Chapter 6| Its Been Awhile

266 19 0
                                    

Cember's POV

Magkikita ulit kami ng lalaking yun, si KLN. Eto na talaga yung pinaka last time na susundin ko yung lalaking yun. Sinasayang niya lang kasi yung oras ko eh.

Same place parin daw. Pagkatapos ko mag-ayos, sumakay na ako sa kotse ko at nag drive papunta sa SM Manila.

Nakatayo lang ako ngayon dito. And finally, nandito na siya. Ganun pa din, all black pa rin siya. Di ko makita yung mukha niya, kasi may glasses at mask siya.

Ang dami namang alam netong lalaking toh. Lumapit siya saakin.

"Hi." Sabi niya. "Hi?" Sabi ko naman. Bakit parang ang awkward naman neto??

"Saan mo gusto kumain? Libre kita." Tanong niya. "Di na kailangan." Sabi ko naman. "Tatanggihan mo yung pagkain?" Sabi niya.

"Bakit naman ako sasama sayo, eh hindi nga kita kilala eh. Sino ka ba talaga?" Sabi ko. "Hindi pa ba halata sa pangalan ko sa chat? KLN?" Sabi niya.

"Wala akong kilala na ang pangalan ay KLN." Sabi ko naman. "Di pa ba halata sa boses ko?" Tanong niya ulit.

"Wala akong pake." Sabi ko naman. "Pwede ba, tanggalin mo na nga yung mask at glasses sa mukha mo. Para makita ko kung sino ka." Dagdag ko.

"Okay. Chill." Sabi niya naman. Tinanggal niya muna yung cap niya, sunod naman, yung glasses, at ang huli mask.

"Kaizar?!" Gulat kong sabi.

"Its been awhile, Cember." Sabi niya.

"Ikaw ba yan?!" Tanong ko. "Oo." Sagot niya naman. "Ang kapal mo!" Sabi ko. "Bakit?" Tanong niya.

"Bakit umalis ka nang walang paalam?! Di ka man lang nag paalam bago ka umalis?! Bakit hindi ka nagparamdam?! Bakit di mo ako nireplayan?! Wala ka bang isasagot?!" Sabi ko.

"Wait lang, let me explain." Sabi niya naman. "Bilis." Sabi ko.

"Kaya hindi ako nagpaalam, kasi ayaw kong makita kang masaktan. Kaya, di nalang ako nagpaalam." Sabi niya. Anong klaseng rason yun?! Tsk tsk.

"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko, tumalikod na ako, kaso may nakalimutan akong sabihin sakanya. Kaya humarap ulit ako sakanya.

"At eto pa, ang dami mong alam. May pa mask-mask ka pang nalalaman. Papakita mo din pala mukha mo." Dagdag ko.

"Eh kasi, nung una, takot pa ako aminin sayo na ako toh eh." Sabi niya. "Bakit ka naman natatakot?" Tanong ko. "Kasi, malaki yung kasalanan na nagawa ko sayo eh." Sagot niya.

"Buti alam mo!" Sabi ko, umalis na ako at nag lakad papuntang parking lot. Pero guess what, naka sunod parin yung lalaking toh.

"Ano ba?! Bakit mo ba ako sinusundan?!" Lumingon ako sakanya. Na sa parking lot kami ngayon.

"Just making sure na uuwi ka na talaga. Baka kasi mamaya sundan mo pa ako." Sagot niya. Napaka kapal ng mukha neto ah!

"Hoy! For your information, uuwi na talaga ako! At tsaka napaka kapal naman talaga ng mukha mo." Sabi ko. "Bahala ka na nga dyan. Favorite word mo ngayon ay 'ang kapal ng mukha mo' noh?" Sabi niya.

He's BackOù les histoires vivent. Découvrez maintenant