Chapter 25| Video

160 13 0
                                    

Cember's POV

*continuation of prom*

Naka-upo na ulit kami. Tapos na kasi yung 30 minutes. And ang gusto ko maka-sayaw yun pa yung hindi ako niyaya. Which is si Kaizar.

Ewan ko ba kung bakit di niya ako niyaya. Pero sila Kylie niyaya niya. Ako lang ata ang hindi sa A5 eh. Kainis naman.

Haysh, parang ikakamatay ko naman kung hindi niya ako sinayaw. Bahala na nga siya. Di ko nalang siya papansinin.

Kumain nalang ulit kami. Binigyan kami nang break, mga 10 minutes.

And ayun, sakto. Tapos na kami kumain, tapos na din yung break.

"Okay, ngayon ay presentation na. Una ay ang section 1." Sabi ni Sir, bigla naman nag-palakpakan yung ibang section.

Sayaw din ang presentation namin. Ganun parin ang partner namin.

Ang kanta ay 'Perfect' by Ed Sheeran. Slow dance lang, syempre.

1 hour later...

Lahat ng section nakapag-perform na. Ngayon, kahit ano pwede mo na gawin.

---

Tapos na ang prom. At balak na naming umuwi. Kasi 11 pm na. Na sa labas na kami. Lahat sila naka-pasok na sa van. Papasok na sana ako, kaso may nakalimutan ako.

Yung bag ko.

"Uhm, guys, wait lang pala. Nakalimutan ko yung bag ko sa table. Kunin ko lang, hintayin niyo ako ah." Sabi ko. Nag nod naman sila.

Papasok na ulit sana ako kaso biglang nag-salita si Kaizar.

"Bakit ka babalik sa loob?" Tanong ni Kaizar. "Nakalimutan ko kasi yung bag ko sa loob, kukunin ko lang." Sagot ko. "Samahan na kita Cember." Sabi ni Peter.

Nag nod nalang ako at pumasok na kami sa loob. Buti nalang walang kumuha neto.

Lumabas na kami ng hotel.

"Cember, mauna ka na, pupunta lang ako sa CR." Napa-lingon naman ako kay Peter. Nag nod nalang ako.

"Cember!" Sigaw ni Kaizar, kaya napa-tingin ako sa harap ko. Bigla akong nabangga ng mga workers sa hotel. May hawak-hawak sila, at di ko alam yun.

Nabangga nila ako kaya nahulog ako, buti nalang nasalo ako ni Kaizar.

Nagka-tinginan kaming dalawa. Medyo matagal kami nag-titigan kasi tapos na mag CR si Peter.

"Ano nangyare dito?" Tanong ni Peter, bigla naman ako binaba ni Kaizar. Umayos ako ng tayo.

"Omg. Nakuwanan namin yun ng video!" Sigaw ni Iella.

"Iella! Delete mo yun!" Sigaw ko naman. "Teka, naguguluhan ako. Ano nangyare?" Tanong ulit ni Peter.

"Wala wala wala. Wag mo na yun intindihin. Uwian na." Sabi ko naman. Tinulak ko si Iella papasok sa van pero smooth lang, at sumakay na din ako.

Sumakay na din sila Peter at Kaizar sa van nila.

Hinatid na kami ni manong isa-isa.

---

The next day...

Nagising nalang ulit ako sa ingay ng mga kaibigan kong baliw.

Bumangon ako.

"Ano nanaman ba yun?! Everyday niyo nalang ba ako gigisingin?! Ang aga-aga pa eh!" Naiirita kong sabi.

"Cember! Naalala mo yung nangyare kahapon sa prom? Nung sinalo ka ni Kaizar?" Tanong ni Kylie.

"Oo? Ano meron? Don't tell me, pinost niyo?! Kundi papatayin ko kayo isa-isa!" Sabi ko sakanila.

"Chill, na-post yun sa Instagram, pero hindi kami yung nag post. Kundi si Maine." Sabi naman ni Kylie.

"Ano?!" Sabi ko naman.

"At eto pa ang pinaka nakakainis, yung caption ni Maine ay, 'sinasadya ni Cember, kasi gusto niya saluhin siya ni Kaizar. Mang-aagaw.'

"What the hey?!" Sabi ko naman. Lalong kumulo yung dugo ko sa babaeng yun.

"Humanda saakin yun." Sabi ko.

"So ano ang plano?" Tanong ni Iella tinignan naman namin siya. "Bakit?" Tanong niya naman. "Wala lang." Sabi naman naming apat.

Gumawa nalang kami ng plano.

"Humanda yung Maine na yun." Naka smirk na sabi ko. Nag smirk nalang din silang apat.

Maine's POV

*prom*

Hinintay pa namin si Faira kasi nag CR siya. After nun, lumabas na siya. "Let's go girls." Sabi niya naman.

Sumunod naman kami palabas ng hotel.

"Okay, eto na guys, paparating na yung mga workers. Kapag nabangga si Cember, at nahulog siya sa stairs, siguradong ma-pupunta siya sa hospital." Naka smirk kong sabi.

"I-ready mo na yung phone mo Everleigh." Sabi ko, nag nod naman si Everleigh. Inistart niya na yung video.

"Cember!" Sigaw ni Kaizar, agad siyang tumakbo papunta kay Cember. At nung pag-lingon ni Cember, mahuhulog na dapat siya kaso nasalo siya ni Kaizar.

"Argh!" Sigaw ko naman sa inis. Sumakay na kami sa van, baka kasi may makakita pa saamin.

Pinlano namin lahat ng yun. Kaso nga lang, palpak nanaman! Nakakainis naman! Sayang lang yung pera na binayad namin sa dalawang workers na yun!

"Palpak nanaman ang plano mo Maine. So ano gagawin mo?" Sabi ni Faira.

"Don't worry, ako bahala. Everleigh, ipasa mo saakin yung video. Ako na ang bahala dito." Sabi ko. Nag nod naman si Everleigh.

---

"Perfect!" Sigaw ko. "Nice one." Sabi naman nila Faira.

And finally, naka ganti na din ako sa Cember na yun!

Kaizar's POV

Napanood ko yung video na pinost ni Maine. Lalo akong nainis sakanya kaya sumakay ako sa kotse ko at pumunta ako sa bahay niya.

Niring ko yung bell.

Binuksan naman ng maid nila yung gate. "Si Maine po?" Tanong ko kay manang. "Na sa kwarto po niya, Sir." Sagot naman ni manang.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay nila at pumunta sa kwarto ni Maine. Di na ako kumatok pa, binuksan ko nalang yung pinto.

Nagulat naman silang lahat.

"Maine! I-delete mo yung video! Ngayon na! At tsaka anong inagaw?!" Sabi kong galit.

"How did you get in?!" Gulat niyang tanong. "Malamang pumasok ako sa bahay niyo. Di naman naka lock yung pintuan eh." Sabi ko naman.

"Tsk." Sabi niya naman.

"Maine! I want you to delete the video now! Walang kasalanan dito si Cember! Wag mo na siya idamay sa away natin!" Sabi ko naman.

Kinuha ko yung phone ni Maine, at tumakbo ako papunta sa kotse ko.

Mabilis ako tumakbo kaya di nila ako nahabol. Nag drive ako papunta sa bahay ko.

Agad kong dinelete yung video. At sinira ko yung phone ni Maine. Tapos tinapon ko ito. Chineck ko yung Instagram ko kung naka-post pa ba.

Buti nalang na delete na. 10 views palang naman yun eh.

Lagot ka talaga saakin Maine.

He's BackWhere stories live. Discover now