Chapter 29| Girlfriend

170 13 0
                                    

Cember's POV

Pang 2nd day na namin sa Canyon Cove. Una akong nagising, tulog pa silang lahat eh. Napagod ata sila.

Naligo muna ako ng mabilisan at nag bihis. Habang nag susuklay ako ng buhok ko, biglang may nag text saakin. Which is si Peter.

Peter: Cember, labas ka ng room niyo. May sasabihin akong importante. Please?

Cember: Uhmm, sige. Wait mo lang ako.

Inoff ko na yung phone ko. After ko mag suklay, lumabas na ako ng room. Nandun siya naka abang. Hinawakan niya yung kamay ko at nag simula siyang mag lakad.

Syempre napapasama na rin ako. Medyo mabilis yung lakad niya. Ewan ko ba kung bakit.

Na sa may beach side na kami. Hinarap niya ako...so ngayon face to face kami.

"Cember, may sasabihin ako."

"Ano yun?"

"Gusto ko sana toh matanong sayo bago ako umalis."

"Umalis? Saan ka naman pupunta?"

"Kailangan kasi namin pumuntang UK. And sabi nila dad, doon daw ako mag-aaral for two years. Or baka doon na rin daw ako mag tapos ng school."

"UK? Bakit naman kailangan niyo pumunta doon? At tsaka, okay naman yung school natin ah."

"Eh kasi may company kami doon. And nandun din sila lolo at lola. Di ko naman toh ginusto eh."

"Wala naman tayo magagawa eh. Yun lang ba sasabihin mo?"

"Meron pa sana akong itatanong sayo..."

"Ano yun?"

"Cember, ilang years ko na toh tinatago sayo. Ewan ko lang kung nahahalata mo sa mga kilos ko. The way I protect you and other more. Cember, I like you. And ayaw ko ng pakawalan ka pa. Cember, please be my girlfriend."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Girlfriend?! Ano sasabihin ko??? Ayaw ko naman masaktan si Peter. Dahil nyng mga panahong kailangan ko siya, parati lang siya na sa side ko. Haysh.

"Uhmm....yes?" Sa totoo lang, di pa ako ready magka boyfriend. Pero dahil ayaw ko siya masaktan, nag yes nalang ako. Para naman maka bawi ako sa lahat ng mga ginawa niya saakin. Pero wait lang...!!!!!

Patay. Dapat hindi ako nag yes!! Ano ba naman tong ginagawa ko??!?!?!?!!? Ba yan. Panindigan ko na nga lang. Fudge naman eh!

"Yes?!" Masayang tanong ni Peter. Nag weak smile naman ako at nag nod. After nun, hinug niya ako. So I hugged him back.

---

"Ano?! Eh bakit ka pumayag?!" Sabi ni Kylie. Halatang galit sila saakin. "Cember naman. Di porket pupunta na si Peter sa UK eh papayag ka na maging girlfriend niya." Dagdag pa ni Kylie.

"Hay naku." Napa face palm nalang si Lexi. "Okay. Alam ko naman na mali yung ginawa ko." Sabi ko.

"Kung ako sayo, babawiin ko yung sinabi ko." Sabi ni Iella. "Ako rin." Sabi din ni May.

"Bawiin mo yung sinabi mo Cember." Seryosong sabi ni Kylie. "Pero..." Di na ako pina tuloy ni Kylie kasi nag salita na siya. "Cember, alam mo naman yung tama diba? And yun ay bawiin mo yung sinabi mo sakanya." Sabi ni Kylie.

"Oo nga. Eh ano kung masaktan siya. Kahit na kaibigan natin siya, kailangan mo parin gawin yung tama." Sabi ni May.

"At tsaka Cember, pwede ka naman mag sabi ng no eh. Wala namang bayad yun." Sabi ni Iella.

"Oo na. Babawiin ko yung sinabi ko. Pero hahanap ako ng chance." Sabi ko. "Dapat lang. Tara, breakfast na nga tayo." Sabi ni Kylie. Lumabas na sila ng room. Sumunod na din ako.

Pag labas ko ng room, nandun sila lahat. Lumapit saakin si Peter. "Hi." Naka ngiting sabi niya.

"Uhmm...hi." Sabi ko naman. Di agree sila Kylie, kaya naka simangot sila at wala sa mood. Nauna na sila Kylie pati yung boys. Kami naman ni Peter na sa likod nila. May konting pagitan saamin.

"Alam na ba ng boys?" Pabulong kong tanong kay Peter. "Uhm, hindi pa eh. Pero mamaya sabihin natin sakanila." Sagot ni Peter.

Ramdam ko na hahawakan ni Peter yung kamay ko kaya medyo umiiwas ako.

"Cember! Paki bilisan naman po yung lakad." Sabi ni Kylie. Binilisan ko yung lakad ko at ngayon kasama na ako nila Kylie. Si Peter naman, sumunod din.

Nag breakfast na kami. After ng breakfast, pumunta kami sa may beach side. Naka upo lang kami sa sand.

"Uhm, guys, may sasabihin kami ni Cember." Bigla kaming napa tingin kay Peter.

"Ano yun?" Tanong ni Sean.

"Kami na ni Cember." Sabi ni Peter.

"What?!" Sabi naman ng boys.

"Since when?!" Tanong ni Sean. "Kaninang umaga lang." Sagot naman ni Peter.

"Masyado naman ata kayong mabilis." Sabi ni Theo. "Yun nga eh. Bakit di man lang kami nainform?" Sabi ni Cyrus.

"Biglaan lang naman guys." Sabi ni Peter.

---

Haysh. Nag sisisi talaga ako na nag yes ako kay Peter. As in. Ewan ko ba kung bakit biglang yun yung lumabas sa bibig ko.

Basta, para saakin, di ko siya boyfriend.

"Nagsisisi ka ba?" Tanong ni Kylie. "Sobra." Sagot ko naman. "Buti naman." Sabi niya tapos pumunta siya sa CR sa room namin.

"Alam mo, kung ako sayo, kausapin mo na siya about dyan." Sabi ni Lexi. "Oo nga. Para di ka na namromroblema dyan." Sabi ni May.

"Eh, natatakot ako sa magiging reaksyon ni Peter eh. Ayaw ko siyang masaktan." Sabi ko. "Pero Cember, yun yung tama eh." Sabi ni Lexi.

"Oo nga. Kesa naman nag susuffer ka dyan, habang siya masaya." Sabi ni May.

"Diba nga, sabi ko naman sainyo, hahanap ako ng chance para sabihin sakanya yun." Sabi ko.

"Grabe, di ako makapaniwala na girlfriend ka na ni Peter." Sabi ni Iella.

"Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at sinabi mo yun. Ha?" Lumabas si Kylie sa CR at umupo siya sa tabi ni Iella.

"Ayaw ko kasi siya masaktan kaya ako ng yes." Sabi ko naman.

"Naku lang." Sabi ni Iella. "Ikaw ba Iella, kapag tinanong ka ni Cyrus kung pwede ka niya maging girlfriend, papayag ka?" Sabi ni Kylie.

"Syempre hindi. Diploma first bago yung boys diba? Na sa rule natin yun ah. At tsaka, yun naman yung tama eh. Kahit na masaktan si Cyrus, pero syempre, ayaw ko siya masaktan." Sagot ni Iella.

"Tama!" Sabi ni Kylie, May, at Lexi. Tapos nag high five silang apat.

"Tara, nood nalang tayo ng movie. Cember, pag isipan mo yan. Ginusto mo yan eh." Sabi ni Kylie.

Pumunta sila sa sofa at nanood ng movie, habang ako naka higa sa bed. Nag-iisip ako kung ano sasabihin ko kay Peter eh.

He's BackWhere stories live. Discover now