Chapter Twenty Eight

4.7K 105 0
                                    

- DANIELA -

'' baby nasaan ka na? naghihintay na sila mama pati na rin si papa ''

'' I'm driving pa po papunta diyan '' sagot ko naman na pilit itinulak sa ilalim ng voice box ko ang pag kagaralgal ng boses ko sa kaba.

'' okay ingat ka bababa ko na to at baka maaksidente ka pa ''

'' I know diba sabi mo nga huwag ako gagamit ng phone while driving. ''

'' yep and your seat belt? ''

'' Naka fasten up po ''

'' good so I end this call na ha I love you ''

'' I love you too '' binaba ko na rin ang phone ko. Kinikilig na naman ako sa kasweetan ng love love ko.

Papunta ako ngayon sa bahay ng mga alejandro. Dumating na kasi ang papa niya at gusto raw akong makilala. Kinakabahan nga ako eh, para akong haharap sa death sentence sa kaba aaaaas iiiinnnn. whoaa!! help me god.

About sa family ko naman nameet na rin ni mom si meghan. Nung una syempre nagulat si mom kung bakit babae ang karelasyon ko akala niya kasi lalaki kaya super eager itong mameet si megmeg.

Pero natanggap rin naman niya kung ano ang preference ko, sa kanya rin naman kasi nanggaling na hindi mo mapipilit ang puso mo kung sino mamahalin nito. So yun naging maayos rin naman yung meet up kahit halos mamatay matay na sa kaba ang baby ko.

Hindi nga siya masyadong nakakain that day kahit ang takaw takaw niya talaga. Confident naman lahat ng sagot niya kay mom at natuwa sila pareho sa isat isa. Si dad na lang talaga ang problema. For sure mahihirapan kami sa kanya.

Anyway to give you a further update. Nakapaglaro na kami ng volleyball and we won vs all the schools here. Medyo mahirap silang talunin especially ang team nila stacy pero syempre mas magaling pa rin ang sa amin kaya ayun panalo pa rin kami sa huli.

And speaking of stacy, lumalapit pa rin siya sa akin. Sabi ko until friends lang maibibigay ko sa kanya pumayag naman siya pero clingy talaga ang taong yun kaya lumalayo rin ako mahirap na baka makita siya ni meghan, ayaw ko naman magalit ang baby ko sa akin. Malapit na rin kasi ang 5th monthsary namin. Ang bilis talaga ng panahon.

Hay ano kayang magandang plano para sa espesyal na araw na yun? Pero saka ko na lang planuhin may 2 weeks pa naman ako to prepare, sa ngayon eto muna ang haharapin ko ang papa niya - si tito Mandy.

At heto na nga ako sa harapan ng bahay nila. Pinarada ko na ang dilaw kong kotse at dumiretso na sa front door. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

Isang knock pa lang nagagawa ko at agad ng bumukas ang pintuan para bang may nakaabang na sa likuran nito.

'' baby!!! '' masayang bungad sa akin ni meghan. Sa aliwalas ng mukha nito kahit papano napakalma ko ang sarili ko.

'' hi '' ang ikli naman ng sagot ko pero deadma na. Kinuha na ni megmeg kamay ko at pinapasok na niya ako.

'' tara na they're waiting '' sabay kiss nito sa pisngi ko. Ang sweet niya lang talaga.

'' wait love okay lang ba itsura ko? '' nagdadalawang isip kasi ako kung susuotin ko talaga ang dress na ito o iba na lang gagamitin ko.

'' wait love okay lang ba itsura ko? '' nagdadalawang isip kasi ako kung susuotin ko talaga ang dress na ito o iba na lang gagamitin ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now