Chapter 15| Sana Ako Nalang

203 14 2
                                    

Kaizar's POV

Birthday ni mommy ngayon. And she told me to invite my friends. Kaya nag chat ako sa gc na pumunta sila sa bahay ko.

Mamayang 6 pm ang party. Gusto ni mommy pumunta sa mall ngayon para bumili kami ng damit, para sa party mamaya. Kasama din namin si dad.

Napaka formal naman ng gusto ni mommy. Pinapasuot niya ako ng formal. Party lang naman yun eh, at tsaka sa bahay lang naman. Pero no choice, since birthday ni mom, pagbibigyan ko nalang siya. Dejk lang.

3 hours kami na sa mall, paano, ang daming binili ni mommy at tsaka ang bagal pa ni mom pumili. Ganun naman talaga ang mga babae, dejk.

Ang daming tao sa bahay ngayon, nag-aayos para sa party. Ako naman, na sa room lang ako. Sana hindi ininvite nila mommy sila Maine.

Ayaw ko talaga makita yung babaeng yun.

---

Naka-bihis na ako. Hinihintay ko nalang sila Sean, ang tagal kasi nila eh. 8 minutes nalang, magsisimula na yung party. Sabi ko dapat andito sila ng mga 4:45 eh. Haixt.

May kumatok sa pintuan. "Sino yan?" Tanong ko, binuksan naman ni manang yung pintuan. "Sir Kaizar, nandyan na po yung mga kaibigan niyo. Naghihintay po sila sa living room." Sabi ni manang.

"Ah, sige po manang. Paki sabi nalang po papunta na ako." Sabi ko naman. Tumango nalang si manang at lumabas na siya.

Nag spray lang ako ng perfume at bumaba na. Pumunta na kami sa garden, kasi doon gaganapin yung party ni mom.

---

Naglalakad ako ngayon sa may soccer field. Lunch na kasi eh. Naghiwalay muna kami ng squad. Kasi nga, may ginagawa sila na something.

Habang naglalakad ako, nakita ko sila Peter at Cember, nakaupo sa mga damuhan. Ewan ko kung ano yung pinag-uusapan nila. Tumatawa kasi sila eh.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Di ko alam kung sino yung nag-salita. Naka-tingin lang kasi ako kela Cember. "Hoy!" Sigaw neto, napa-tingin na ako sakanya. Nagulat kasi ako eh.

Si Sean lang pala. "Bakit?" Tanong ko, bumalik naman yung mga mata ko kela Cember.

"Selos ka noh. Siguro, sinasabi mo dyan sa isip mo na 'sana ikaw nalang' ang kasama ni Cember." Sabi ni Sean.

"Hoy tol, basta secret lang yun ah. Wag mo ipagkakalat yung sinabi ko sayo kahapon. Kahit kela Kylie o kela Theo." Sabi ko.

"Your secret is safe with me, tol."

Haysh, oo nga eh. Sana ako nalang. Kasalanan ko din naman toh eh, kung hindi ako umalis ng Pilipinas, edi sana ako yung na sa posisyon ni Peter ngayon.

Sana ako yung kasama niya tumawa. Ewan ko ba kasi kung bakit ako nagkaka-ganto. Haixt! Nagsisisi talaga ako! Dapat pala sinabi ko sakanya na gusto ko siya bago ako umalis.

Bahala na nga.

Hindi lang naman si Cember ang babae sa mundo eh. Ewan ko ba kasi, kung bakit siya pa. Kung bakit siya pa yung nagustuhan ko.

"Okay lang yan, tol." Sabi ni Sean. Tsk, anong okay sa nakikita ko? Haysh!

"Sa tingin mo ba, okay lang saakin yung mga nakikita ko. Haixt! Nakakainis naman. Dapat pala sinabi ko na sakanya na gusto ko siya bago ako umalis eh." Sabi ko.

"Kanino?! May crush ka?!" Napa-lingon naman kami ni Sean sa likod naman. Paktay. Sila Theo nandito. Nakaupo kami ngayon sa may mango tree, may mga upuan at table kasi dito.

Umupo naman sila sa tabi namin at inilagay nila ang mga bag nila sa table. "So ano? Sino yung crush mo? Kwento naman dyan." Sabi ni Theo. "Wala yun." Sabi ko naman.

"Hala. Madaya ka, Kaizar. Bakit kay Sean sinasabi mo? Akala ko ba tropa ka namin? Bakit nagtatago ka ng mga secrets. Nakaka-disappoint ah." Sabi ni Theo.

"Haysh. Sige na nga, sasabihin ko na sainyo." Napangiti naman silang lahat maliban kay Sean. "Gusto ko si Cember dati pa." Dagdag ko.

Nagulat naman sila sa sinabi ko. "Seryoso?! You like Cember?!" Gulat na tanong nila maliban kay Sean. "Wait, what?! You like Cember?!" Napalingon naman kaming lahat sa likod namin.

Paktay.

Nandito ang A5, maliban nalang kay Cember.

"Kaizar! Sagot! May gusto ka kay Cember?!" Sabi ni Kylie. "Haysh! Ang lakas kasi ng boses niyo eh!" Binatukan ko yung boys, maliban kay Sean.

"Kaizar!" Sabi ng girls. Umupo naman sila sa tabi namin. "So ano nga?! Gusto mo ba si Cember?!" Tanong ni May.

"Oo! Gusto ko si Cember!" Sabi ko naman.

"May love triangle. Omg." Sabi ni Lexi.

Ring~

Pumunta na kami sa classroom. Haysh! Nakakaboring naman toh.

Dismissal...

Kasama ko sila Sean ngayon, maliban kay Peter.

Bigla namin nakita sila Cember at ang kanyang mga kaibigan. "Uhm, sige! Alis muna kami Cember ah. See you nalang bukas!" Biglang sabi ni Kylie.

Dumaan sila Lexi saamin, at nakita kong siniko ni Lexi si Theo. "Uhm, sige Kaizar. Alis na din kami." Sabi naman ni Theo.

Umalis na silang lahat.

"Mga bastos." Sabi namin ni Cember ng sabay, tapos sabay tawa sa huli. Hahahaha!!!!!

"Tara? Hatid na kita." Sabi ko kay Cember, maglalakad na sana kami ni Cember kaso biglang dumating si Peter.

"Cember! Tara na! Hinihintay na tayo ni mommy at daddy." Sabi ni Peter, tinignan ko si Cember. "Uhm, Kaizar, sorry. We have to go, kasi may dinner pa kami ni Peter kasama sila tita at tito." Sabi ni Cember.

"Sige, okay lang." Sabi ko naman. "Sige, thank you! Bye!" Sabi ni Cember. Hinawakan ni Peter ang kamay ni Cember at tumakbo sila papalayo saakin.

Sana ako nalang.

Haysh. Ba yan, badtrip naman. Okay na sana eh. Peter naman eh.

Umuwi nalang ako ng bahay. Nakita ko sila mom and dad, nakaupo sila sa sofa. "Uhm, Kaizar, nandito ka na pala. We have to tell you something." Sabi ni mommy.

Umupo ako sa isang sofa.

"Ano po yun?" Tanong ko kela mommy and daddy, nag-tinginan muna sila tapos tumingin sila saakin. Nag sigh sila mom and dad ng malakas.

"Were sorry anak, pero...." Kinakabahan na ako ah. Ano ba kasi yung sasabihin nila. Sana naman good news.

He's BackWhere stories live. Discover now