Chapter Fifteen

7.4K 173 1
                                    

- MEGHAN -

Ngayong araw ay magkakaroon ng laban ang team nila dandan kalaban ang team ng ibang school.

'' Meghan tara na kahit talaga kailan ang bagal mo maglakad kalahatian na nga tayo ng game nakarating dahil sa klase natin tapos ang bagal mo pa '' asar na naman na sambit ni Angela sa akin, naglalakad na kami patungo sa gym ng St. Agustin highschool, dito kasi ang ganap ng laro ngayon

'' wait lang naman napapagod na nga ako, ang sakit pa ng ulo ko gawa sa math kanina ''

'' ayaw mo bang makita si danie? '' eto naman si angela ano naman kayang tingin nito saakin ayaw makita ang lablab ko?

'' syempre gusto ! '' napalakas pagkakasagot ko, kasi naman siya.

'' tara na kasi '' sabay hila nito saakin.

Nakarating na kami sa gym. Ang daming tao. Hindi nga namin makita yung iba naming mga kaibigan. Nagsisigawan sila nakita ko rin sa score board na lumamang na yung kalaban.

Inikot ng mata ko ang mga players wala si dandan sa loob. Si serena pawis na pawis na at mukhang pagod na. Magaling siguro yung kalaban nila. hmmm...

'' Halika dun tayo, nakita ko na sina mark '' sabay turo ni angela, sa bandang itaas sila nakapuwesto. Sigaw rin sila ng sigaw for sure paos na naman ang mga yun.

'' ah sige sunod ako, hanapin ko lang si dandan wala kasi siya sa loob ng court. '' tumingin naman si angela sa direksyong tinitingnan ko .

'' ay oo nga nasan si danie??? '' pagtataka rin nito at palinga linga pa sa paghahanap.

'' sige puntahan mo na o gusto mo samahan kita?? ''

'' hindi okay lang ako, dun ka na sa mga kaibigan natin '' pagtataboy ko rito at napa ismid lang naman ito, alam naman niya kung bakit ko siya pinapaalis, eh gusto ko lang talaga masolo si dandan.

Naglalakad lakad ako, halos nakakabangga ko na nga mga ibang manunuod. Yung isa natapakan pa ang paa ko hay naku pasalamat siya mas mahalaga si dandan kung hindi nabawian ko na siya sa ginawa niya sakin, bagong laba pa naman ang sapatos ko. tsssk!

Lumapit ako sa pwesto ng mga player ng school namin at nakita ko si grace isa sa mga player.

'' grace hi '' nagulat ito kasi nga pinansin ko siya, sa totoo kasi wala naman akong pakialam sa ibang tao pero para lang mahanap ko ang lablab ko binabaan ko na ang pagkasungit ko at naging approachable pa ako, swerte naman niya minsan lang kasi ito.

'' y...yes m...meghan? '' aba bakit ba ito nauutal?

'' magtatanong lang ako, nasaan si dandan?? '' kumunot ang noo niya.

'' dandan??? ''

'' ahm si daniela ''

'' ahhh nasa school clinic ...... '' hindi ko na siya napatapos at napasigaw ako na ikinagulat naman nito.

Napalingon rin ang ibang tao akala siguro nag aaway kaming dalawa.

'' ANO??? BAKIT?? ''

'' ahh... natumba kasi kanina si daniela napatama yung siko niya pinatitingnan niya lang ''

Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ni grace at kumaripas na ako ng takbo papunta sa clinic. Ay wait san ba dito ang clinic?????

May nakita akong babae, hmmm maganda pero mas maganda pa rin ako at ang girlfriend ko syempre.

'' miss excuse me '' tawag ko rito.

Lumingon ito mukhang varsity rin siya pero not from here, sa ibang school siguro at iba ang suot niyang uniform.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now