Chapter Six

8.4K 232 2
                                    

- MEGHAN -

Lumipas ang mga araw pero hindi pa rin kami nagkakausap ni dandan, magkasama nga kami sa 3 subjects magkalayo naman kami ng upuan tapos kapag itatry ko ng lumapit andyan naman si Marcus umaaligid parati, malapit lapit ko na nga siyang masapak mapapel na masyado, bwisit!

Kung hindi naman si Marcus, si christon naman kasama, pati na rin ang kambal niyang si denton at yung iba pa nilang kaibigan na taga ibang school. Puro lalaki ang mga kaibigan ni dandan pero sabi nga ni christon childhood good friends silang lahat at madami din siyang kaibigang babae  nasa states nga lang so in short kami lang ng mga kaibigan ko ang exclusive na group of female friends ni daniela.

Isa pa si dominik hindi ako tinitigilan ilang beses ko ng sinabihan na tumigil na sa kahibangan eh nandito pa din. The last man standing daw kasi siya at yung iba kong manliligaw sumuko na, pero may pailan ilan pa rin naman kasama na ang kumag na ito.

'' sige na please kakain lang naman tayo sa labas eh '' sunod pa rin ito ng sunod saakin simula pa kanina pag out sa classroom.

'' Tigilan mo na nga ako dominik at makakatikim ka na talaga sa akin '' nang gigigil na talaga ako sa bwisit na ito hindi makaintindi.

'' makatikim ng ano, ng kiss?? '' at ngumuso ito pagkaharap ko para sapakin. Pero pag minamalas ka nga naman ay sya namang pagdating ni dandan.

'' oopps sorry '' umatras ito at naglakad palayo, hindi ako nakaimik ng makita ko ang reaksyon sa mukha nito.

'' Bwisit ka talagang dominik ka, lumayas ka na nga at mapapatay na kita!!! '' tinulak ko ito, akala siguro ng kumag na ito ay nagbibiro pa ako.

Hinabol ko si dandan at hinanap pero wala na siya. Ano ba naman kasing klaseng kapalaran ang meron ako ngayon at ang malas malas ko, sabay hawak at hila sa buhok ko.

- DANIELA -

Ilang araw rin kaming hindi nag uusap ni meghan. Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero baka ganun na rin nga yun, naiinis kasi ako ba't ba kasi may boyfriend siya, kung hindi niya kasi yun boyfriend eh bakit siya nakikisama sa dominik na yun o baka gusto naman talaga niya, kunwari pa. Pero bakit ba ako apektado kaibigan ko lang naman yung si meghan. Bahala na nga may pupuntahan pa kasi ako.

Pag ikot ko sa hallway nagulat ako, si dominik nakanguso at nakaharap naman si meghan at hahalikan ito.

Aray! sumakit ang dibdib ko, naluluha na ako bakit ang sakit sakit naman. Malapit ko ng ipapatay ang lalaking to.

Nag sorry na lang ako at mukhang naistorbo ko sila at mabilis na tinungo ang sasakyan at dun na ako naiyak.

Bakit ba kasi ganito ako kay meghan, hindi ko pa naman siya matagal na kakilala tapos babae pa siya. Hindi naman ako lesbian eh pero bakit ganito? bakit???? wala namang makakasagot sa tanong ko at pati ako nalilito na rin so umuwi na lang ako, may lakad pa naman kami ngayon nila denton nawala na ako sa mood, tas ang pula pa ng mata ko, pinaiyak ako ni meghan, first time to ha.

----------------------------------

'' Dandan mag usap nga tayo '' napatingin ako aba si meghan nakatayo at naka crossed arms pa. Galit na galit.

'' anong tawag mo sakanya dandan??? haha ano yan yung kanta? dan dan dan dalandan '' tumawa ng malakas si christon.

Tinitigan niya ito at naningkit ang mga mata.

'' ikaw ba kinakausap ko ha???? huwag kang sasabat dyan at makikita mo malilintikan ka sa akin '' galit nitong bwelta sa kaibigan ko na biglang naglaho ang kinang sa mga mata at ngiti sa mga labi.

Ibinaling ulit ni meghan ang atensyon niya saakin. Sabay taas ng kilay.

ganito ba talaga to makipag usap??

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now