Chapter Twenty Seven

5.1K 130 0
                                    

- MEGHAN -

'' anong gagawin natin dito baby? '' tanong ko kay dandan ng ihinto niya sasakyan sa tapat ng isang napakalaking bahay. Pero hindi ko alam kung sinong nag mamay - ari.

'' I want you to meet them baby ''

'' them? '' pagtataka kong tanong, sino pa ba ang dapat kong imeet bukod sa parents niya? pababa na kami sa car.

Bigla nanlaki mga mata ko.

'' don't tell me parents mo dandan??? hindi pa ako re...ready!! bakit mo ako binibigla??? '' hay naku bigla akong nanlamig nanginginig pa kamay ko. Hindi naman sa ayaw ko silang ma meet, talagang kinakabahan lang ako as in for real!!! Papano kapag hindi nila ako nagustuhan?? waaaa!! I can't I can't....

Napansin ito ni dandan at hinawakan niya ako.

'' relax hindi ang parents ko but in time kailangan mo na rin makilala si mom and she's very eager to meet you na rin '' she caressed my cheek.

'' o...okay basta sabihan mo ako ha kapag pupunta na tayo sainyo gusto ko kasi maging maayos at maganda ako sa paningin ng parents mo '' mahina kong sambit. Nakahinga na rin ako ng maluwag.

'' don't worry maganda ka naman palagi saka I'll be by your side all throughout '' ngumiti ito sa akin, hay ngiti pa lang nito napapakalma na ako.

Naglakad na kami hand in hand papunta sa napakalaking mansion. Pagka lapit namin sa gate kusa itong bumukas pati na rin yung front door. Wow lahat high tech. katulad sa bahay nila dandan. Ang yaman yaman naman ng mga tao rito.

Ang family kasi namin sakto lang, hindi mayaman hindi rin naman mahirap. Papa ko nasa abroad for our business pero hindi yung katulad ng business na iniisip niyo na malaki, no. Maliit lang ito nalugi kasi yung una namin dito sa pilipinas so walang choice ang parents ko kundi ang isara na ito.

May friend si papa na nag start ng negosyo sa abroad, kinontak siya nito tapos ayun sumugal ulit si papa. Mabuti na lang kahit papano naging okay yung kinalabasan. Ang cons nga lang palaging wala si papa, tumatawag lang siya palagi or video calls.

Si alexa naman nasa college pa rin. 3 years pa ito bago makagraduate as engineer. Sabi niya kasi in time siya ang mag dedesign ng bahay namin, hmp. tingnan natin ang galing ni alexa.

Si mama, magaling siyang chef. Nagwork siya dati sa isang kilalang restaurant pero nung pinanganak na niya ako nag stop na rin siya eventually gusto niya raw kasi makita ang paglaki namin ni alexa.

Si papa at si mama ay childhood bestfriends. May isa pa nga raw silang kaibigan pero hindi na nila nabanggit kung sino. Pero ang natandaan ko lang yun daw pangatlong friend nila ang isa sa pinakamayamang businessman sa mundo. hmmm... sino kaya yun?

- DANIELA -

Tahimik na naman si meghan, for sure ang lalim lalim na naman ng iniisip nito. This past few days alam ko na may something hindi muna ako nagtatanong kasi baka wala lang naman. Pero the day na nakita ko siya na nakatitig kay dominik I felt something, something strange.

Oo aminado naman ako na nagselos ako, gusto ko kasi ako lang ang tinititigan ng baby ko. Pagdating sa kanya nagiging possessive talaga ako, medyo maluwag na klase pa lang naman pero ganun na rin yun.

And for 4 months, yes apat na buwan na kami, lalo kong minamahal si megmeg. She's really extraordinary, each day may mga bago akong nalalaman sa kanya.

Una magaling pala talaga siyang magluto, palagi niya kasi akong pinagluluto, second maganda ang boses niya, kinakantahan niya rin kasi ako, third napaka walang arte sa katawan. What I mean is kahit madumihan siya o kahit anong suot niya carry on lang go lang, fourth she really love the color white kaya raw gusto niyang maging propesyon ay nakasuot ng puti. At marami pang iba.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now