandan saakin at ngumiti ng sobrang tamis, nag si say hi pa ang dimples niya, ugh hay naku nandito na ang langit ko, napapakanta tuloy ako ng heaven by your side - ay naku naging baduy na rin tuloy ako dahil sakanya.

'' ang sakit naman babe, bakit mo ba ako piningot? '' naka pouty lips pa ang kambal nito.

'' sorry na, tingnan ko nga namumula siya kiss ko na lang babe '' at ginawa nga ni dandan, ang sweet sweet naman niya.

Namiss ko tuloy ang lips niya kagabi, shit... napabalikwas ako at kinuha ko ang mukha ni dandan for inspection at nakahinga ako ng maluwag ng wala na yung sugat sa mapupula niyang mga labi na kagagawan ko last friday.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now