Chapter Twenty Nine

4.4K 113 0
                                    

- MEGHAN -

'' bakit pa ma, may problema po ba? kilala niyo po ba daddy ni dandan? '' tanong ko sa kanila. Hindi ko na rin kasi napigilan sarili ko at halatang halata ko sa parents ko ang pag iba ng itsura nila.

Nagkatinginan muna yung dalawa bago sumagot si papa.

'' ahm wala naman anak, baka kapangalan lang ng daddy ni danie yung kakilala namin ng mama mo, pero mukhang imposible naman yun at ang alam namin matagal na itong hindi umuuwi ng bansa '' sagot ni papa sabay tingin kay mama na tumango naman sa amin.

'' ah okay po akala ko kasi may problema '' napatingin ako sa baby ko na kanina pa pala nakatitig sa akin.

'' anyway sige na kain na tayo '' aya ni mama sa amin. Nagpatuloy kami sa pagkain at parang hangin lang na dumaan yung pangamba ko kanina sa naging reaksyon nila, ngayon kasi nagtatawanan na kami.

Nalaman nga rin ng parents ko na nagka boyfriend si dandan kaya tinutukso nila ako.

'' Papano nga kung ayawan ka ni danie anak? '' pang 5 nang tanong ni papa sa akin at hindi pa rin ako makasagot.

Nandito na kami sa sala at nanunuod ng tv pero ang kinalabasan ay ang pagtukso sa amin ni dandan lalo na sa akin.

'' oo nga meg papano nga kung ganun? siguro makakalbo mo yung lalaki noh, tama ako diba '' nakangising pakikisawsaw na naman ni alexa sa usapan. Kabwisit talaga, pero papano nga kung ganun? Nalungkot naman ako bigla hindi ko ata kaya yun.

Dahil hindi pa rin ako makasagot, sinambot na ako ni dandan.

'' hindi naman po yun mangyayari, diba megmeg? '' hinila niya ako ng mas malapit sakanya as she lift my chin up.

'' ngiti ka na '' dagdag nito, kanina pa kasi ako nakasimangot, si papa naman kasi kung makatanong naman nakakasakit na.

Niyakap ko si dandan, bahala naman kung nakikita kami ng parents ko at ng mapangantyaw kong kapatid basta gusto kong yakapin ang baby ko.

'' hooo tama na yan hindi naman aalis si daniela, ang clingy naman nung isa dyan '' pangangantyaw ng bwisit na si alexa. Binato ko nga ng tsinelas nakakaasar kasi.

'' tama na nga yan mga anak, sige na umakyat na kayo at anong oras na rin. Ahm daniela anak, dito ka na matulog ha gabi na kasi baka mapano ka pa sa daan '' sabi ni mama. Napalukso naman ang puso ko sa saya.

'' ahm okay po tatawagan ko lang po si mommy ''

tumingin ito sa akin '' wait lang baby '' tinanggal ko ang pagkakalingkis ko at tumayo na ito papunta sa may bintana.

'' ito talaga si meghan pikon mabuti na lang at nakakatagal sayo si daniela '' saad na naman ni alexa. Matalim ko siyang tinitigan.

'' tumigil ka na ha kanina ka pa '' pikon kong saad.

'' pssst tama na yan nakakahiya kay daniela kung mag away kayo parang hindi kayo magkapatid '' saway ni mama.

'' kasi naman mama si alexa ulit ulit kakainis '' hindi na nakaimik si mama at umiling na lang ito, si papa naman tatawa tawa pa.

'' okay na po nakapag paalam na ako kay mommy '' sabi ni dandan ng makabalik na ito at umupo sa katabi ko.

'' yes!!!! '' napasigaw ako.

'' aba meg baka may binabalak ka sa kasintahan mo ha, masyado pa kayong bata baka mabuntis isa sa inyo ''

'' PAPA!!!!!!! '' Oa kong sigaw, kinurot naman siya ni mama at nagtawanan. Kami lang ata ni dandan ang biglang natahimik at halatang halatang namula.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now