Chapter Four

9.4K 266 15
                                    

- MEGHAN -

Pauwi na nang hapon pero hindi ko pa rin nakikita si Daniela, pumasok kaya yun? nakakaasar naman kasi at 3 subjects lang ang magkasama kami tapos ngayong araw bokya pa hmp! nakakainis talaga.

'' hoy bakit ganyan na naman ang mukha mo, hindi mo ba gusto ang lasa ng pagkain? '' tanong ni Mark, nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa canteen, nakagawian na kasi namin maging ng ibang estudyante na magmeryenda muna bago umuwi, masarap kasi ang pancake dito ni aling tesa.

'' huwag mo muna nga akong kausapin mark '' sabi ko dito nang malumanay habang hinihiwa hiwa ko ang pancake sa platito.

'' hayaan mo na nga muna yan markikay at baka may period na naman '' ani ni Serena tatawa tawa, umirap lang ako.

'' OMG !!!! ''  oa na pag saad ni mark at nakatitig na naman ito na parang na engkanto. Sinundan namin ito ng tingin at napatanga rin kami sa nakita namin.

Papasok sa canteen si Daniela kasama ang boyfriend nito. Lahat ng mga mata nakatingin sa kanila. Oa na kung Oa ang reaksyon pero nakatanga talaga silang lahat, yung iba pa eh nakabukas pa ang bibig at hindi na naipagtuloy ang pagsubo.

'' ang ganda nila, bagay na bagay '' saad ni angela at ngiting ngiti pa.

hindi ko naman sila pinapansin napako ang mga tingin ko kay daniela, at nandito na naman ang pakiramdam na ito...naiinitan pa ako, asar!

'' hi guys '' bati ni daniela saamin, di ko namalayang nakalapit na pala sila sa pwesto namin.

'' h...hello '' sagot ni marky na nauutal pa, hay naku andito na naman ang baklang ito puso puso na naman ang mga mata, tse.

'' pwedeng maupo kami dito? ''

'' oo naman daniela, go take your seats '' ang bait naman talaga ni angela kahit kelan, hindi na naisip na kinakabahan ako dito sa kinauupuan ko. Napakain na lang tuloy ako at ibinaba ang tingin sa mesa.

Umupo sa harap ko si Daniela at katabi naman nito ang boyfriend niya na nakaakbay pa rin sakanya.

'' Danie who are they? '' aba't umi english pa ang kumag na ito irapan ko nga, napatingin naman sa akin si daniela.

'' These are my friends? '' tumigil muna ito sa amin na parang tinitingnan niya mga reaksyon namin sa pagsabi niyang friends.

'' oo naman nakakatuwa nga eh, gusto ka rin naming maging friend at ang boyfriend mo '' saad ni Serena at tumawa ng malakas ang pa poging lalaking ito.

'' anong nakakatawa? '' tanong ko dito sabay titig ko sakanya, siniko naman ito ni daniela. hmp buti nga!

'' sorry this guy is crazy sometimes '' ani ni daniela, at tatawa ulit sana ito kung hindi lang niya ito tiningnan ng masama.

'' so this is  Anabel, Angela, Mark, Marcus and Meghan makakasama natin sila in other subjects and guys this is Denton my .......... ''

'' boyfriend? '' sigaw ni Marcus na nakatanggap ng batok kay mark na katabi nito.

'' ang ingay mo talaga marcus kahit kelan, ito kumain ka na lang nga '' sabay subo nito ng pancake kay marcus.

Natawa naman ang dalawa sa komento at nagkatitigan.

ano ba yan dito pa talaga sa harapan ko maglalandian.

'' lagi talaga kami napagkakamalang magkarelasyon but actually we're not, this crazy guy is my twin brother '' at umakbay ito.

Lumaki ang mga mata at tenga ko sa narinig ko, lalo na ang mga friends ko. Pwede na ngang pasukan ng langaw mga bibig nilang nakabukas eh.

Ang saya ko hindi niya pala boyfriend. Yes! pero ba't naman ako masaya kung ganun?? ay ewan hindi ko rin alam.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now