Chapter Forty

4.2K 96 0
                                    

- DANIELA -

'' I see na magkabati na kayo ni sislo ah '' si denton nangungulit na naman. Andito kami ngayon sa bahay.

'' yes kaya ang saya saya ko '' sagot ko dito sabay sabad naman ni mom.

'' why nagkagalit ba kayo ni meghan anak? '' tanong ni mom. Tumabi ito sa amin habang umiinom na coffee niya.

Tumango ako at pilit ngumiti '' kasalanan ko po mom ''

'' nag sorry ka ba anak? ''

'' yes po and ayaw ko naman po mom na magalit siya sa akin ng matagal '' tumango si mom, nakikinig lang naman si denton habang kumakain ng chips.

'' good dapat lang na kapag magkaaway inaayos kaagad and I like meghan, yung tipo niya ang mga kaibigan ko dati. Suplada, mataray pero deep inside ibang iba sila. '' seryoso itong sinabi ni mom at natuwa talaga akong masyado. Sakto kasi yung description niya sa baby ko.

'' siyanga pala nakita ko siya kanina sa coffee shop, nilapitan niya nga ako at nagmano ''

'' talaga mom?? '' nakangiti kong wika.

'' yes and she's with a guy ano nga bang name nun??? ahmmm '' nag iisip si mom ako naman biglang nawala yung ngiti sa mukha ko ng marinig ko na may kasama siyang lalaki.

'' ahmm james ata yung name but I'm not sure ''

'' oooh who's james? '' intrimitidong tanong ni denton. Tumingin ito sa akin.

'' none of your business '' sabi ko dito

'' sungit naman, mom ohhh '' pagbibiro pa nito. Hindi ko na lang pinansin at nagpaalam ako sakanila.

'' mom labas lang ako pero habol ako for dinner ''

'' okay anak take care ''

'' sus pupuntahan lang nyan si meghan, halatang halatang nagseselos. '' pang aasar ni denton, sinipa ko nga at napa aray siya.

Tumayo na ako at kiniss ang cheek ni mom at lumabas na.

Pagkapasok ko ng kotse ay tinext ko si meghan kung nasaan siya nagreply naman ito kaagad at di na ako nag aksaya pa ng oras at pinuntahan ko na siya.

-----------------------

'' hi baby '' bati ko agad sa kanya pagkapasok ko sa mini bookstore.

'' hey '' ngumiti siya and kissed my lips.

Tumabi ako sa kanya habang binabasa niya pa isa isa ang plot ng book na mga napili niya, mahilig din kasi siya magbasa. Then a moment later hindi na ako nakatiis at niyakap ko na siya.

'' what's with you? '' tanong nito sa akin. Hindi ako umimik at patuloy pa rin ang pagyakap ko sa likod nito.

'' daniela anong problema mo at kanina ka pa hindi bumibitaw sa pagkakayakap mo '' kahit tinatago niya ang pagngiti niya ay nakikita ko pa rin naman ito.

'' love naman eeeee daniela na naman?'' nag pouty lips ako.

'' joke lang, seryoso nga love what's up? ''

''  wala naman namiss lang talaga kita '' pacute ko pa.

Binitawan niya muna ang mga dala niyang books at humarap sa akin. Yumakap pa rin ako sakanya.

'' clingy huh '' tumawa ito pero niyakap din naman ako.

'' hmmmm ayaw mo ba? ''

'' syempre gusto pero alam ko naman kung bakit nag kakaganyan ka ''

'' you do? '' tinaas ko ulo ko at tumingin sa kanya.

Hinawakan niya pisngi ko at pinisil pisil ito.

'' yes... just one name james '' kumindat ito pero nag pouty lips lang ako.

'' nakipag meet ka baby pero hindi mo sinabi sa akin ''

Kinawit niya ang kamay niya sa leeg ko at mas inilapit ako sa kanya

'' biglaan lang naman yun baby, atsaka ang ka meet niya talaga ay sina marcus, kaso hindi naman pwedeng umalis ako bigla diba at friends din naman kami, then after nun sinundan niya ako sa coffee shop nakita ko nga dun si tita dana. I said hi to her and pinakilala ko na rin si james. Alam ko kasi na mababanggit yun sayo ni tita so mabuti ng kilala mo kung sino kasama ko and here you are hindi nga ako nagkamali '' she touched the tip of my nose.

'' wala ka namang dapat ipagselos '' dagdag niya sabay kiss sa lips ko.

'' hindi ko kasi mapigilan love tapos alam ko pa na siya ang fi----- '' she cut me off by kissing my lips.

'' ssshhh don't say it, just kiss me ''

Ngumiti ako and I did kiss her passionately, nakalimutan na nga naming nasa bookstore kami kung hindi pa kami sinaway nung isang ale.

'' sorry po '' sabay na sabi namin at lumabas na ng store.

Hinatid ko na si meghan sa kanila at nagpaalam na rin ako, kahit kasi gustuhin ko rin namang mag stay hindi pwede at nakapag promise ako kay mom na sa bahay mag di dinner.

Pagka park ko ng sasakyan ay dali dali akong pumasok sa bahay.

'' mom I'm home '' sigaw ko.

'' kitchen baby '' sagot ni mom. Tumakbo ako sa kusina at nagulat ako sa nakita ko.

'' dad???? ''

'' SURPRISE!!!! ''  saad ni dad na nakabukas pa ang dalawang kamay para sa akin.

'' dad I missed you '' sabi ko sabay takbo sa mga bisig niya.

'' how are you baby??? ''

'' okay naman po dad and you?? bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka?? '' tanong ko ng pumakawala ako sa yakap niya.

'' well it won't be a surprise If I tell you before hand diba '' sabay yakap nito kay mom.

'' true!!! '' sigaw naman ni denton na kagagaling lang sa labas, lumapit ito at yumakap na rin kay dad.

Ginulo gulo ni dad ang buhok ni denton.

'' I missed you all, it's nice to be back here '' saad ni dad at nag group hug kami.

'' tara na let's eat dinner '' ani ni mom.

Pumunta na kami sa dining table at kumain na, nakakatawa si dad kwento sya ng kwento ng kung ano ano lang, cool rin naman talaga ito lalo na pag dating sa amin. Sa company lang naman talaga siya terror.

'' so danie ''

'' dad? ''

'' how's everything with you and jex? '' muntik na akong mabilaukan, ano ba naman to si dad ang daming itatanong si jex pa.

'' ahmm we're friends dad '' nagkatinginan kami ni denton

'' wala na bang pag asang magkabalikan kayo, you know I like him for you and he told me na kaya naman daw niya ang ldr.''

'' dad ''

'' may iba na ba? ''

Napansin na ata ni mom na nahihirapan na ako so sumali ito sa usapan.

'' honey don't interrogate our daughter kakarating mo pa lang , atsaka hayaan na muna natin si danie alam niya ginagawa niya '' pagsasalo sa akin ni mom.

'' okay, I trust her naman '' maikling sagot ni dad at ngumiti ito kay mom.

Tahimik naman kaming nagpatuloy sa pagkain ni denton. Sinipa niya ako ng mahina sa ilalim ng mesa at alam ko na kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.

Tumingin lang ako sakanya at tipid ngumiti.

After dinner napaisip tuloy ako kung papaano ko ioopen up ang relasyon namin ni meghan, alam ko mahihirapan ako kay dad pero darating din ang right time para mapakilala ko ang baby ko sakanya.

hay sumasakit talaga ang ulo ko...

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon