Chapter 43| Bar

141 12 0
                                    

Peter's POV

"Ano bang ginagawa mo sa kapatid mo?!" Hinawakan ni dad yung damit ko sa galit. "Sumagot ka Enzo!" Sigaw ni dad.

"Dad, I'm alright. Wala po ginawa si kuya saakin. Please, dad. Bitawan niyo na po si kuya." Sabi ni Gian, binitawan naman ako ni dad.

"Sa susunod na ganunin mo yung kapatid mo, lagot ka na saakin. Tell me, ano bang nangyayari sayo?"

"Wala po, dad. Aalis na muna po ako." Agad akong lumabas ng kwarto ko, sumakay ako sa sasakyan ko at pumunta ako sa bar.

Iinom lang ako ng beer. First time ko toh gagawin. Safe naman ako sa bar for sure kasi ang may ari ng bar na pupuntahan ko ay si tito.

Naka rating na ako. Nakita ko agad si tito, nung makita niya ako, agad niya akong pinuntahan. "Enzo? Ano ginagawa mo dito? Diba bawal ka dito?" Sabi ni tito. "Tito, okay na po. Di naman malalaman nila dad na nandito ako kung hindi mo po sasabihin. Gusto ko lang kasi mawala tong sakit na nararamdaman ko. Please tito, just today." Sabi ko.

"Sige na nga. Pero today lang ah." Nag nod nalang ako. Iniwan muna ako ni tito, nag simula na akong uminom ng beer.

"Ikaw ba si Peter Valdeo?" Napa tingin naman ako sa lalaking nakita ko. "Oo, bakit? Ano kailangan mo?" Ma-angas kong sabi.

"Bwiset ka!" Agad niya akong sinuntok. "Layuan mo yung girlfriend ko!" Sinuntok nanaman niya ako, sa lakas ng suntok niya, napa higa ako.
"Ano bang problema mo?!" Tumayo ako agad at sinuntok ko siya.

"Wag ka na nga mag kunwari na wala kang alam! Inaagaw mo yung girlfriend ko sakin!" Galit na sabi ng lalaking sumuntok saakin. "Ano bang pinag-sasabi mo?! Huh?! Sinong may sabi sayo nan?!" Naiirita kong sabi.

"Yung lalaki dun! May pina-kita pa siyang picture!" Tinuro niya yung lalaki na naka tingin saakin. Nagulat ako nung makita ko siya, si Alan?!

"Hoy Alan!" Pupunta na sana ako kay Alan para suntukin siya kaso pinigilan ako ng lalaking sumuntok saakin. At sinuntok niya ulit ako. "Loko ka!" Naiirita na talaga ako sa lalaking toh! Sinuntok ko agad siya, at sa sobrang inis ko, di ko ma-pigilan ang sarili ko kaya dugo-dugo na yung lalaking sinusuntok ko ngayon.

Pinigilan naman ako ni tito. "Enzo! Ano bang ginagawa mo?!" Hawak-hawak ako ni tito. "Siya yung nauna, tito! Sinuntok niya ako." Sabi ko.

"Ako na bahala dito, umuwi ka na muna." Sabi ni tito. Di na ako nag dalawang isip pa at lumabas na ako sa bar.

"Di pa tayo tapos, pag-babayarin kita sa ginawa mo sakin. Si Peter Enzo Valdeo ata toh." Bulong ko sa sarili ko. Sumakay na ako sa sasakyan ko at umuwi.

Pag uwi ko, sumalubong saakin sila mom and dad. I'm dead. Again.

"Saan ka nanaman pumunta? Bakit amoy beer ka?" Seryosong tanong ni dad. Nakakatakot talaga si dad kahit kailan. Kaya mapapa-amin ka talaga dahil sa takot. "Sa bar po, kela tito." Sagot ko. "At bakit doon ka pumunta? Diba sabi ko na bawal ka dun?" To be honest, natatakot na talaga ko.

"Dad, I'm not a kid anymore. You don't have to be so strict to me. And ano naman pake niyo kung pumunta ako sa bar? I can go there whenever I want to, you can't stop me." Di na ako nagulat sa ginawa ni dad, sa sobrang lakas ng suntok niya saakin, napa higa nalang ako sa sahig.

Naka smirk ako.

"Ano ba nangyayari sayo Enzo?!"

"Aalis na ako. Di ako matutulog dito ngayon." Sabi ko, sumakay agad ako sa kotse ko. Pumunta muna ako sa mall para bumili ng bagong damit. Since, wala akong dalang mga damit.

After ko mag shopping, pumunta ako sa hotel.

Nung maka rating ako sa room, humiga agad ako sa bed ko. Naisip ko yung nangyari kanina. Bwiset talaga yung Alan na yun. Dahil sakanya, kaya ako nasuntok. Tsk. Isasama na kita sa listahan ko, Alan. Kinalaban mo ako, kaya kalaban na rin kita.

Kylie's POV

Na sa hospital kami ngayon, hinihintay namin na magising si Cember. Hindi pa namin alam kung sino yung gumawa neto. Pero for sure kapag nalaman namin kung sino, mag babayad siya.

Malalaman din naman kung sino siya. At humanda siya kapag nalaman namin.

Lumabas muna kami ni May para bumili ng pagkain namin. Naiwan sila Iella at Lexi sa room. Kami muna nag babantay kay Cember dahil busy yung family ni Cember sa business nila.

Tapos na kami bumili. Biglang may tumawag saakin, si Iella. Sinagot ko agad toh.

"Hello?"

"Kylie! Bilisan niyo! Dali!"

"Teka teka...ano ba meron? May nangyari nanaman ba kay Cember?!"

"Gising na si Cember! Dali!"

"Sige sige, papunta na kami dyan."

"Ano daw nangyari?" Tanong ni May. "Gising na daw si Cember! Tawagan mo agad sila tita at sabihin mo na gising na si Cember! Dali!"

Ginawa naman ni May yung sinabi ko sakanya. And naka rating na kami sa room.

"Cember?" Sabi namin ni May pagka-pasok sa kwarto. "Kylie, May..." Nang-hihina niyang sabi.

"Iella, Lexi, yan na yung pagkain. Kumain na kayo." Sabi ko, inabot ko naman yung pagkain sakanilang dalawa. "Yey! Thank you!" Masigla na sabi ni Iella.

"Kamusta?" Tanong ni May kay Cember. "Ilang oras na ba ako nandito?" Tanong ni Cember.

"2 days palang naman." Sagot ko.

"Matagal na rin. Ayaw ko na dito, kaya ko naman na sarili ko eh. Pwede na ba ako umalis dito?" Sabi ni Cember.

"Cem, bawal pa. Di ka pa ganun kalakas. Suntukin mo nga si May, tignan natin kung masasaktan siya." Sabi ko.

"Hala, bakit ako? Si Kylie nalang since siya naman yung may gusto nun." Sabi ni May.

"HAHAHA!! Joke lang naman. Pero Cem, hintayin nalang muna natin yung doctor na mag sabi kung pwede ka na ba umalis dito." Sabi ko. "Speaking of...tinawag niyo na ba yung doctor, Iella at Lexi?"

Napa tigil naman sila sa pagkakain nila. "Uhmmm. Hindi?" Sagot ni Iella. "Baliw talaga kayo! Dapat tinawag niyo! Hayst. May, tawagin mo, dali." Utos ko.

After 30 seconds may pumasok na doctor at nurse.

Chineck nila si Cember. And dumating na rin sila tita at tito.

"Good news po, pwede na po siya maka labas bukas." Naka ngiting sabi ng doctor. "Thank you po, doc." Sabi ni tita.

He's BackWhere stories live. Discover now