Chapter 5| KLN

265 17 4
                                    

Kylie's POV

Paggising ko, na sa bed ako, pero hindi sa kwarto ni Sean. Kundi sa guest room, paano kami napunta dito?

Panaginip lang ata yun. 7 am palang, tulog pa yung mga baliw kong kaibigan. Biglang nagising si May.

"Paano tayo napunta dito? Diba na sa kwarto tayo ni Sean?" Tanong ni May. Huh? Ang gulo ah, akala ko ba panaginip lang yun?? Bakit pati si May?

"Nananaginip lang ata tayo." Sabi ko. "Huh? Ibig sabihin parehas tayo ng panaginip?" Naguguluhan na tanong ni May. "Ewan? Ata?" Sabi ko.

"Paano tayo napunta dito?" Tanong ni Lexi, gising na pala siya. "Huh?" Sabi namin ni May ng sabay. Napaka gulo ah.

"Nanaginip ka din?" Tanong ni May. "What do you mean? Ibig sabihin panaginip lang pala nung naglaro tayo ng fortnite?" Tanong ni Lexi.

"Eh yun din napanaginipan ko eh." Sabi ko. "Ako din." Sabi din ni May. "Wait, ang gulo ah." Sabi ni Lexi. "Alam namin." Sabi ko.

"Bakit ako nandito? Na sa kwarto ako ni Sean ah." Sabi ni Iella. "Ikaw din?!" Sabay naming sabi ni Lexi at May. "What do you mean ako din?" Tanong ni Iella.

"Ganun din kasi yung napanaginipan namin eh." Sagot ni Lexi. "Panaginip lang pala yung ginulat natin si Sean. Sayang! Nakakatawa pa naman yung muhka niya nun." Sabi ni Iella.

Yun pa talaga ang naalala niya. Hahahaha!!

"Yun pa talaga ang naalala mo. HAHAHAHAHAHA!!" Sabi ko. "Nakakatawa kasi muhka ni Sean doon eh." Sabi ni Iella habang tumatawa.

"Ano nakakatawa?! Akala ko nga may multo nun eh! Badtrip kayo." Biglang may pumasok sa kwarto namin......sila Sean.

"Nanaginip ka din nun?!" Sabi naming apat. "Anong panaginip? Nangyari talaga yun noh. At tsaka, kung nagtataka kayo kung bakit nandito kayo, dahil binuhat namin kayo papunta dito. Kasi nakatulog kayo sa bed ko." Sabi ni Sean.

"Nangyari pala yun." Sabi naming apat. "Oo." Sabi ng boys. "Okay..." Sabi naman naming girls. "Anyways, hihintayin namin kayo sa baba ah. Breakfast na tayo." Sabi ni Sean.

"Okay. Mag-aayos lang kami." Sabi ko. "Okay." Sabi naman ng boys, lumabas na sila ng kwarto. Kami naman, naligo muna. Hahahaha!!

Binilisan nalang namin ang pag-ligo. Baka kasi gutom na yung boys eh. Kami na din.

After namin maligo at mag-ayos, bumaba na kami. Nakarating na kami sa dining room. Andun yung boys, kumakain na.

"Ay grabe, di man lang kami hinintay." Sabi ko. "Ang tagal niyo kasi eh." Sabi naman ni Sean. "Oo nga. Halos 2 hours na kami nag hintay noh." Sabi ni Gab.

Nagtinginan naman kaming girls. "2 hours?!" Sabi naming girls. 2 hours na pala ang nakalipas. Grabe.

"Ugh, nevermind. Tara girls, kain nalang tayo." Sabi ni Lexi. Umupo na kami at nagsimula kumain.

Nagkwekwentuhan lang kami dito. Habang si Peter, ang tahimik. Alam na namin yung dahilan. Dahil yan kay Cember.

"Hoy! Ang tahimik mo." Sabi ni Sean, medyo nagulat naman si Peter sa ginawa ni Sean. "Guys, I have to go. Next time nalang ulit. Bye." Nagulat naman kami sa sinabi niya.

He's BackWhere stories live. Discover now