Chapter Twenty Five

5.2K 133 4
                                    

- MEGHAN -

'' ouch '' maarte kong pakasabi pano ba naman kasi ang mga freshman na ito takbo ng takbo sa hallway. Nakakainis naapakan tuloy ako.

'' sorry po '' sagot naman sa akin. Mukhang magalang at mabait naman siya so pinalampas ko ang ginawa niya sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may biglang humila naman ng bag ko.

'' aray!!! ano ba naman yan '' lumingon ako, si dominik.

'' ano ??? '' sigaw ko rito.

'' sigaw agad pwede namang mag hello or hi ka muna sa akin mahal '' hawak hawak niya pa rin strap ng bag ko.

'' ano ba bitiwan mo nga bag ko atsaka huwag na huwag mo akong tatawaging mahal at kapag narinig ka ni dandan malalagot ka sa akin ''

'' yun na nga ang point dito, meghan ang tagal tagal ko ng nanliligaw sayo pero hindi mo man lang ako binigyan ng chance. Ano bang meron si daniela na wala ako at napasagot ka niya agad?? ''

'' Nakita ko sakanya ang lahat ng wala sayo at malamang sa lahat ng lalaki na walang ginawa kundi ang magpacute. ''

hinawakan niya dibdib niya '' ouch naman, grabe ka talaga magsalita meghan ''

'' alam mo na palang grabe ako magsalita bakit nakikipagusap ka pa? '' tinaasan ko siya ng kilay at nakapameywang ako.

'' gusto ko eh '' ngiting sagot ni dominik.

Actually dominik came from a well known family of Navarro. His parents owned lots of hotel and resorts. Nameet ko siya dito na sa school from first year magkakilala na kami at start din ng time na yun ay nanligaw na siya until now.

Mabait si dominik, matalino at masipag. Siya pa nga ang kalaban ko sa academics to achieve the highest rank. Gwapo, mayaman, habulin ng babae at mapagmahal kaya hindi ko naman dito maintindihan kung bakit ako pa ang hinahabol eh marami namang nagkakandarapa sakanyang mga babae.

'' would you stop now dominik? alam mong may girlfriend na ako, humanap ka na lang ng iba, ano ba nagustuhan mo sa akin eh ang taray taray ko at ang sama sama ng ugali ko '' napa crossed arms ako. Oo na inaamin ko masama na talaga ugali ko pero hindi naman palagi. hmp!

Lumambot ang mga tingin ni dominik at hindi pa rin naaalis ang mga ngiti nito.

'' nakita ko sayo kung anong nakita ni daniela. Minahal ko sayo kung anong minamahal sayo ni daniela '' tumigil siya at mas lumapit sa akin.

Bigla akong kinabahan nagseryoso kasi ang mukha nito.

'' the first time I saw you gusto na kita agad, oo mataray ka, oo masungit ka, oo maarte ka at oo saksakan ka ng sama kung minsan pero what can I do. Ikaw lang ang tinitibok nito '' itinuro niya ang dibdib niya.

Seryoso ba tong taong to? hindi ako sanay na ganito si dominik pero shit kung ibang babae lang ako napa oo na niya ako, pero hindi eh. I'm really inlove with daniela.

'' d...dom...inik I'm so...so..sorry '' marahan kong pagsambit.

Tumango ito '' okay lang sanay na ako, ilang beses mo na kaya akong binasted '' marahan itong tumawa pero this time napansin kong may lungkot sa mga mata nito.

Gusto ko pang mag salita to comfort him but my tongue was rolled back down my throat kaya hindi ako makagawa ni katiting na words.

'' anyway hangga't hindi pa kayo kasal ni daniela I still have chance '' ngumiti na naman ito.

'' Dom ----- '' hindi niya ako pinatapos. Itinaas niya daliri niya at inilagay sa mga labi ko.

'' don't ! alam ko na sasabihin mo pero kahit ito na lang, yung 1% na chance na maging tayo iga grab ko pa rin kaya don't say anything. I'm gonna wait meghan because I really love you '' sinasabi niya ito habang naglalakad ng paatras papalayo sa akin. Hanggang sa makarating na siya sa pintuan palabas ng building.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ