Chapter Thirty Seven

3.6K 89 1
                                    

- DANIELA -

Papunta na ako ngayon sa school, mukhang malalate ako at dumaan pa ako sa company namin, may pinahatid kasi si mom na damit niya at papers. Hindi na naman kasi siya umuwi at nag stay sa kompanya para tapusin yung project na dine - develop for this month.

Napaka business oriented din kasi ni mom kaya madalas nagkakasakit due to stress. tsk kawawa naman.

Nagmamadali na nga ako sa pag drive ng bigla namang may tumatawag sa akin. Unknown number. Binagalan ko muna pag maneho ko at sinagot ito.

'' hello? ''

'' hi daniela? ''

'' yes? ''

'' si stacy ito, pwede mo ba akong tulungan natumba kasi ako sa motor eh, hindi ko kasi napansin yung tumatawid na aso ''

'' huh?? okay ka lang ba? nasaan ka? ''

'' nandito sa labas ng subdivision namin hindi na ako makabalik sa bahay at baka galitan ako ni mom, ayaw niya kasi gamitin ko itong motor nagmatigas lang ako ''

'' okay sige I'm on my way ''

----------------------------------

Dinala ko na muna sa emergency room si stacy para naman matingnan siya, mabuti na lang at galos lang naman ang natamo niya. Pero kinakausap pa rin siya ni dok kaya dumistansya muna ako ayaw ko rin kasi sa hospital. Napilitan lang ako during the time na dinala ako ni megmeg ng namaga ang braso ko dahil magagalit yun sa akin panigurado.

Tumingin ako sa watch ko hala mag tatanghali na pala, hindi na ako nagmalay ng time at hindi na rin kami ni stacy nakapasok sa morning class. Traffic kasi kanina then ang dami pang patients dito kaya inabot kami ng ganitong oras.

Sa unang pagkakataon ngayong araw kinuha ko ang phone ko para icheck. Sa dami ko rin kasing iniisip nakalimutan ko na ito, nakita ko na ang dami na ng texts and missed calls ang baby ko, nag aalala na yun for sure kawawa naman.

I dialled her number. Isang ring pa lang sumagot na ito, ofcourse galit ito.

'' buhay ka pa pala ''

'' love naman sorry na ''

'' ahh sorry? kanina pa ako tumatawag at nagtetext pero ano? wala lang akong nareceive coming from you, where the hell are you??? ''

Galit na galit talaga ang baby ko.

'' kanina pa ako nag aalala sayo dandan nakakainis ka naman ''

naiiyak na ang boses nito, kahit kasi gaano kasungit ang baby ko alam ko na mahal na mahal ako nito. Napangiti at kinilig tuloy ako bigla.

'' nandito kasi ako love sa hospital ''

'' HOSPITAL???? A...ANONG G...GINAGAWA MO DIYAN? OKAY KA LANG BA??? I'M COMING OVER SEND MO ANG NAME SA AKIN PAPUNTA NA AKO ''

Hindi na ako nakapagsalita pa at pinatayan na niya ako. Rinig ko sa boses niya ang pag aalala. So binigay ko na sa kanya ang name ng hospital maging ang address nito if ever na hindi siya pamilyar.

----------------------

'' dandan?? '' narinig ko na itong tinatawag ang name ko, ang bilis niyang makarating dito.

Tumayo na ako from the steel chair at sinalubong ko na ang baby ko.

Pagkakita niya sa akin ay tumakbo ito palapit. Halatang halata sa maganda nitong mukha ang pag aalala.

Hinila na niya ako at niyakap.

'' okay ka lang ba love ha? may masakit ba, ano bang nangyari? '' sunod sunod na tanong nito matapos niyang kumawala sa yakap. She did an inspection as well sa katawan ko. Head, shoulder, body, arms and legs. Nag physical assessment na talaga siya.

'' honey relax hindi naman ako ang naaksidente, sinamahan ko lang si stacy ''

'' WHO???? '' ang pag aalala niya ay napalitan agad ng inis at pag kairita ng marinig niya ang pangalan ni stacy.

'' Daniela I'm done okay naman daw ako, oh hi to you dear '' bati ni stacy kay meghan ng makalapit na ito. Napa crossed arms naman ang mahal ko.

'' aba mukhang ang kapal naman ata ng mukha mo para ang girlfriend ko pa ang tawagan mo sa ginawa mong katangahan '' sagot naman ni meghan na may bahid na ng katarayan.

'' eh kasi naman po siya yung nasa speed dial ko kaya siya ang tinawagan ko '' ngumisi si stacy at humawak sa braso ko. Nakita ko naman ang paniningkit ng mga mata ng girlfriend ko kaya inialis ko ang braso ko sa hawak ni stacy.

'' a....ahm guys tara na nakakahiya eh pinagtitinginan tayo ng mga tao '' mahinang sabi ko sa mga ito.

Nagbuntong hininga lang naman si meghan pero alam ko deep inside grabe na ang galit nito. Aalalayan ko sana si stacy pero sinaway ako nito kaya ayun tuloy hirap na hirap naman maglakad yung isa.

Sumakay na kami sa kotse, mabuti na lang at hindi na nagsalita pa si meghan ganun din si stacy. Mabuti naman at kuntento ang buhay. hay life mahirap na kasi kapag may nagsimula sa kanila magsalita.

Hinatid na namin si stacy sa school niya. Kahit alam kong mas magagalit sa akin si meghan ay inilalayan ko pababa ng car ko si stacy, kawawa naman kasi.

'' salamat '' sabi nito.

'' you're welcome sagot ko naman, sige alis na kami ha ingat ka '' tumalikod na ako sa kanya pero bigla nitong hinawakan kamay ko at hinila ako pabalik.

Naguluhan ako kung bakit niya yun ginawa, pero ayun boooom bigla niya akong hinalikan sa labi. Ang bilis ng pangyayari at hindi na ako nakapalag pa. Napatulala ako at napalunok ng laway. Hindi na rin ako nakapagsalita.

'' that's my payment '' saad ni stacy at pumasok na ito sa gate.

Hindi ako nakagalaw for a moment.

Paglingon ko sa sasakyan nakita ko si meghan sa loob na nakatitig sa akin, umiiyak at hindi na maipinta ang mukha sa galit at sa sakit ng nararamdaman niya. Biglang nahulog sa lupa ang puso ko, nasaktan ko ang mahal ko, nasaktan ko siya.

'' love '' bulong ko sa sarili ko.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now