Chapter 32| I'm Sorry

154 14 0
                                    

Cember's POV

1 year later...

1 year na ang nakalipas. At mas naging close kami ni Kaizar. Katulad dati. Patagal ng patagal, mas lalo ako na fafall. Pero until now, ako at si Kylie palang ang nakakaalam na may gusto ako kay Kaizar.

Ewan ko ba kasi. Sa dinami-dami ng lalaking sa mundo, si Kaizar pa talaga yung nagustuhan ko. Haysh.

---

Naka upo kami ni Kaizar sa mga damo sa soccer field.

"Bakit mo ako pinatawag?" Tanong ko sakanya.

"May sasabihin kasi ako eh."

"Ano yun?"

"Cember, sana walang mag babago sa friendship natin kapag sinabi ko sayo yung totoo na nararamdaman ko."

"Ano ba yun?"

"Cember, I like you."

"Ha?"

"Uulitin ko pa ba?"

"Wag na. Narinig ko na eh."

"Galit ka ba?"

"Hindi. Pero kasi Kaizar, mali toh."

"Bakit?"

"Hindi ko kayo pwede pag sabayin ni Peter. Lalo na, magkaibigan kayo. I'm sorry. Pero kung ano man yang nararamdaman mo para saakin, itigil mo na. Please lang. Ayaw ko kayo masaktan at mag-away."

"Naiintindihan ko naman na wala kang feelings para saakin. Alam ko naman na may gusto ka kay Peter. Sige, alis na ako."

Nag lakad siya papalayo. Ano nanaman tong ginawa ko?!

Tinaboy ko ba si Kaizar????

"My gosh Cember!!!" Sigaw ko.

---
Haysh. Ewan ko ba kung ano tong nagawa ko. Napaka stupid ko talaga.

"Ano nangyayari sayo? Parang kanina ka pa nakatulala dyan ah." Sabi ni Kylie.

"Ahh ehh..."

"Oo nga, Cember. Binully ka nanaman ba nila Faira? Sabihin mo. Sasampalin ko yung babaeng yun." Napa tayo naman si Iella.

"Ha? Ano ba kayo. Walang kinalaman sila Faira dito. Umupo ka nga Iella." Sabi ko. Umupo naman si Iella.

"So kung ganun. Bakit ka natulala? May problema ba? Baka makatulong kami." Sabi ni Lexi.

"Oo nga. Kaibigan mo kami, kaya you can share your problems with us." Sabi naman ni May.

"Gusto ko si Kaizar." Sabi ko.

"Sabi na nga eh!" Sabi nilang apat ng sabay.

"Pero kasi..."

"Pero ano?" Tanong ni Iella.

"Tinaboy ko siya."

He's BackWhere stories live. Discover now