Chapter Forty Nine

3.9K 101 2
                                    

- MEGHAN -

'' hello? '' sagot ko sa phone.

silence............

'' hello????? '' pag uulit  ko na medyo naaasar na ilang araw na rin kasing may nanloloko sa akin. Tawag ng tawag tapos hindi naman nagsasalita.

'' you know what maghanap ka ng ibang mapag titripan mo okay? huwag ako!!!! '' pinatay ko na. Bwisit!

Napansin ako ni mama. Saturday kasi ngayon so nag stay lang ako dito sa bahay, wala naman kasi si dom. nasa cebu kasama ang daddy niya at ang mga friends ko naman ay may mga ginagawa rin.

'' bakit sino yun at hindi na naman maipinta ang mukha mo diyan? '' tanong ni mama.

'' ay naku prank call na naman, nakakainis nga mama, nakakailang araw na din na palaging ganyan ''

'' hay wala na naman atang mga ginawa sa buhay, mga tao nga naman '' saad ni mama. Napabuntong hininga lang ako.

'' syanga pala meg, samahan mo ako mamaya sa pag grocery ''

'' pero ''

'' walang pero kesa naman nandito ka lang sa bahay at nakatunganga diba, so para may maganda ka namang ginawa samahan mo na lang ako '' naghihiwa ito ng mga gulay, ulam daw namin mamaya.

'' si ate na lang ma '' pagpipilit ko pa rin.

'' busy si alexa kaya ikaw na lang malay mo may magandang mangyari sayo ngayon araw diba ''

'' how I wish ma, pero sige na po wala naman akong magagawa eh, magpipilit ka pa rin naman '' biro ko kay mama ngumisi lang naman ito at nagpatuloy sa ginagawa niya.

-----------------------------

'' mama kailangan pa ba natin ng ketchup??? '' tanong ko na naman feeling ko kasi kulang ang lista ni mama eh. Nandito na kami sa grocery store.

'' hindi na anak meron pa tayo sa bahay ''

'' okay '' binalik ko na ito sa lalagyan.

Naglakad lakad pa ako, si mama naman kasi ang may dala ng cart kaya free ako mag libot libot ng walang hassle. Saka sabi niya naman sa akin ay samahan ko lang siya. So sasamahan ko lang talaga siya, bilis kong kausap.

Pumunta ako sa part ng sanitation, tumingin tingin lang then napadpad ako sa mga chocolates at nanlaki mga mata ko sa dami pero ano pa nga ba iexpect ko syempre grocery naman ito kaya marami talaga, bilib din ako sa katalinuhan ko minsan, tse!

Then lumipat ako sa kabilang stall. Mas marami sa part na ito at nakita ko ang favorite kong chocolate. Kumuha ako ng tatlo para I love you. Natawa lang ako si dom kasi ang nagsabi sa akin ng kabaduyan na yun pero sinusunod ko rin naman, so baduy na rin ako???

I don't think so.

And speaking of dom. matext nga ang boyfriend ko miss ko na siya eh.

After texting him nilagay ko ulit ang phone ko sa bulsa. At kumuha pa ng ibang klase na chocolates, ma try naman yung iba.

'' meg? '' ooopps tinatawag na ata ako ni mama.

Nagmamadali na ako at baka magalit pa sa akin, sabihin nun kung saan saan ako pumupunta. Sa pagliko ko sa kaliwa ay may nakasalubong ako at bumunggo sa kanya. Tumilapon  ang dala dala niyang frappe maging ang mga chocolates ko sa sahig.

Kainis naman pero kawawa naman siya nahulog lang yung frappe niya mukhang kabibili niya pa lang at puno pa sa lalagyan, nasayang tuloy hmmm.

'' I'm sorry miss '' sabi ko habang pinupulot ko ang mga chocolates at ng matapos na ay tumayo na ako para harapin ang taong nakabangga ko.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now