Chapter 56| "Mahal Kita"

189 6 0
                                    

Kaizar's POV

Pag baba ko ng kotse, napa tingin ako sa may right side ko at nakita ko si Cember. Nag tama yung mga mata namin. Hindi ako mapa kali kaya umiwas agad ako at nag lakad na ako papasok ng school.

Iba parin talaga epekto saakin ni Cember. Late ko na kasi narealize na gusto ko din pala siya. Kung saka wala na siyang feelings para saakin, ako naman tong may gusto sakanya.

Cember, wag mo naman ako pahirapan ng ganto, kinakalimutan na nga kita eh.

Habang nag lalakad ako, may tumawag sa pangalan ko, "Kaizar!" Napa lingon naman ako.

"Peter? Bakit?" Tanong ko.

"Tell me, do you still like Cember?" Why is he asking me that question? I'm trying my best to forget her, to forget about my feelings for her. Peter, you're making it harder for me.

"Pe—-" Mag sasalita palang sana ako kaso nag salita na siya agad.

"Yes or no. That's the only word I want to hear from you. Again, do you still like Cember?"

Alam kong gusto din niya si Cember at alam ko rin na mas deserve niya si Cember kesa saakin.

"Peter, yes I do like her. Pero gusto ko na maging kayo nalang because you deserve her more than I do. I'm letting her go for you."

Bigla naman siya natawa. Ano nakakatawa sa sinabi ko?

"Frick naman oh! Kung kelan nag paparaya ako para sa inyo saka ka din magle-let go. Tadhana nga naman."

Seryoso? Nag paparaya siya? Pero bakit? Akala ko ba gusto niya si Cember?

"What? I thought you like her." Naguguluhan kong sabi.

"Yes, I like her. Pero Kaizar, alam ko naman na ikaw pa din yung gusto ni Cember. So please, take care of her. Kapag sinaktan mo siya, yari ka saakin. I'm giving you another chance. Don't break my trust, okay?" Nag lakad na siya palayo.

Nakita ko naman si Cember, hindi niya ako pinansin, nag lakad lang siya papunta kela Kylie.

Ngayon malinaw na saakin ang lahat. Pero paano kung ayaw na saakin ni Cember?? Haysh. Paano kung huli na ang lahat?

Pagkatapos ng flag ceremony, pumunta na ako sa classroom. Tinignan ko si Peter, nag smile siya saakin. Kakausapin ko pa sana siya pero dumating na yung teacher namin.

Lutang yung isip ko buong mag damag. Di ko nga namalayan na lunch na pala. Palabas na sana si Peter kaso pinigilan ko siya. Napa tingin naman saakin sila Sean since kasama nila si Peter.

"Ano kailangan mo?" Maagas na tanong ni Sean. Kahit kelan talaga ang angas ng leader namin.

"Gusto ko lang kausapin si Peter. Kahit saglit lang." Sagot ko.

"Tungkol saan?" Tanong ni Cyrus.

"Guys, mauna na kayo sa canteen. Susunod nalang ako." Sabi ni Peter sakanila.

"Sige, basta pag kailangan mo ng resbak, were here." Sabi ni Sean tapos umalis na sila.  Kami nalang ang natitira ni Peter sa classroom.

"Bakit? Hindi pa ba claro sayo lahat ng sinabi ko? Haha!" Baliw talaga siya kahit kailan. "Uy! Ano nga? Gutom na ako eh."

"Okay, eto na. Haha! Malinaw saakin ang lahat. Pero Peter napaka imposible na magka gusto pa saakin si Cember. Kaya hindi ko tatanggapin yung sinabi mo saakin na maalagaan siya. Galit siya saakin. Nag usap kami sa park. I told her na that will be the last time na guguluhin ko siya."

"Kaizar, maraming paraan. Tutulungan kita, okay? At tsaka pwede mo naman sabihin na hindi mo kaya na ilet go siya. Kasi gustong-gusto mo siya."

"Hayst. Sige na nga. Thank you ah. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit mo toh ginagawa. Bakit hindi ka lumaban? Bakit hindi mo siya ipaglaban? Mabilis mo na siya makukuha dahil nagpaparaya na ako."

"Kaizar, lumaban ako. Pero kahit anong gawin ko, ikaw at ikaw pa din ang gusto niya. May laban ba ako sa first love niya? Lalo na si Kaizar Lino pa yun. Haha!" Tumawa naman kaming dalawa sa sinabi niya. "Uy, friends na ulit tayo ah. Pinapa tawad na kita sa lahat ng kasalanan mo. Kasi wala namang perpekto na tao dito sa mundo. Naiintindihan kita kung bakit ka nagka-ganun. Sige na, kain na ako. Ikaw na rin." Hinawakan niya yung balikat ko at umalis na siya.

Sumunod nalang din ako sakanya. Pag dating ko sa canteen, pinag titinginan nila ako.

"Ang gwapo talaga kahit kailan ni Kaizar!"

"Syempre noh!"

"Bagay kami diba?"

"Hindi, kasi mas bagay siya saakin."

"Excuse me, akin lang siya!"

Natawa naman ako sakanila.

"Hala! O! M! G! Ngumiti siya dahil saakin!"

"Saakin siya naka tingin! Kaya ako yung nginitian niya."

Bumili na ako ng pagkain at umupo ako sa gilid. Ako lang mag isa. Tanggap ko naman na hindi na talaga ako mapapatawad nila Sean. Lalo na sa ginawa ko kay Cember. Pero gusto ko lang malaman nila na nagsisisi na ako dun. Kumain lang ako ng kumain.

Pagkatapos ko kumain, umalis na ako sa canteen. Since mamaya pa naman magsisimula yung next subject ko, pumunta muna ako sa garden ng school.

Napa tigil ako nung makita ko siya. Tinitignan niya yung mga flowers. Nung lumingon siya sa deretso ko, nag tama yung mga mata namin.

Walang mangyayari kung hindi ako mag fifirst move. Nag lakad ako papalapit sakanya. Nagulat naman siya sa nangyari.

"A-ano kailangan mo?" Tanong niya.

"Ikaw."

"Ha?"

"Binabawi ko na yung sinabi ko sayo. Cember, gusto kita. Gustong-gusto kita, kaya hindi kita susukuan. Ipaglalaban kita, sa ayaw at sa gusto mo." Nginitian ko siya at tumalikod ako sakanya.

"Bakit? Bakit mo ako ipaglalaban? Eh pinag tatabuyan na kita." Hindi parin ako humarap sakanya.

"Kasi mahal kita. Yun na yun."

Nag lakad na ako papunta sa room. Pag pasok ko biglang may bumulong saakin.

"Ano? Nasabi mo na ba sakanya?" Tinignan ko kung sino ito, si Peter pala.

"Oo." Sagot ko, ngumiti naman siya saakin, kaya napa ngiti na rin ako. Kung papapiliin kung sino mas mabait saamin ni Peter, siya yung pipiliin ko. Dahil napaka understanding niya. Palagi siya nagpaparaya.

Pumasok na ako sa loob ng classroom, sakto dumating na yung teacher namin pag pasok ko.

He's BackNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ