Chapter 26

1.6K 45 0
                                    

Althea's POV

Pinilit ko si Danielle na ipakita nya sa akin yung pictures nyang bata sya, nung una ayaw pa nyang ipakita sa akin dahil nahihiya daw sya pero binigay parin nya dahil wala naman syang choice kung hindi kukulitin ko lang sya lalo.

Nung pinakita na nya sa akin, hindi ko maiwasan na hindi mangigil sa kacutetan nya, sobrang taba kasi ng pisngi at singkit na singkit. Yung ibang pictures naeexplain pa nya sa akin pero yung iba hindi nya daw alam bakit andoon basta linagay nalang ng lola nya.

"Huh?" Tanong ko after kong makita ang picture ni kuya Liam, hindi ako aware kung sya ba yun basta kamukha nya kasi, mabilis naman nyang tinignan ang tinuturo kong picture at nagulat sya nung nakita din nya "bakit andito si kuya Liam?" Tanong ko sa kanya

"Ewan ko, bakit andyan sya? Sure ka bang sya yan?" Tanong sa akin ni Danielle nagbikit balikat nalang ako,

"hayaan mo na yun ikaw lang naman ang hinahanap ko dyan eh," sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Sabay sabay kaming nagdinner, puno ng tawanan asaran, lalo na yung tatlo na mukhang ewan na hindi nawawalan ng jokes. 

Nakapag-usap na din kami ni Kristine in personal sinabi pa namin na ang bridge naming dalawa ay si Jamie dahil kung hindi nya sinama dito hindi kami magkikita ulit.

After naming kumain, nagpunta muna kami ni Kristine sa labas kahit sobrang lamig, naguusap kami doon about sa buhay namin nung biglang dumating si Amira.

"Umm Althea pasok muna ako ha?" sabi ni Kristine sa akin at pumayag naman ako.

Tinignan ko si Amira, maganda sya maputi makinis hindi makakapagtataka kung bakit nainlove sa kanya ng sobra si Danielle pero buti nalang hindi sya nagkagusto kay Danielle dahil kung hindi wala sa akin si Danielle ngayon.

"Can I talk to you Althea?" She asked while smiling. Tumango naman ako at binigyan sya ng upuan sa tabi ko "enjoying here?" malambing na tanong nya at tumango lang ako ulit.

"You know Althea, hindi naman ako pumunta dito para makipag-away or what, pumunta ako dito dahil sinama ako ni Raylee, syempre nakakahiya naman kung hihindian ko diba? Mabait na kaibigan sa akin si Raylee and also Danielle. Nung una bumalik ako dito para kunin sya dahil narealized ko mahalaga din pala sya sa akin, malungkot ako palagi nun dahil hindi ako makapagmessage sa kanya na umalis na ako kahit sya ang tumulong sa akin, di ko kasi magawa kasi matatrack ako ni kuya pero ngayon nagkakaayos na kami. Si kuya pa nga nagsabi sa akin na wag ko nang bawiin si Danielle dahil masaya na sya, and I saw her, it's true masaya sya sayo so I let her go," nakangiting sabi nya

"Pano kung hindi kami?" I asked

"Kukunin ko sya yun kung sasama sya sa akin," she answered. "Kaso lang nakikita ko inlove na inlove si Danielle sayo, ganun yan sya makulit masayahin palabiro pero after ko syang iwanan nagbago sya, I know it dahil palagi akong sinasabihan nila dad about her, nalalaman ko ding nakikipag-away sya kay kuya kaya after the incident na critical sya bumalik ako dito," she said. "Ipapaubaya ko na sayo si Danielle dahil alam ko na hindi mo sya sasaktan kagaya kung paano ko sya sinaktan," she added tumango naman ako ng nakangiti sa kanya.

"Si Raylee, alam mo bang may gusto sya sayo?"

"Matagal na, mas nauna pa sya kay Danielle pero pinaubaya nya ako dahil ayaw nyang masaktan si Danielle pero ngayon sya na ang nagmemake move, she told me that she will never let me go again,"

"Pero diba... may boyfriend ka?"

"Yes pero break na kami, ewan ko ba pero nakakapagod na talagang intindihin yung lalakeng yun, masyado syang maraming girls" sabi nya sa akin sabay tawa "You know him kasi pareho nya tayong biktima, si Damian"

"Yeah, nakwento na rin sakin ni Danielle yon. Small world nga eh" Tumango naman sya.

"Oo nga," She laughed, "Small world."

"Kaya pala sabay kayong bumalik dito?" Tanong ko

"Oo kasi hinahabol nya ako pero ayoko na lolokohin lang ako nun," she answered.

"True," sagot ko at nakipag-apir sa kanya.

Kinwento nya ang buong kwento kung paano sila nagkakilala ni Damian, wala talagang hiya yung lalakeng yun kung ano ano ang sinasabi tapos kukunin din daw ako. Wow di sya pogi, wag sya.

"Mukhang nagiging close na kayo ha?" Narinig ko na sabi ni Samantha.

"Wala naman kasing dapat na mag-away kami hindi naman kami nag-aagawan sa iisang babae," sabi ni Amira at tumango naman ako nang nakangiti.

"Sino ba ang gusto mo Amira?" Tanong ni Samantha

"Hoy isama nyo ako dyan," narinig ko namang protesta ni Kristine. 

Apat na babae na kami ngayon na andito ang mga liniligawan at girlfriend ng mga nasa loob ng bahay. Masaya kaming nagkekwentuhan hindi namin namalayan na malapit na palang maghating gabi.



"Danielle!" Sigaw ko matapos na muntik akong sumemplang, si Danielle kasi parang hindi marunong magbike

"Wag ka kasing malikot, you'll see magiging stable yung bike natin," she said laughing.

Sumakay na ako ulit, nasa likod nya ako pareho kaming nagpepedal. "Left right left right," she said at naging stable nga ang bike namin, sobrang enjoy namin maglaro dito sa Burnham park, nakakasabay din namin sila Jamie na kasama si Kristine at yung iba pa naming kasama, si Andrew lang talaga ang nag-iisa sa bike nya eh.

After naming maglaro sa park, naisipan naming kumain sa isang restaurant, doon kami sa magandang lugar.

"Pili pili na ng mga oorderin" sabi ni Danielle.

"Libre mo Danielle?" Tanong naman ni Jamie.

"Yes of course dahil monthsary namin ni Althea" sagot naman nya.

"Dapat pala araw araw monthsary para araw araw libre," biro ni Amira na nagtawanan ang lahat.

Umalis sandali sila Danielle, sabi nila may titignan lang sila doon sa labas ng restaurant. 

Kami kami lang nila Kristine, Amira, Samantha at Bam ang andito. Habang nag-aantay kami ng pagkain, biglang may dumating na babae na parang isa sa manager ng restaurant at biglang nagsalita sa mic, nagulat ako pero sila parang wala lang.

Nasurpresa ako nung biglang nagpatugtog ng music at biglang sumulpot sila Danielle at sumayaw. 

Ang galing talaga sumayaw ni Danielle nagagawa pa nyang tumambling. After nung sayaw nila kinuha nya ang mic.

"Umm this is for my lovely girlfriend. Althea alam kong corny toh and cliché but I'll tell you this is from my heart. First monthsary natin toh though wala akong maisip na anong pwedeng ibigay sayo pero this is my little effort for you. I love you," sabi ni Danielle na ikinatuwa ko talaga. Inasar pa sya ng mga kaibigan nya na iiyak na daw sya pero nakikita kong pinipigilan talaga ni Danielle.

Hindi lang yun ang meron sa event na hinanda nila, though kunti lang kami masaya kami dahil ang dami nilang pag-andar.

Nagtatawanan kaming lahat nung biglang namatay ang ilaw, "shit," biglang narinig kong sumigaw si Jamie

"Hoy Danielle wala naman toh sa plano diba?" sabi naman ni Kristine.

"Wala," sagot ni Danielle, wala kaming nakikita kahit isa. 

Nagpaalam si Samantha na lalabas muna sila ni Ken para ilabas si Bam dahil natatakot

"Danielle," tawag ko sa kanya pero nagulat ako nung biglang may humatak sa akin.

"Mag-ingay ka lang papatayin kita," bulong sa akin nito, hindi ako nag-ingay pero dahan dahan kong binuksan ang flashlight ko at tinutok sa kanya, nakita sya nila Andrew kaya mabilis syang tumakas.

"Si Althea?!" Naririnig kong nagsisigaw si Danielle.

"Danielle... hold me... please" 

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now