Chapter Forty Five

3.5K 92 0
                                    

- MEGHAN -

Papunta na ako ngayon sa venue para sa 10th monthsary namin ng baby ko. Nagbihis ako ng maganda as in magandang maganda at pinaghandaan ko talaga ang lahat, gusto ko kasi na tumatak itong araw na ito parang double celebration na rin kasi at bukas ay graduation na namin.

Nagmamadali na akong bumaba ng hagdanan alas 5 na ng hapon baka malate pa ako at for sure traffic na naman.

'' mama alis na po ako ha!! '' sigaw ko palabas ng bahay.

'' anak sandali '' habol sigaw ni mama.

'' bakit po may sasabihin ka? '' tanong ko hawak hawak ang door knob.

Tinitigan lang ako ni mama at parang malungkot ang mga mata nito.

'' ma? '' tawag ko, pero tiningnan niya lang ako.

'' pangit ba suot ko ma? '' napakunot ang noo niya, naiiyak ba si mama?

Tumighim siya '' hindi anak, ang ganda ganda mo nga eh '' sagot nito.

Lumapit na siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ano kayang problema nito ni mama? hmmmm.

'' ma? baka malate po ako '' sabi ko mukha kasing wala siyang balak na bitawan ako.

'' mahal na mahal kita anak, tandaan mo yan ha '' mahinang sabi nito. Biglaan naman ata ito si mama magsabi ng mahal ako though alam ko naman yun. Ano kayang meron?

'' mahal din po kita mama '' bumitaw na ito at hinalikan ako sa pisngi.

'' sige na baka ma late ka sa date mo '' ngumiti na ito.

'' bye ma ''

------------------

Nandito na ako sa favorite place namin ni dandan, pinag ipunan ko talaga ang payment dito para kami lang dalawa ng baby ko ang mag occupy ng place pero anong oras na wala pa siya, tinawagan ko siya pero walang sumasagot, nag ri-ring lang ang phone niya, kaya nagsend na lang muna ako ng text message.

'' siguro na traffic lang yun, nakakainis naman kasi dito sa manila, palagi na lang traffic '' I murmured to myself, pero deep inside medyo kinakabahan na talaga ako.

Naghintay pa ako kasi imposible namang hindi yun makarating si dandan atsaka hindi talaga ako nun pinaghihintay, di baleng siya ang maghintay huwag lang ako.

7 pm

8pm

9pm

10pm

'' walang hiya 10 pm na nasaan na ba siya? dan dan naman eh '' kinakabahan na talaga ako wala pa rin kasi syang text or tawag. Baka may nangyari na sakanya, shit!!!!! baka naaksidente ang baby ko. Huwag naman sana.

Nagpabalik balik ako ng paglakad habang hawak ang cellphone ko still trying to contact her. Pero wala, wala talga!

'' Ano ba dandan!!!!!!!'' naiinis at naiiyak na ako.

Malapit ko na rin maibato ang phone ko sa sobrang walang pakinabang nito, sira na ata at hindi narereceive ang text at tawag ni dandan, kainis ang mahal mahal pa naman ng bili niya dito.

'' meghan '' may tumawag sa likuran ko.

Lumingon ako at nakita ko ang tropa ni dandan. Nanlaki ang mga mata ko at lalo akong kinabahan.

'' a...anong b...bakit n..nandito kayo?? '' utal utal kong tanong.

Hindi sila sumasagot at nakatingin lang sa sahig.

'' Ano ba tinatanong ko kayo, nasaan si dandan ???? '' umiling lang sila.

'' Pucha naman huwag kayong umiling lang nasaan ang girlfriend ko??? A...alam nyo bang kanina pa ako rito naghihintay, m...may nangyari ba sa kanya??? '' mataas na ang boses ko, halo halo na kasi ang nararamdaman ko.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now