Chapter 31| I'm Falling For You

171 13 0
                                    

Cember's POV

Na sa canteen ako ngayon. Ako lang mag-isa kakain ngayon, kasi sila Kylie, may pinagawa sakanila. Haysh. Ang lungkot tuloy, walang mga maiingay.

Susubo palang sana ako kaso, dumating sila Maine at Faira. At hindi lang yun, kinuha nila yung pagkain ko at tinapon nila saakin. Kaya ngayon, ang dumi ng uniform ko!

"Ano ba?!" Napatayo ako sa sobrang galit.

"Oops. Nahulog eh." Sabi ni Maine.

"Alam kong sinasadya niyo yun! Ano ba kasi kailangan niyo?!" Galit na sabi ko.

"Gusto namin mawala kayo ng A5. Yun lang naman gusto namin eh! Yung mawala kayo!" Sabi ni Faira.

"Oops, since kinder, dito na kami nag-aaral. Kaya mas nauna kami. Kaya nung dumating kayo dito, naging miserable na yung mga buhay namin!" Sabi ko.

"Wala akong pake!" Sabi ni Maine.

"Ano nanaman ba toh Maine?!" Napa tingin kami kay Kaizar, na kaka-dating lang.

"Oh, nandito na pala si Kaizar eh. Alam mo, pinaglalaruan mo lang naman sila Peter at Kaizar eh. Alam kong sasaktan mo lang sila! Lalo na si Peter! Alam ko ang totoo, Cember. Alam ko naman na ayaw mo siya maging boyfriend, hindi ba?" Sabi ni Maine.

Nagulat ako sa sinabi niya. Teka, paano niya yun nalaman?! Hindi ako mag papatalo.

"Ganun ba? Di ko alam na fan pala kita kaya mo ako iniistalk. Gusto mo ba ng signature ko? Ay, bakit ko pa ba tinatanong? Alam ko naman na gusto mo, eto na oh." Pag kasabi ko nun, kumuha ako ng permanent marker at sinulatan ko ang muhka niya ng mabilisan.

Kaya naman, galit na galit siya.

"Ano ba!" Sabi niya habang binubura niya yung mark.

"Sana kasi mabura mo yan. Permanent marker toh oh." Pinakita ko sakanya, kinuha ko na ang bag ko. Binato ko muna sakanya yung marker bago ako umalis.

Dumeretso ako sa CR. Buti nalang nag dala ako ng extra clothes.

Kaizar's POV

"Ano nanaman ba toh, Maine?! Palagi mo nalang ba ibubully si Cember?! Wala naman siyang ginagawang masama sayo ah." Sabi ko.

"Anong wala?! Inagaw ka niya saakin. Kaizar, alam ko naman na may gusto ka sa Cember na yun." Sabi ni Maine.

"Ano bang pinag-sasabi mo?! Kapag ginawa mo pa toh ulit kay Cember, ako na ang makakalaban mo." Seryosong sabi ko. Umalis na ako after nun.

Maine's POV

Pinag titinginan kami ngayon dito sa canteen. "Ano ang tinitingin niyo dyan?!" Sabi ko.

"Wala ka pala kay Cember eh. Kahit mag-isa lang siya, talo pa rin kayo. Hahaha! Let's go girls." Sabi ng leader ng mga babae na di ko kilala.

Nainis ako lalo dahil dun. Pumunta kami sa CR, kailangan ko matanggal yung mark sa muhka ko! Bwiset naman kasi!

Kylie's POV

"Finally at makakakain na rin tayo!" Excited na sabi ko habang nag lalakad kami papuntang canteen.

"Guys, asan nga pala si Cember?" Tanong ni May. "Na sa canteen ata siya. Sabi niya mauuna na siya kumain eh." Sabi ni Iella.

Nung nakarating na kami sa canteen, wala si Cember. Baka pumunta lang siya sa CR or what.

Kumain nalang kami. Pinag titinginan kami ng mga students. Tumayo naman ako. "Bakit kayo naka tingin saamin?" Sabi ko.

"Uhm, A5, binully kasi si Cember nila Maine nung wala kayo. Tinapon nila yung pagkain ni Cember, sa damit ni Cember." Sagot ng isang babae.

"Thank you for telling us." Sabi ko. Mabilis naming inubos yung pagkain namin. Nakita namin si Cember na papunta saamin.

"Cember, okay ka lang?" Tanong ni Lexi.

"Okay lang ako. May dala naman akong extra clothes." Sagot naman ni Cember.

"Don't worry, Cember. Babawi tayo. Mas malala pa." Sabi ko.

Cember's POV

Naka upo lang ako dito sa may soccer field. Nagulat ako kasi may umupo sa tabi ko. Hindi na ako magtataka. Palagi naman niya alam kung nasaan ako eh.

"Iniistalk mo ba ako?" Tanong ko sakanya.

"Hahaha! Ano ako, stalker mo? Asa ka pa. Nag lalakad lang ako dito noh, eh nakita kita. Kaya pinuntahan kita." Sagot ni Kaizar.

"Tsk. Aminin mo na kasi. Deny pa more."

"Hahaha! Oo na. Eh kasi, baka ano nanaman gawin sayo nila Maine eh."

"Hindi na ako bata. Kaya ko na sarili ko. At tsaka di naman ako takot sakanila eh. Di naman sila marunong lumaban. Isang sipa ko lang sa Maine na yun, matatakot na saakin yun. Pero thank you ah. Thank you dahil parati ka na sa tabi ko."

Tumingin ako sakanya at tumingin rin siya saakin.

"Nandito lang ako para sayo."

---

Ugh! Bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko para kay Kaizar???? Kaibigan ko lang siya. Kaibigan lang. Hindi crush. Kaibigan lang.

Hindi pwede mangyari toh. Please lang!!! Ayaw ko na ma-fall sa Kaizar na yun ulit. Masasaktan lang ako.

"Hoy! Ano ba nangyayari sayo Cember?" Tanong ni Kylie.

"Ha?" Tanong ko.

"Parang may gumugulo kasi dyan sa isip mo. Si Kaizar ba?"

"Ha?"

"May gusto ka ba kay Kaizar?"

"Ha?"

"May gusto ka nga sakanya."

"Ha?"

"Halaman." Sabi niya, "Alam ko naman na may gusto ka parin kay Kaizar. Halata naman eh. Tuwing titignan mo siya. Doon palang, alam ko na, na may gusto ka sakanya. Wag mo na i-deny." Dagdag niya.

"Wag mo sasabihin yun kahit kanino ah. Lalo na sakanya!"

"Chill. Hindi naman ako ganun. So inaamin mo na may gusto ka nga sakanya?"

"Oo na. Basta, shh ka lang ah."

"Oo na. Mag focus ka na sa movie."

Nanonood kasi kami ng movie. Na sa room kami ni Kylie. Kaming dalawa lang. Yung tatlo lang, which is sila Iella, Lexi, at May, may pupuntahan daw sila.

Kaya kami lang ni Kylie ngayon ang magkasama.

Nag focus na ako sa movie.

He's BackDove le storie prendono vita. Scoprilo ora