Chapter Thirty Six

4.1K 89 0
                                    

- MEGHAN -

'' love lahat na ba nabili mo wala ka ng nakalimutan? '' tanong sa akin ni dandan. Nandito kami ngayon sa mall bumili ng mga ingredients para sa lulutuin ni mama for tomorrow na dadalhin niya sa birthday ng kaibigan niya.

'' opo love, okay na po '' sweet kong saad na mas kinawit ko pa ang braso para mas lumapit ito sa akin at para na rin malaman ng mga lalaki na walang ginawa kung hindi titigan ang baby ko na pag mamay ari ko na siya.

Akin lang kaya ang baby ko..

Naglalakad na kami papuntang exit ng may tumawag  sa likuran namin.

'' excuse me miss ''  lumingon kami.

'' yes? '' sagot ko.

Mukhang kilala ko yung lalaki hindi ko lang ma pin point kung saan ko siya nakita.

'' wait I know you, you're the waiter right? ahmmm in the restaurant ? '' saad ni dandan na mukhang hinalungkat niya pa sa memory niya yung itsura ng lalaki.

Mas lumapit pa sa amin yung guy. Pero bakit naman niya kami tinawag kung waiter pala siya na nagserved lang sa amin?

And the guy averted his gaze to me at tinitigan niya ako ng malagkit. Ano bang problema nito? napansin din ata ni dandan kaya mas lumapit ito sa akin.

'' ahhm wait ''  sabi niya at may kinukuha ito sa bag niya '' I think this belongs to you '' Iniaabot niya sa akin yung phone na nawala ko the last few days ''

'' Oh my god how did you......??? '' gulat akong kinuha ang phone na bigay ni dandan sa kanya. Sure ako na sa akin yun dahil ang case nito ay pinagawa ko pa talaga personally na may name ng baby ko.

'' Napulot ko yan nahulog mo ata nung magkabungguan tayo, tinatawag kita that  day kaso nagmamadali ka kaya yun inaabangan kita dito everyday '' ngumiti ito, ang bait bait naman niya.

'' ohhh '' sagot ko

'' pwede mo naman rin sana dalhin sa lost and found diba '' parang nag iba ata ang tune ng boses ng baby ko at mas humigpit ang kapit nito sa braso ko.

'' ahm naisip ko yun ang kaso gusto ko rin kasing isauli ito ng personal to see meghan '' nagulat ako paano niya ako nakilala? never pa naman ako nagpakilala at hindi ko nga siya kilala eh. Creepy!

''  how did you know her name? '' dandan asked him. Hindi ito sumagot at tumititig lang sa akin.

'' okay I think this is enough do you need something to repay you? '' she added alam ko naiinis na ito.

'' no ''

'' fine then we'll go, thank you '' hinatak na ako ni dandan palayo, pero nagtataka pa rin talaga ako.

'' hindi mo ba ako natatandaan meghan??? '' sigaw nito, medyo malayo layo na kasi kami sa kanya.

Lumingon ulit kami at this time napataas na talaga kilay ko

'' do I need to remember you? '' sagot ko na naiinis na rin sa pagiging smiling face nito.

'' dude you know what stop this okay you are creeping us out! '' bulalas ni dandan at the time na tumalikod na kami para umalis ay siya namang pagsalita ulit nito.

'' bear bear! '' napahinto ako at pilit lumingon, but my heart? I know it skipped a beat.

'' p...papano mo nalaman....??? '' hindi ko na naituloy pa sasabihin ko, sino ba talaga itong lalaking ito.

'' meghan it's me, it's me James '' saad niya.

'' james?? oh god no no stop fooling around you're not funny!!! '' ayaw ko sumigaw pero nakakainis siya why he's doing this.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora