Chapter Fourteen

8.3K 209 2
                                    

- MEGHAN -

'' MEG!!!!!!! MEG !!!!! MEG!!!!!! '' sunod sunod na tawag ng kapatid kong si Alexa sa akin. Alam naman niyang naligo ako at hindi pa nga nakakapagbihis, nakakaasar naman talaga ito kahit kailan.

'' pasok ka muna '' narinig kong sabi pa nito, may kausap siya? sino naman kaya? hmmmm...

'' MEG MAY BISITA KA!!!!!!! '' sigaw ulit nito sa inis ko napilitan tuloy akong lumabas ng kwarto na nakatapis lang ng tuwalya.

'' SINO BA YAN ANG AGA AGA PA !!!! '' sagot ko at padabog akong bumaba sa hagdanan pero nagulat ako at tumalon ang puso ko ng makita ko kung sino ang tinutukoy niya - gosh si dandan.

Nagtama ang mga mata namin na kasing laki na ng plato ang saakin, pero Oa naman ata yun siguro size lang ng platito  at ramdam ko ang pag init ng buo kong katawan sa pagkagulat at hiya.

Napahawak ako sa mukha ko at kitang kita ko kung papano rin nagulat si Alexa sa naging reaksyon ko.

'' s...saglit m...magbibihis lang ako '' sabay takbo ko sa itaas. Pagkasara ko ng pintuan ay sumandal muna ako para habulin ang paghinga.

my graciousness anong ginagawa niya dito?? nakakahiya ang inasal ko kanina, ano na lang ang sasabihin sakin ng lablab ko? ang tanga tanga kasi ni alexa - ayan nasisisi ko nanaman ang kapatid kong kawawa.

makapili na nga ng dadamitin ko, dapat naman maging super ganda ako sa paningin niya, mahirap na baka may umagaw sakanya, diyamante na eh baka maging pwet pa ng baso.

- DANIELA -

Today is a good day to me. I just had my morning jog with my troop. Yes you read it right I have my all guy troop that includes Denton, Sonny, Gary, Christon, Nate, Alex and me. And you're right again I'm the only thorn among the flowers.

But don't judge me in a snap guys for being a tomboy or bisexual because before I met my meghan. I'm already friends with them. They're my buddies here in the philippines and we know each other  since diaper, in and out we know everything like secrets and lies, their girlfriends and my boyfriends but apparently not yet the recent discovery about myself, that I'm bisexual and has an incredible and amazing girlfriend.

Eventually, sinabi ko rin naman sakanila and they're in denial at ayaw nilang maniwala sa akin. They couldn't understand daw why a gorgeous and hot girl next door like me fell inlove with my same gender, well syempre hindi pa naman kasi nila nakikita ang nag iisang babaeng totoong nagpatibok ng puso ko but I told them in due time they will.

After that, dahil nasa street na rin kami kung saan nakatira si meghan ay napagdesisyunan ko na puntahan ito at yayaing lumabas. 10am na so siguro gising na yun although hindi pa siya nagrereply sa mga texts ko.

Kumatok ako ng dahan dahan, wala naman kasing gate ang bahay nila so dumiretso na ako sa tarangkahan. Hindi ganun kalaki bahay nila meghan, 2 storey house pero it's kinda small compare to our own house but it was definitely one of a beauty.

'' sino yan? '' sagot saakin at bumukas na ang pinto.

Tumambad saakin ang morenang babae na may mahaba at itim na buhok, siguro matanda lang saakin ng 2 years base sa itsura niya.

'' hi '' sabi ko sabay ngiti.

Tumingin lang ito sa akin noong una pero maya maya ay iginalaw niya ang mga mata niya from my head down to my toe.

Buti na lang may extra akong damit sa sasakyan kaya nakapagbihis muna ako matapos makiligo kila christon, kung hindi lagot ako, may inspection palang nagaganap sa bahay nila bago pumasok.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now