Chapter 52| "Don't Leave"

119 7 0
                                    

Cember's POV

"I just wanna say sorry for everything. Sorry for hurting you. Ngayon ko lang na-realize na, palagi ka nandito sa tabi ko whenever I needed you. Sorry kung nabulag ako at hindi ko na-realize agad yun. Masyado siguro ako nag focus kay Kaizar na hindi dapat. Sorry, ngayon ko lang kasi naalala ang lahat. Kung bakit ako naaksidente, siya pala yung dahilan. Sana hindi pa huli ang lahat, Peter."

"I'm going back to US next week, Cember. I forgive you, pero alam ko naman na si Kaizar talaga at hindi ako. I know that from the very start, Cember. I can't blame you for that. Umuwi ka na." Sabi niya, bigla naman siyang lumuha. Agad niyang pinunasan yung luha niya.

"Peter..."

"I'm fine."

"Don't leave."

"Bakit?"

"Cember!" Magsa-salita na sana ako kaso may biglang sumigaw. Napa tingin kami ni Peter sa likod ko.

"Kaizar?!" Gulat naming sabi ni Peter.

"Ako nga." Sabi ni Kaizar. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Peter, lumapit siya saakin at hinawakan yung braso ko. "Pumunta ka sa likod ko, Cember." Bulong ni Peter. Sumunod nalang ako.

"Wow. Really? Sa tingin mo talaga magagawa kong saktan yung taong mahal ko?! Ang kapal mo naman ata, Peter. I just want to talk to her, yun lang. Hindi ko siya sasaktan katulad ng ginawa mo sakanya." Sabi ni Kaizar.

"Ako? Kailan ko siya sinaktan? Baka ikaw, diba ikaw naman yung may dahilan kung bakit nagka-amnesia si Cember. Akala ko ba si Kylie ang gusto mo, ngayon naman si Cember? Hinding-hindi ko na hahayaan na masaktan mo ulit siya. Not anymore, Kaizar." Matapang na sabi ni Peter.

"Sige, papiliin nalang natin si Cember." Tinignan naman nila ako. "Cember, ako o si Peter?" Tanong ni Kaizar.

"Hindi pa ba halata, Kaizar?" Sabi ni Peter. "Na ano? Pipiliin niya ako?" Sabi ni Kaizar.

"Umuwi ka na Kaizar." Sabi ko. "Hindi, hindi ako uuwi hangga't hindi kita kasama. Cember please, I know na nagka-mali ako pero please give me another chance. Ipapakita ko sayo kung gaano ako nagsisi sa ginawa ko sayo noon." Biglang may tumulo na luha sa kanyang mga mata.

"Bakit hindi ka man lang nag sorry kung nagsisi ka talaga dati?" Tanong ko.

"Dahil wala akong chance para mag sorry sayo. I wanted to, pero sinabi ni mom and dad na kailangan namin pumunta sa US. Pero nung umalis kami, wala ka pang malay." Sabi niya.

"Cember, umuwi ka na, ihahatid na kita sainyo." Singit ni Peter. "Hindi pa kami tapos mag-usap! Kaya pwede ba, wag ka makielam!" Galit na sabi ni Kaizar.

"May karapatan naman ako eh! Ikaw ang wala! Dahil nang-gugulo ka lang naman dito! Kaya pwede ba, umalis ka na!" Galit na sabi ni Peter.

Hinila ako ni Peter papunta sa kotse ko. "Cember, umuwi ka na. Ako nang bahala sa lalaking toh." Sabi niya, sumunod nalang ako sa sinabi niya. Nag drive na ako pauwi. Hindi ko maiwasan na mag-alala para kela Peter at Kaizar. Hindi ko alam kung bakit pati kay Kaizar nag-aalala ako kahit siya naman yung may dahilan kung bakit ako nagka-amnesia.

Argh!

---

Peter's POV

"Peter parang awa mo na, gusto ko si Cember. Alam kong galit kayo saakin pero sana intindihin mo ako, nawala lang ako sa sarili ko nun kasi diba, ayaw saakin ni Kylie. Kaya ko naibuhos lang ng galit ko kay Cember." Nagmamaka-awang sabi ni Kaizar.

Lumapit siya saakin. Hindi ko alam kung nagku-kunwari lang siya o totoo yung pinapakita niya. Anytime kapag malapit na siya saakin, pwede niya akong suntukin.

"Wala ako sa mood para sa kadramahan mo, Kaizar. Its too late. Ayaw na sayo ni Cember kaya wag ka na umasa na magkaka-gusto pa siya sayo." Mahinhin kong sabi.

Nag iba naman yung muhka niya sa sinabi ko. Ewan ko kung bakit pero tumalikod siya saakin at sumakay na siya sa kotse niya at umalis na siya agad.

Pumasok nalang din ako ng bahay. Pumunta ako sa room ko. Matawagan nga si Cember.

"Hello? Bakit Peter? Okay ka lang ba? Sinuntok ka ba niya?"

Ang dami namang tanong netong si Cember. Nag-aalala siguro siya para saakin. Haha!

"Cember, mag ingat ka ah. Ewan ko kung saan pupunta yung lalaking yun, bigla nalang kasi siya umalis eh."

"Na sa bahay na ako. Hindi niya ako masasaktan dito. Ang dami kayang nakapaligid na bodyguards. Kaya wag ka na mag-alala."

"Sige sige, bye."

"Bye."

Inoff ko na yung phone ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon. Bigla nalang pumunta dito si Cember at nagso-sorry siya saakin.

Siguro masyado ako nagpa-dala sa emotion ko. Kaya ko nagawa mag bar, maging bad boy, maging masama sa lahat pati na rin sa pamilya ko, lalo na, barilin si Cember. Hindi ko naman talaga balak na barilin si Cember pero takutin lang. Alam kong nagka-mali ako. Wala namang perpekto sa mundong toh.

Natulog nalang muna ako...

After 2 hours...

May kumatok sa pintuan ko. "Sir Peter, may bisita po kayo." Sabi ng maid. "Sige." Sabi ko. Bumangon na ako at bumaba. Sino naman kaya toh?

Pagbaba ko, nakita ko agad ang isang magandang babae na naka upo sa sofa. "Jessie?!" Gulat kong sabi nung nakita ko yung muhka niya. Anong ginagawa niya dito?

Pumunta siya saakin at niyakap niya ako ng mahigpit. "Enzo! Namiss kita!" Ginulo niya yung buhok ko.

"What are you doing here?!" Tanong ko. Dapat na sa New York siya ah, bakit nandito siya sa Pilipinas?

"Didn't you miss me? Hayst, Peter." Sabi niya, nag pout naman siya. Kahit kelan talaga ang hilig niya mag pout. "Syempre namiss kita, I was just shocked na nandito ka." Sabi ko, bigla naman siyang ngumiti.

"Sabi na nga eh! Tara! Starbucks tayo! Namiss na kita kasama eh!" Hinawakan niya yung braso ko tapos tumatalon pa siya habang sinasabi yun.

"Fine. Tara sa kotse ko." Sabi ko, pumunta na kami sa kotse ko na Audi R8 na color red. Bago lang tong kotse ko, gift saakin nila dad.

Pag dating namin sa Starbucks, nag order na kami, syempre treat ko yun. Tapos umupo na kami at kwentuhan lang ng kwentuhan ang ginawa namin.

He's BackWhere stories live. Discover now